Chapter 15

2.2K 101 0
                                    


Chapter 15

Enjoy reading!

3rd.

Nakatunganga lang si Xylah sa gitna ng kanilang klase. Kahit anong pilit niyang ipukos ang atensyon sa nagsasalitang guro ay lumilihis pa rin ang utak niya sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.

Habang pakurap-kurap naman si Aroma na pasulyap-sulyap kay Xylah. Naninibago pa rin ito sa kinikilos at sa hitsura niya. Napapasimangot pa ito paminsan-minsan dahil sa suot nitong itim lahat. Hindi matanggap ni Aroma na nakasuot si Xylah ng puting bestida at higit sa lahat wala itong makapal na eyeliner, nakatirintas pa ang buhok. Kaya agaw atensyon ito sa lahat.

Kanina pa rin pasulyap-sulyap ang mga lalaki kay Xylah pati na ang ibang babae lalong-lalo na si Andrew na sobrang lukot ang mukha sa nakikitang ayos ni Xylah.

Sobrang ganda pala talaga ng dalaga kung walang suot na make up, nakatirintas ng buhok in a messy way at nakasuot ng ibang kulay ng damit. Mukha siyang anghel ngunit kapansin-pansin rin ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Xylah dahil nanlilisik ang mga ito. Tila may giyera sa kalooban.

Natapos ang klase na wala pa rin si Xylah sa sarili. Hindi pa man nakakalabas ang guro sa kanilang classroom ay bumungad na naman ang nakabusangot na mukha ni Dean Hernaez kasama si Prof. Jen. Tumaas ang kilay ni Prof. Miggy at nilapitan ang dalawa.

"Good morning Dean... sa'yo rin Jen. Ano ang kailangan niyo?" mahinahong tanong ng guro.

Bumuntong hininga si Prof. Jen, "Nicholas Vest is missing." Mahinang usal nito na tila sinisigurong sila lang tatlo ang nakakarinig. "Inspector Luz is in our premises again and he wants to talk with the same students. He's in the Dean's Office right now, waiting for us." Dagdag nito.

Kumunot ang noo ni Prof. Miggy saka inayang lumabas sila ng classroom. "Class... 'wag muna kayong lumabas." Paalala nito sa mga estudyanteng nagtataka sa kinikilos ng mga guro. Sinirado nito ang pinto saka muling hinarap ang dalawa.

"Nadagdagan ang hinala ng pulis na 'yon. Pursigido talaga siyang palakasin ang kasong hawak niya." Saad ni Dean Hernaez.

"How did he found out that Nicholas is missing?" tanong ni Prof. Miggy.

Umiling si Prof. Jen, "Hindi niya pa sinasabi. Sabi niya sasabihin niya ang lahat ng nalalaman niya kapag nakausap niya muli ang mga bata. Malaki ang hinala niyang may kinalaman silang lahat sa kasong hinahawakan niya. He will use the kids to find any traces of the mafia."

"What?! Papatahimikin na lang natin siya." Aniya pero sabay na umiling ang dalawang kausap. "Why? Psh. We have to... para matapos ang problemang 'to."

"It's the Queen's order. Hayaan na lang daw natin ang pulis na 'yon." ani ng Dean.

"Why?! Edi para na ring hinayaan nating malaman ng ugok na pulis na 'yon ang sikreto natin, ang sikreto ng famiglia Madriaga!" untag ni Prof. Miggy.

"Kaya nga tayo nandito diba? To stop that bastard. But we don't need to kill him. He's just a stupid useless piece of this game after all. Dagdag excitement and challenge na rin siya para sa laro ng mga bata. Hayaan na lang nating maging tanga ang pulis na 'yon sa kakahabol sa atin." Nakangising saad ng Dean.

Napabuntong hininga naman si Prof. Miggy.

"Let that stupid inspector play in our Queen's game." Saad ni Prof. Jen kaya napatango na lang si Prof. Miggy.

Umalis na sina Dean at Prof. Jen kaya muling pumasok si Prof. Miggy sa loob ng classroom na sobrang tahimik. Ni hindi napansin ng mga estudyante ang kanilang guro na nasa harap na siya ng lahat. Pinasadahan ni Miggy ng tingin ang mga estudyante at nakitang tahimik at taimtim ang lahat na nakalingon sa iisang tao lamang. Napangisi si Miggy at natingin na rin kay Xylah na tila walang alam sa nangyayari sa paligid.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon