Chapter Ten

2.3K 108 6
                                    


Chapter 10

Enjoy reading!

3rd.

Malayo pa lang ay natatanaw na ni Xylah si Aroma sa harap ng gate ng Laroa. Napalingon ito sa kanya at masayang kumaway-kaway ito, may patalon-talon pa. Tipid siyang napangiti. Naalala niya ang nangyari sa kanila tatlong gabi na ang nakalipas.

Dahil do'n ay hindi na siya masyadong masungit kay Aroma, napatunayan nitong totoo ang pakikipagkaibigan nito sa kanya. Pero minsan ay hindi niya maiwasang pagsungitan ito lalo na ay sadyang makulit si Aroma.

"Besfiii!" tili nito nang ilang dipa na lang ang distansya nilang dalawa. Napailing siya dahil nakakuha na naman sila ng atensyon ng ibang kaeskwela.

"Don't shout." Suway niya dito, ngumuso naman ito pero nanatiling nakangiti ang mga mata ni Aroma.

Tatakbo na sana ito papalapit sa kanya para yumakap nang biglang may humintong itim na kotse sa kanyang gilid, muntik pa siya nitong mahagip.

"Besfiiii!" malakas na sigaw ni Aroma nang hinablot ito ng isang lalaking nakaitim lahat at may bonnet sa ulo papasok sa itim na kotse.

"Aroma!" sigaw niya at sinubukang hilahin ito sa pagkakayakap ng lalaki.

"Kyaaaaa!" napatili nang malakas si Aroma nang biglang hinampas ng lalaki si Xylah sa ulo gamit ang baril.

Natumba siya at sandaling nakaramdam ng hilo.

"Besfiii!" umiiyak na sigaw ni Aroma nang naipasok na ito ng lalaki.

"A-aroma!" tawag niya nang humarurot paalis ang kotse.

Nagkakagulo na rin ang paligid pero pinilit ni Xylah na tumayo. Nang mawala ang hilo ay hinabol niya ang kotse. Mabuti na lang ay track & field athlete siya at mabilis siyang tumakbo. Mas pinabilisan niya ang takbo, hindi alintana ang malapot na dugong halos nakahilamos na sa kanyang mukha dahil sa natamong sugat sa ulo.

"Aromaaaa!" naiiyak na ring sigaw niya.

"Sakay!" rinig niyang sigaw kaya napalingon siya sa kaliwa.

Nakita niya do'n si Andrew na nagmamaneho ng motor nito at pilit siyang sinasabayan.

"Ano na?! Umangkas ka na bilis! You can't save her just by running for heaven's Xylah!" sigaw nitong muli.

"Maintain your speed!" pasigaw ring aniya na agad ring ginawa ni Andrew.

She slowed down and prepared herself for her stunt. When the time she had got the perfect angle and stance, she speed up and jumped then did a double roll over in the air.

Nakatayong bumagsak siya sa likuran ni Andrew. Gumewang ang motor nito dahil sa biglaang bigat niya.

"Woah! Fvck! Fvck!"

She balanced herself until Andrew had regained his running balance.

"Ready!" sigaw niya.

"What?!" sigaw rin ni Andrew.

Muli siyang tumalon sa ere at umikot ng isang beses.

"Tangina ka Xylah!" sigaw ni Andrew nang nakaupong bumagsak siya sa harapan nito. Siya na ngayon ang may hawak ng manibela.

"Umusog ka!" singhal niya dahil sobrang dikit nito sa kanya. Naiilang siya.

Pero tila hindi pa rin nakakahulma si Andrew dahil sa ginawa niya. Hinayaan niya na lang ito at pinabilisan ang pagpapatakbo ng motor. Hindi pa nakakalayo ang itim na kotse sa kanila.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon