Chapter 14

2.3K 101 0
                                    


Chapter 14

Enjoy reading!

3rd.

Nakatulalang nakaupo si Xylah sa ibabaw ng kanyang kama. Hindi pa rin niya lubos maisip na nakapatay na naman siya ng tao. Dalawang tao na ang napatay niya at hindi pa rin niya matanggap-tanggap ang kanyang kapalaran na mismong ginuhit ng batang mamamatay-tao na 'yon.

Walang konsiderasyon, basta-basta lang siya nitong pinasok sa isang laro ng isang sindikato nang wala siyang kaalam-alam. Ginawa siya nitong tanga at naiinis siya sa katotohanang iyon. Galit siya sa batang nagpapakilala na, Tamara Georghette Madriaga, na isa raw'ng Mafia Queen ng Bermond, isang kinakatakutang grupo sa isang komunidad na tinatawag na Chthonic Society. /thá-nik/

Marami pa siyang hindi alam sa nangyayari pero ang mga sinabi ni Nicholas Vest ay tsakto lang para maghatid ng pagkabahala at takot sa kanya. Galit siya kay Tamara dahil sa pagsali nito sa kanya and at the same time nagtataka siya kung paano siya nakilala ng batang 'yon.

Nalaman niya rin na siya ang chosen ng bata o cherry-picked. Ibig sabihin siya ang gusto nitong manalo sa laro, na siya ang magiging lider ng isa sa mga distrito ng Mafia nito. Hindi pa rin niya matanggap ang rebelasyong iyon.

For heaven's sake, we're talking about Mafia here. It's not just a pathetic fandom group of a public figure but a syndicate! She knows that it is an illegal group of the underground world and death is just a normal event among those mobs. Mafia people are outrageously dangerous!

Ano na lang ang mangyayari sa kanya? Paano niya ipagpapatuloy ang buhay niya kung alam na niyang nasa bingit na siya ng kamatayan? Hindi lang 'yon pati mama niya ay maaaring malagay sa panganib, si Aroma... nadamay na ito. Paano na lang kung pati ang mga ito ay masaktan dahil sa lintik na District Quest na 'yan?

Sigurado siyang kasali rin si Andrew sa larong ito base sa naalala niyang mga sinabi nito sa kanya na tungkol sa isang laro. Pero inaalala niyang baka sa huli ay silang dalawa ang magpatayan.

Bakit siya pa ang napili ng Tamara na 'yon?! Siya pa na walang alam tungkol sa mafia. Siya pa na duwag sa mga ganitong bagay. Oo at nakapatay na siya pero hindi sapat iyon para maging isang lider siya ng distrito nitong hindi niya alam kung ano.

Bakit kailangan pang may magbuwis ng buhay para sa isang posisyon ng lecheng grupo na 'yan? Pwede namang gumawa na lang ng advertisement tungkol sa vacancy ng posisyon na 'yon si Tamara! Why that kid needs to be cruel to them, to her?! How could a kid do those things?! Tsaka bakit naman siya makikinig sa batang 'yon?! Bata lang siya! Mas matanda siya at hindi niya naman kaano-ano 'yon! She needs to escape from this stupidity.

Pero napaisip siyang bigla na lang pala sumusulpot si Tamara sa kung nasaan siya. Napakamot siya sa leeg sa inis. Naisip niyang lider ito ng isang Mafia and for sure kahit saan siya magtago ay hindi siya makakatakas sa batang 'yon!

Napasabunot siya sa kanyang buhok at nagpapadyak dahil sa inis.

"Peste ka sa buhay ko, Tamaraaa!" nanggagalaiting sigaw niya. "Araaay!" daing niya nang mahagip ng daliri niya sa paa ang isang matigas na bagay. "Ang sakit!" Do'n niya lang naalala ang silver attaché case na nakapatong rin sa kanyang kama.

Nilabas niya ito kanina dahil sa sinabi ng Tamara na 'yon.

"It's not my fault if you played clueless in my quest. It's been a long time since I gave you the silver case. So, don't blame me if you hadn't seen the important things inside of it yet. Everything you want to know and need is inside of that case. You better see it yourself, Xylah. Good luck, my reaper."

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon