Chapter 21

1.8K 72 0
                                    


Chapter 21

Enjoy reading!

3rd.

Lumipas ang dalawang araw sa loob ng Laroa University nang hindi pa nila nakikita ni Andrew si Xylah. No'ng gabing hinanap nito si Aroma ay tanging si Aroma lang ang bumalik sa kanila kasama ang dalawang lobo.

Maayos na rin ang lagay ni Bridgette kaya sama-sama silang tatlo na naglilibot sa buong Laroa tuwing may araw at nilulusutan ang mga traps habang nagtatago sa dilim tuwing gabi para iwasan ang mga surprise attacks.

Kahapon bigla na lang umalis ang limang lobo at hindi na muling nagpakita sa kanila kaya medyo nawalan sila ng seguridad dahil dumepende sila sa mga hayop na 'yon na nagbibigay sa kanila ng babala tuwing may panganib sa kanilang paligid.

"Anong rason mo kung bakit ka sumali dito, Andrew?" tanong ni Bridgette. Kasalukuyan silang nakaupo ngayon sa rooftop ng main building. Pinapagitnaan nila ni Andrew si Aroma.

Sinamaan ni Aroma ng tingin si Bridgette nang mapansin nito ang may halong landi ang boses sa pagtanong kay Andrew.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" balik na tanong ni Andrew na diretso lang ang tingin sa kawalan.

Ngayon lang sila nakapagpahinga ng ganito dahil hinabol sila kanina ng mga ninjas. Hindi pa nga sila nakakain dahil naiwanan ni Aroma ang bag na may lamang pagkain habang hinahabol sila ng mga ninjas.

Ngumiti nang mapakla si Bridgette, "Hindi naman dapat ako kasali. I was an architect student back in San Francisco. But last two years, I found out that my dad is a part of a mob group. Hindi nga ako makapaniwala 'e dahil we are very well off and a decent family. Laman palagi ang family namin sa magazines and newspapers, hinahangaan kami because of our spotless image. Who would believe that my Dad is a mobster?" pagsisimula ni Bridgette.

"Pero nalaman ko rin na dati pa lang miyembro ng Bermond Mafia si Dad at kaya siya sumali sa isang mob group do'n sa amin dahil gusto niyang makabalik sa Bermond. Kung sino ang pinakamayaman at maimpluwensya sa grupo nila ay siya ang may karapatang pumili ng isang applicant for prospects ng mga Districts sa Bermond. Then Dad chose my twin brother, isang taon rin ang ginugol ng grupo ni Dad para lang makapasok si Lad sa prospects."

"Lad is a gangster type but he's not one. He was a notorious bad boy way back in our place. He engaged himself into street fights and all craps but heck not to the point that he could fight with death. Hindi alam ni Dad na palihim ko silang sinusundan at alam ko ang sikreto niya. Then I confront my mom about it but she remained quiet on this matter so I have to move on my own and save my brother's ass. So, I enrolled myself into a martial arts school and trained there secretly as my brother done his training with my dad."

"Last year, pinadala na ni Dad dito si Lad kaya gumawa rin ako ng paraan na isunod niya ako dito. Hindi ko alam na dito pa pala siya sa pinakadugong distrito napunta. Akala ko do'n siya sa third District na lugar ng mga gangs. Nalaman ng mga tauhan ng Bermond na nakikialam ako sa mga galaw ni Lad kaya nakisali na rin ako. Kaya heto ako, kasama niyo. Dapat maging happy ka because you're with a goddess." Sabay kindat kay Andrew pero nagulat na lang si Bridgette nang tinusok ni Aroma ang mata niya gamit ang daliri.

"Ouch! Ano ba?! Why did you do that?!" malakas na hiyaw ni Bridgette sapo ang matang tinusok ni Aroma.

Inakbayan ni Andrew si Aroma saka tinakpan ang bunganga bago pa ito magratatat. "Ang kulit mo talaga." He hissed. "Magtatanghali na. Bumaba na tayo at maghanap ng makakain." Wika pa ng binata at tumayo.

Hinila niya patayo ang makulit na babaeng si Aroma.

"Androng! Hanapin na natin si Besfiii!" ungot ni Aroma.

"Oo nga but we should eat first! Kasalanan mo 'to 'e kung hindi mo ba naman iniwanan ang bag sa daan 'di na natin kailangang maghanap pa ng pagkain." Singit ni Bridgette na sumabay na rin sa kanilang paglalakad pababa ng building.

"Eh sa nanginginig ang kamay ko 'e! Ikaw kaya?! Tseh." Singhal ni Aroma. "Akala ko talaga pagong lang ang mga ninjas, akalain mo 'yon may tao palang ninjas?! Ang galing-galing nila pero hindi ko sila feel dahil mukha silang nananakit ng kapwa! Hindi gaya ng mga ninja turtles na sini-save nila ang mga tao!" dagdag pa ni Aroma. "Androng! Iuwi mo na lang kaya ako sa'min? Saka balikan mo si Besfiii dito at ihatid mo rin siya pauwi?" pangungulit pa nito kay Andrew.

"We can't get out here and you know that." simpleng sagot lang ni Andrew na malalim ang iniisip.

Napanguso si Aroma, "Nga pala! Nasaan na nga pala si Kuya Laddery? Kahapon pa kita tinatanong a?" tanong niya naman kay Bridgette pero seryoso lang ang mukha ng babae. "Bakit nakakuyom 'yang kamao mo? May plano ka bang sapakin ako?" tukoy niya sa napansin saka lumayo sa babae. "Androng 'o! Ang malandi nananapak rin pala! Akalain mo 'yon akala ko kaharutan lang ang alam nila. Hahaha!"

"Shut up, b*tch!" inis na bulyaw ni Bridgette.

"Hoy! Hindi ako b*tch a! Ikaw 'yon. Ipapasa mo pa sa'kin 'yang titulo mo. 'Wag na iyo na lang- kyaaaaaa!"

"Sh*t! Aromaaaa!" sigaw ni Andrew.

"Betchesaaaa!" sigaw naman ni Bridgette.

Pababa na sana sila sa hagdan na nasa third floor nang biglang gumalaw ang hagdan at naging escalator hanggang ground floor kaya si Aroma na unang humakbang sa unang baitang ay nawalan ng balanse at nagpagulong-gulong pababa.

Agad na tumakbo sina Andrew at Bridgette. Hinabol nila si Aroma.

"Kyaaaaa! Androoooong!"

Malapit na sila sa ground floor at maabutan na sana si Aroma dahil nagawa nitong patigilin ang sarili sa pagulong-gulong nang biglang tumigil sa paggalaw ang hagdan. Sila na naman ni Andrew ang nawalan ng balanse at tumilapon papunta sa lobby.

Malakas silang napadaing ni Bridgette dahil sa hindi magandang pagkabagsak nila. Paika-ikang naglakad palapit si Aroma sa kanila. Marami ng pasa at galos ang mukha ng babae at gulo-gulo na rin ang buhok. Nagka-nosebleed pa.

"H-hoy? Ano? A-akala niyo ako lang 'no? Haha!" natatawang nakatunghay si Aroma sa dalawa na halos hindi na makatayo dahil sa masamang pagkakabagsak. Si Bridgette ay nakatihaya habang si Andrew ay nakadapa.

Napahinto si Aroma sa kakatawa nang makita kung sino ang nasa harapan niya. Nakatayo ito sa 'di kalayuan at may hawak itong baril na nakatutok sa kanya.

"B-besfiii?" takot niyang tanong. Agad ring napalingon sila ni Andrew sa gawi nito.

"Yukooo!" biglang sigaw ni Xylah.

"Huh? Ganito ba?!" tanong ni Aroma saka niyuko ng bahagya ang ulo.

"Gaga! Dapa!"

Agad ring dumapa si Aroma. "Sa susunod nga Besfiii magtino ka naman kung magbigay ng instructions! Kaurat 'to!" mabilis na wika ni Aroma.

Pagkadapa niya nakarinig siya ng magkasunod na putok ng baril.

"You're not a sharp shooter, darling." Nakarinig sila nang mahinang tawa sa likod kaya paglingon nila ni Aroma ay nakita nila ang nakangising si Latino na may hawak ring baril na nakatutok kay Xylah.

"Elizabeth!" sigaw ni Andrew nang makitang natamaan si Xylah sa balikat. Nabitawan nito ang baril.

"Now. Now. Mukhang mapapabilis ang pagtatapos ng larong 'to. Ngayon na nagkaharap na tayong lahat, this would be my chance to take you all down and get my throne." Nakangising anito saka muli na sanang babarilin si Xylah na kasalukuyang dinaluhan ni Andrew nang sinunggaban ni Aroma si Latino kaya nagitla ito at hindi natuloy ang pagpapaputok ng baril.

"Hinayupak kang Orangutan ka!" sabay sabunot kay Latino.

Muling umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kaya napahinto si Aroma sa ginagawa.

Sa pagyuko ni Aroma ay nakita niya ang baril na nakadikit sa gitna ng kanyang sikmura. Ramdam niya rin ang pagtagos ng isang mainit na bagay sa kanyang laman hanggang sa likod.

"Nooooo!" sigaw ni Xylah nang makitang sumuka ng dugo si Aroma at lumupaypay ang katawan nito na bumagsak sa sahig.

-End of Chapter 21-

Thank you for reading freaks!

Hugs and kisses,

CL with love.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon