Chapter 23

1.7K 71 4
                                    

Chapter 23

Enjoy reading!

3rd.

Tumayo si Xylah saka hinarap ang babaeng naka-itim lahat. Napaatras pa siya nang makita kung gaano katalim tumitig ang babaeng kaharap niya. Mukha itong Barbie na killer. Sinundan siya nito ng tutok ng baril.

"Padaanin mo na lang ako 'o." aniya sa babae na may tonong nagmamakaawa pero ngumisi lang ito. Naiisip niyang baka nakapasok na sa loob ng main building si Latino.

"Hmpf. Let me think about it." anito saka binaba ang baril at ginamit itong pangkamot sa leeg. "Okay. Padadaanin kita sa isang kundisyon. Agawin mo 'tong baril sa'kin. Hindi na kita pahihirapan pa." nakakalokong hamon nito sa kanya. Napapadyak siya sa inis at hindi mapakali sa kinatatayuan.

"Sino ka ba?" nakataas ang kilay na tanong niya na may halong angas at nanlalaking mga mata.

"I am a Bermond reaper, they call me Black Savage."

Napatitig si Xylah sa babae, mula ulo hanggang paa. Sobrang astig nitong tingnan. Mukhang anghel pero mukha ring battle warrior. 'Yong mukhang mahina pero napakalakas pala. Ang cool!

"Ibig sabihin 'pag ako naging reaper ay ganyan ang uniform ko? Hmm. Not bad ha." Komento niya pero ngumisi lang si BS. "Ano ba ang kundisyon mo?" tanong niya pa.

"Agawin mo lang 'tong baril sa'kin. Kasi alam kong wala kang armas d'yan at gustong-gusto mo nang sagipin ang anak ng bise presidente na matalik mong kaibigan."

Napaismid siya. Gusto niyang sabihin hindi sila close ni Aroma.

"Okay." Aniya saka biglang sinugod ang babae pero mabilis itong lumihis at lumayo sa kanya. "Aish! Kainis."

Tumatawa pa ito saka iniwagayway ang baril.

Muli siyang sumugod kay BS at sinipa ito sa tagiliran pero tinapik lang nito ang binti niya kaya napaatras siya dahil ang bigat ng kamay nito. Halatang sanay na sanay at hula niya matigas ang palad nito, puno ng kalyo dahil hubog sa training. Hinubad niya ang suot na back pack at binato sa babae, tumama ito sa sikmura ng babae pero tumawa lang ito nang nakakaloko.

Mabilis siyang tumakbo papalapit dito at sasalubungin na sana siya ni BS ng isang nanggagalaiting suntok sa mukha nang nilabas niya ang pepper and chilli spray at kinuha ang takip. Tinapon niya ang lahat ng laman ng spray sa mukha ni BS.

Napangisi siya nang nabitawan nito ang baril saka napaatras palayo.

"Damn you kid! Ano 'tong binuhos mo?! Humanda ka sa'kin 'pag matapos 'tong larong 'to!" sigaw nito sa kanya habang sapo ang mukha. "Umalis ka na at puntahan ang kaibigan mo bago pa kita patulan!"

Agad niyang kinuha ang baril saka ang back pack at tumakbo na papunta sa main building.

Nanlaki ang mga mata niya nang walang kaalam-alam ang tumatawang si Aroma na nasa likod na nito si Latino na may hawak na baril at nakatutok sa likod ng babae.

"B-Besfiii?" anito nang mapansin siya.

"Yukooo!" sigaw niya pero napapikit siya sa inis nang niyuko lang nito nang bahagya ang ulo.

"Gaga! Dapa!"

Agad niyang kinalabit ang gatilyo nang makadapa si Aroma na nagrereklamo pa pero nakaiwas si Latino at nadaplisan lang ang gilid ng leeg nito at siya naman ay natamaan sa balikat. Nabitawan niya ang baril dahil nawalan ng lakas ang braso niya.

"You're not a sharp shooter, darling." Rinig niyang wika ni Latino.

"Elizabeth!" tumakbo papalapit sa kanya si Andrew.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon