DX 5

2.5K 101 0
                                    

Chapter 5
Enjoy reading!

3rd.

"Kyaaa! Besfi! Huhuhuhu! May sad news ako. Huhuhu! Naalala mo ba 'yong si Jerome Gracias?! 'Yong classmate natin sa Gen. Psych last year?! Huhuhu!" tumikhim ito nang malakas. "Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa gilid ng ilog sisig na nakabalot ang buong katawan ng duck-tape kaninang umaga. Nakita ito ng isang basurero na nangangalkal ng basura sa tabi ng ilog, akala niya kung ano ito kaya ito'y kanyang inusisa ngunit nagulat na lang siya nang makitang bangkay ito ng tao. Agad siyang lumapit sa pinakamalapit na presinto upang isangguni ang kanyang nakita..."

Tuloy-tuloy lang si Aroma sa pagsasalita na animo'y isang reporter.

"Ayon sa imbestigasyon isang malalim na sugat sa noo at gilit sa leeg ang ikinamatay ng biktima. Limang oras ang dumaan bago matukoy ang pagkakilanlan ng lalaki. Nalaman ng pulisya na ito ay si Jerome Gracias, labing siyam na taong gulang na binata na nag-aaral ng tourism sa isang sikat na unibersidad, ang Laroa University. Anak si Jerome nina Mr. Jer Gracias na isang negosyante at ni Omelia Gracias isang dating artista. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa tunay—"

Napatigil sa pag-ala reporter si Aroma nang tinampal ni Xylah ang buong palad sa mukha nito.

"Stop." aniya saka binitawan ang mukha ng babae. "Sa'n mo na naman nakuha ang balitang 'yan?" aniya.

Nagtataka talaga siya kung bakit hindi mascom ang kinuha nitong kurso. Ang daldal at ang bilis kumalap ng balita. Isang certified tsismosa.

Napatingin siya sa paligid at nakitang nakikinig din sa kanila ang halos lahat. Pansin niya rin ang biglang pagtahimik ni Andrew na bumalik na sa pwesto nito at parang malalim ang iniisip.

"Do'n!" turo ni Aroma sa labas. "Iyan ang usap-usapan ngayon lalo na ro'n sa Arts and Sciences Department! Napadaan kasi ako ro'n kaya nakinig ako." Paliwanag nito.

Napatango naman siya at saglit natahimik. Dahil ayaw niya man aminin ay mayroong ideyang naglalaro sa kanyang isipan. Tatlong araw na ang nakaraan nang makapatay siya.

Bigla siyang kinabahan. It's possible!

"May picture ka ba ng Jerome na 'yan?" baling niyang muli kay Aroma na ngayon ay busy sa pag-aayos ng suot nitong itim na dress na kagaya ng suot niya ngayon.

"Huh?" inosenting tanong nito.

Inirapan niya ang babae, "Ano'ng mukha niya? Iyong namatay? Hindi ko 'yan kilala eh."

Tumango-tango naman si Aroma saka kinuha ang cellphone saka ito kinalikot. Naamagan na lang si Xylah wala pa rin siyang natatanggap na tugon mula kay Aroma. Busy pa rin ito sa pagswipe ng cellphone.

Sinilip niya kung ano ang ginagawa nito. Napatampal na lamang siya sa noo at napakagat sa labi sa sobrang inis dahil nagbabasa pala ito ng Wattpad.

Humahagikhik pa ito na parang baliw tapos maya-maya ay sisinghot. Ugh.

Mukhang naramdaman nito ang masamang tingin niya kaya nilingon siya nito.

"Bakeeet?" nagtatakang tanong nito. "Anyare sa mukha mo?" sabay turo sa mukha niya na sigurado siyang namumula na sa inis.

"Kairita!" angil niya rito sabay irap. Hindi niya na ito pinansin.

Malapit nang mag-time pero walang guro na dumating. Dumukmo na lang siya sa desk pero nagitla siya nang biglang bumulong si Aroma sa kanya.

"It's how to be you po..." saka ito humagikhik.

"What?"

"Ginagaya lang kita." nakangiting turan ni Aroma.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon