Chapter 18

2.1K 85 0
                                    

Chapter 18

Enjoy reading!

3rd.

"Tara na." agarang saad ni Andrew nang makitang tapos na si Xylah sa pag-ayos sa sarili. Pinasadahan niya muna ito ng tingin. Napangisi pa siya dahil maganda ang pagkakaayos nito sa kurtinang makulay, mukhang itong rarampa sa isang fashion show.

"H'wag kang ngumisi! Leche ka!" sita ni Xylah sa kanya at tinungo nito ang butas sa pader. Napangiwi ang dalaga nang makitang napakaraming kutsilyo ang nakatutok pataas sa buong field. Hindi sila pwedeng tumalon.

"Sa pinto na lang tayo dumaan." Sabi nito saka naglakad na naman tungo sa pintong himalang hindi nasira na pati ang pader sa paligid nito ay walang lamat. Hinakbangan pa nito ang mga malalaking bitak ng semento. Napatingin ang binata sa likod ng dalaga, napabuga siya nang hangin nang tumigil na sa pagdudugo ang tama nito ng palaso. Agad na sinundan ni Andrew si Xylah.

"Teka! Ako muna sisilip." Pigil niya kay Xylah nang bubuksan na sana nito ang pinto.

"Ako na. Ang arte mo talaga." Yamot nitong anas. Hindi siya nakinig at hinila na lang si Xylah tungo sa likod niya.

Hinay-hinay niyang binuksan ang pinto. Dinungaw niya ang ulo at nilibot ang tingin sa hallway. Walang tao, malinis at maliwanag but Andrew had known better. Kagaya sa open fields, he's so sure na mas maraming traps sa loob ng building lalong-lalo na sa mga classrooms.

Tinanaw niya ang hagdan pababa ng floor na katabi ng elevator. Nasa pinakadulo pa ito at tig-sasampung classrooms sa kaliwa at kanan pa ang dapat nilang daanan tungo sa hagdan.

"Hey! Ano na. Sisilip ka na lang ba d'yan?" Inis na untag ni Xylah.

"Sssh. 'Wag kang atat. We must be very careful with our moves. There are traps everywhere. Kailangan nating makalabas agad sa building na 'to. It's already 5pm, hindi dapat tayo maabutan ng gabi dito sa loob. Mas delikado dito. We can stay tonight in the forest. Bukas na lang natin hahanapin sina Aroma dahil madilim na."

Patuloy sa pagpasada ng tingin si Andrew sa paligid at pinag-aaralan ang bawat parte ng kanilang dadaanan.

"Shouldn't it be safer here than outside? Look. We can stay in one of the rooms here. Pwede sa first floor. Sa may library o 'di kaya sa computer lab o sa kahit anong laboratory rooms dahil for sure they won't budge destroying those because of valuable facilities." Wika ni Xylah. "But on the second thought, who told you that I am staying with you? Hahanapin ko si Aroma baka sinakal na 'yon ni Bridgette. Wala akong tiwala sa mga 'yon."

Inis na nilingon ni Andrew si Xylah saka sinirado niya ang pinto. Hinarap niya ang babae.

"What do you think? The Queen will mind about blowing up the whole university? No! Walang pakialam ang batang 'yon na sirain ang lugar na 'to dahil isang hibla ng buhok lang ang lugar na 'to sa mga kayamanan at ari-arian niya. She wouldn't mind any hair fall. Gets mo? Kaya hindi ligtas ang mga laboratories dito baka nando'n pa nga ang mga traps." Paliwanag ni Andrew. Natahimik naman si Xylah pero napatango na rin.

"Kaya kailangan nating makalabas dito ngayon. But first we have to look for foods, weapons at kung ano pa. Do you have any idea where we can get?" tanong muli ni Andrew.

Tumango si Xylah nang may maisip na lugar kung sa'n sila pwede makakuha. "Sa HM building. We can sneak in their kitchen laboratory, for sure maraming kutsilyo do'n pati pagkain then in their housekeeping rooms, we can get beddings and other linens there na pwede nating magamit."

"Nice." Nakangiting komento ni Andrew.

Napagdesisyunan nilang lumabas na. Nauuna si Andrew dahil gusto niyang sa likod lang si Xylah na ngayon ay naghihimutok. Sinubukan ng dalaga na hawiin si Andrew pero mabilis niyang binalik sa likuran si Xylah.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon