DX 3

2.9K 128 0
                                    

Chapter 3

Enjoy reading!

3rd.

Naglalakad na pauwi si Xylah, sa may bus stop kasi siya bumaba at ilang kanto pa ang dapat niyang daanan bago marating ang kanilang bahay.

Hindi siya galing sa isang mayaman na pamilya ngunit hindi naman siya nakaranas ng paghihirap dahil tinaguyod siya ng kanyang ina nang mabuti, binigay nito lahat ng kanyang kailangan at kuntento na siya kung ano ang mayro'n sa kanila.

Bata pa lang siya nang iniwan silang mag-ina ng kanyang ama. Sumakabilang bansa na ito kasama ang bagong pamilya. Kaya Pitt ang gamit niyang apelyido na apelyido ng kanyang inang half-American.

Hindi niya alam kung ano ang trabaho ng ina pero may tiwala naman siya rito kaya hindi niya na tinanong pa dahil nang sinubukan niyang itanong ang ina ay sinabi lang nito na hindi pa ang tamang oras para malaman niya.

Nagtaka man ay hinayaan niya na lang dahil sanay na siya sa pagiging weirdo ng ina na pilit niyang ginagaya. Emo rin kasi ang ina... 'yan ang tingin niya dahil palagi itong nakaitim lahat. Sa edad nitong 38 ay para lang itong dalaga na mahilig sa dark colors.

Pero minsan hindi niya maiwasang maghinala sa ginagawa ng kanyang ina dahil minsan ay umaga na ito kung umuwi, minsan umuuwing sugatan, nakita niya na rin itong may hawak na baril at minsan nakita niya ang tinatagong armas ng ina sa walk in closet nito at ang napakamaraming pera sa loob ng ilang malalaking maleta.

Sa tingin niya kasapi ito ng isang sindikato pero ayaw niyang maniwala hangga't hindi ang ina ang magsasabi. Dahil na rin sa hilig niya sa actions and adventures na-excite rin siya sa kanyang mga hinala sa ina.

Wala naman siyang magiging reklamo sa ina kung isa nga itong sindikato basta isasali siya nito sa trabaho. Baliw man kung isipin pero pangarap niyang maging sindikato.

Liliko na sana siya tungo sa kanilang bahay nang may biglang humablot sa kanya. With her reflexes and instinct ay mabilis niyang binalibag ang taong humablot sa kanya ngunit mabilis itong nakatalon palayo kay Xylah. Nagtagis ang bagang niya saka hinarap ang lapastangan.

Nakita niya ang isang lalaking kasing edad niya lang siguro na nakangising nakatayo sa kanyang harapan.

"Sino ka?"

Ngisi lang ang naging sagot ng lalaki.

Napa-duck siya nang binato siya nito ng kung ano. Paglingon niya sa puno na nasa likuran ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang may limang shuriken ang nakabaon sa katawan ng puno.

Pipihit na sana siya para umatake nang sinipa siya ng lalaki sa sikmura. Mabilis niyang nahawakan ang paa ng lalaki saka siya patalon na umikot. Napaikot rin ang lalaki at hindi nito inasahan ang sunod niyang ginawa. Malakas na sinipa ni Xylah ang gitna ng hita nito saka hinila niya ang paa nitong hawak niya sabay malakas na binagsak sa lupa.

Narinig niya ang tunog ng pagkapunit ng pantalong suot ng naka-split na lalaki. Dumadaing ito at halatang sobrang nasaktan dahil sa kanyang ginawa.

"Sino ka?! Bakit mo 'ko sinugod?! Papatayin mo ba ako?!" sigaw niya dito.

Nilibot niya ang paningin pero nagtaka siya kung bakit walang ibang tao sa kalsada. 'E dati-rati'y maraming tambay dito

Tiningnan niya muli ang lalaki na ngayon ay nakaluhod na. Nagulat si Xylah nang makita ang hawak nitong baril na may silencer.

'Nyeta. Anong laban ko sa baril? Kamao at sipa laban sa tingga?!' asik ni Xylah sa isipan.

Napaatras siya hanggang sa napasandal siya sa puno pero napamura siya nang matusok ang likod niya dahil sa mga nakabaon na shuriken doon.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon