Chapter 17

2K 82 0
                                    


Chapter17

Enjoy reading!

3rd.

"Damn it." mura ni Andrew nang masagi ng debris ang isang paa nito.

Nang mawala na ang usok sa silid ay agad na tiningnan ni Xylah si Andrew na nakatihaya at namimilipit sa sakit.

"Hey... are you okay?" sinipat niya si Andrew at nakitang naipit sa semento ang paa nito. Mabilis niyang sinipa palayo ang semento.

Hindi sumagot si Andrew pero ngumiti lang ito kay Xylah saka ginalaw-galaw ang paa. Nang matantyang kakayanin na nito ng paa na makatayo ay tinulungan niyang tumayo sina Xylah at Aroma na hanggang ngayon ay umiiyak dahil sa takot.

Wasak na ang buong silid at may malaking butas ang pader kung dumaan ang bala ng Bazooka. Nilibot nila ang tingin at nakitang kakatayo lang rin ng kambal habang si Latino ay nadaganan ng semento sa paa at hindi makatayo.

Agad na lumapit sina Andrew at Lad sa lalaki upang tanggalin ang malaking bitak ng semento kay Latino. Nang matanggal na ay tinulungan pa nila itong makatayo.

"Oh my gosh! I can't believe this. Ikalawang beses na namin 'to ni Kambal na tinira nila ng Bazooka. Grabe lang!" asar ngunit maarteng bulalas ni Bridgette na inaayos ang nagulong buhok at damit. "Tss. Bakit ba kasi ako sumali dito!" maktol pa nito.

"Ah gano'n?! Nagsisisi kang sinamahan ako?!" untag ni Lad na binalingan nang masamang tingin ang kambal.

Napanganga pa si Bridgette, "Hoy! 'Wag kang magsalita nang ganyan! Hindi kaya ako nagsisisi 'no pero nagrereklamo lang. Suplado nito." Pairap na sagot nito.

"Sinabi ko na sa'yong umuwi ka na lang sa San Francisco, isa lang naman sa'tin ang kailangang sumali dito!" naiinis na anas ni Lad.

"Pero kakambal kita! Kaya didikit at didikit ako sa'yo kahit ano pang rason mo!"

"Bakit pa?! Anong rason mo 'e kahit manalo tayo dito! Isa lang lang pwedeng mabuhay sa'tin!" tila iiyak nang sigaw ni Lad.

"Wala akong pakialam basta sasamahan kita kahit mamatay man ako!" tumalikod si Bridgette sa kakambal.

"Hindi ka mamamatay!"

Nakatingin naman ang iba sa kanilang dalawa kaya nagulat na lang sila nang biglang hinambalos ni Latino ang isang bitak ng semento sa likod ni Lad.

"Fvck!" daing ni Lad nang matumba dahil sa lakas ng pagkahambalos ni Latino.

"Lad!" tili ni Bridgette saka mabilis na dinaluhan ang kambal.

Mabilis namang sinipa ni Andrew si Latino pero naagapan nito agad. Nahawakan nito ang kanyang binti saka hinila. Umamba ng suntok si Latino pero napabitaw ito sa binti ni Andrew nang ni-head lock ito ni Xylah gamit ang braso.

Hinila ni Xylah palayo si Latino kay Andrew. Nagpumiglas ang lalaki saka inabot ang ulo ni Xylah. Sinabunutan siya nito pero pinihit ni Xylah ang kanilang katawan saka diniin ang lalaki sa pader. Napabitaw ang lalaki sa kanyang buhok kaya inumpog ni Xylah ang ulo ni Latino sa pader.

Uulitin niya na sana itong muli nang binalibag siya ni Latino. Agad na lumapit si Andrew at sinuntok sa panga si Latino.

"There's another one! Get down!" malakas na sigaw ni Bridgette nang makitang may paparating na namang bala ng Bazooka sa kanila.

"Aromaaa!" sigaw ni Xylah nang nakatulala lang si Aroma habang nakatayo.

Napapikit na lang siya dahil huli na kung tatayo pa siya.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon