Special Chapter

1.5K 50 9
                                    

XYLAH ELIZABETH

"I want you to personally handle the new recruits of your district, Xylah. Level up the training."

I bowed down before I responded to her Highness.

"If that's what you want, my queen. Affirmative."

Inangat ko ang aking ulo at sinalubong ang madilim na tingin ni Tamara. Napangiti ako sa likod ng aking isipan dahil sa kung ano na siya ngayon.

She just turned twenty years old last month and she was crowned as the youngest and most influential Mafia Boss in the whole Chthonic Society. No one has the right to question her capability.

After almost 6 years of being her underboss, marami akong natutunan at naranasan. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong nalagay sa bingit ng kamatayan.

One time, two years ago, I thought I was dead after I disguised as Tamara to divert the attention of our rivals.

They ambushed my team and as the head of the guardians, it's my duty to protect the whole Famiglia most especially Tamara. I stood still in the midst of the battle, ready to sacrifice my life and ordered my team to escape.

But, Nicholas came and rescued me. Na-coma ako pagkatapos no'n, nagbunyi rin ang mga kalaban namin sa pag-aakalang napatay nila ang reyna ng famiglia namin 'yon pala ay ako.

Isang buwan din akong nahimbing at nang makabawi ay bumalik ako sa serbisyo.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang tao na ang napatay ko para sa safety ng buong Bermond. Hindi ako proud sa fact na iyon... hinding-hindi ako magiging proud.

Sapagkat, sa bawat taong ninanakawan ko ng buhay ay kapalit no'n ay bangungot. Kung kaya sa loob ng napakaraming taon ay wala akong matinong tulog maliban na lang kung iinom ako ng sleeping pills.

Ngunit naipangako ko nang poprotektahan ko ng buong buhay ko si Tamara. Nabubuhay ako para paglingkuran siya. Kaya kahit forever na akong dedepende sa sleeping pills tuwing kailangan ko na nang matinong tulog ay kakayanin ko para gampanan ang tungkulin ko.

Minahal ko na ng buong puso ang aking trabaho.

"Rest, my reaper." mahinang wika niya kaya natigilan ako.

"Allow me to speak, my queen." paghingi ko ng permisyon sa kanya. Tumango siya.

Ilang ulit akong lumunok bago magsalita, "Kung iniutos niyo ito para ilayo ako sa totoong tungkulin ko, huwag niyo sanang mamasamain. Tinatanggihan ko po ang utos niyo."

Hindi na ako nagulat pa nang isang malutong na sampal ang sinagot sa akin ni Tamara. Yumuko ako.

"Forgive me, my queen for what I'd said but I mean it."

"Give me valid reasons for defying my words, reaper." malamig na tanong niya.

"K-kaya ko pa pong gampanan ang tungkulin ko kahit matapos sa nangyari sa akin. Huwag ho kayong mag-alala, mapoprotektahan ko pa rin ang lahat at kayang-kaya ko pang pamunuan ang ika-apat na distrito." saad ko na may halong pagmamakaawa.

Alam kong hahantong sa ganito pagkatapos may nangyari noong nakaraang mga buwan.

Nang dahil sa kapalpakan ko ay nagsimula ang Mafia War sa Chthonic Society. No'ng una ay dalawang grupo lang ang nasangkot ngunit kalauna'y, sumali ang ibang Mafia Famiglia sa hidwaan.

Hindi kailanman nagalit sa akin si Tamara kaya inexpect kong iba ang magiging kaparusahan ko pero hindi ko inaasahang tatanggalin niya ako sa aking puwesto.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon