Chapter 22

1.7K 69 0
                                    

Chapter 22

Enjoy reading!

3rd.

Hingal na hingal na napaupo si Xylah sa isang puno pagkatapos niyang makipagbuno sa mga ninjas.

"Rebellious Xylah, aren't you?" nagpantig ang tainga ni Xylah nang marinig ang walang buhay na boses na iyon. Sobrang sakit man ng buong katawan niya ay pilit siyang tumayo para harapin ang pasimuno ng larong ito.

"You little brat!" singhal niya kay Tamara na nakaupo sa malaking ugat ng punong kahoy. Katabi nito ang isang kulay puting lobo na nakatingin rin sa kanya.

"Oh that filthy mouth of yours... fearless Xylah must know when to speak and when to shut up. I am your queen. You should respect me, my reaper."

Mas lalong nagpuyos sa galit si Xylah.

"I will never be your reaper! You've played too much in our lives! You're just a kid, how could you do these to us?! How could you play with death using us?! How dare you!" naiiyak na sigaw niya. "Kinamumuhian kita! Hindi ko kailanman magugustuhan maging taga-sunod mo!"

Biglang tumalim ang mga mata ni Tamara. "You don't speak to me like that, Xylah. I am warning you." Matigas na saad ng bata.

"Pero bakit?! Bakit ganito pa ang paraan mo sa paghahanap ng district leaders?! Bakit kailangan pa naming magpatayan?! Bakit kailangan pang may magbuwis ng buhay?! Bakit pa ganito?" napaluhod siya sa harap ni Tamara. "Maawa ka... palabasin mo na sila Bridgette at Aroma dito. Hindi sila kasali dito. Namatay na si Lad! 'Wag mo nang dagdagan pa." pagmamakaawa niya.

Naalala niya si Lad na kanina ay nakitang niyang nakahandusay sa gilid ng daan at kinuha ng mga tauhan ni Tamara saka nilabas sa eskwelahan. Base sa nakita ay alam na niyang wala na itong buhay at natalo na ito. At hindi niya matanggap iyon.

"But the game isn't over yet and only one can survive."

Nanlisik ang mga mata ni Xylah. "Hindi kasali si Aroma dito! Palabasin mo na siya! Maawa ka! Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito! Kung bakit mo ako kilala? Kung bakit ako ang pinili mo?! Hindi ko alam kung ano halaga ng larong 'to?! Ilang buhay pa ba ang kailangan mong kitilin para lang sa Distrito mo?! Ilan?! Bakit kailangan pang may mamatay?!"

Nakatabingi ang ulong tumayo si Tamara sa harap ni Xylah.

"Questioning me isn't nice and being not nice to me means death for you but you are my cherry-picked and I have all the reasons in the world for you to be my Fourth District leader." Tumalikod na si Tamara kasama ang lobo at nagsimulang maglakad palayo kay Xylah. "Win this quest, Xylah because I have a surprise for you at the end of this game." Huling saad ni Tamara bago mawala sa paningin ni Xylah.

Hindi na napigilan ng kanyang katawan na matumba dahil sa kawalan ng lakas at pagod. Umiiyak na tumititig siya sa langit.

"Mama."

*****

Sa pagmulat ni Xylah bumungad sa kanyang mga mata ang nakatunghay na ulo ng isang lobo sa kanya. Nakita niya pa kung paano lumiwanag ang mga mata nito na tila masayang nakita siyang nagising.

Napaupo siya at nilibot ang tingin sa paligid. Umaga na at do'n na siya nakatulog kung saan siya bumagsak kagabi. Nakita niya ang limang lobo na parating nakasunod sa kanya na nakaupo palibot sa kanya. Napangiti siya dahil binantayan siya ng mga ito.

Nagsilapitan ang limang lobo sa kanya.

"Good morning." Bati niya dito pero nakarinig sila ng isang malakas na sipol na agad tinugunan nang mahinang ungol ng limang lobo at mabilis na tumakbo sa iisang direksyon.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon