Chapter 30

1.8K 70 2
                                    

Chapter 30

Enjoy reading!

3rd.

"Y-you—?" hindi makapaniwalang bulalas ni Xylah.

Uminit ang mga mata niya at dumungaw ang luha dito. Halos hindi niya na malunok ang laway dahil sa nakikita ngayon.

Nag-aayos siya kanina at nagbihis na para sa last round ng quest na magaganap ngayon pero sa paglabas niya ng banyo isang surpresa ang bumungad sa kanya. Kahit na alam niyang may posibilidad na mangyayari ito ay nagulat pa rin siya.

"B-bridgette." Sambit niya sa pangalan ng taong nasa harap niya.

"Xylah." Nakangiting tawag ni Bridgette sa kanya, umiiyak ito. Kasama nito ang kakambal na si Lad na siyang nakaalalay sa kay Bridgette.

Pinasadahan ni Xylah ng tingin si Bridgette. Nakaupo ito sa isang wheelchair na kulay pink. Bahagya pa siyang natawa dahil napakaarte talaga nito. Pero nasasaktan siya nang makitang nakasemento ang kanang hita hanggang binti nito. May neck braces pang suot. Pumayat rin ito at halatang may iniindang sakit sa katawan.

"Maiwan ko muna kayo." Saad ni Lad saka lumabas ng silid ni Xylah.

"Kamusta ka na?" tanong nito. "Gosh! You did it, girl! Magra-rally talaga ako 'pag ang bwisit na Latino 'yong nanalo! Ni hindi man lang ako nakaganti! Sh*t! Naalala mo ang sitwasyon ko no'n?! Nakabulagta na nga! Binaril pa! Ni hindi na nga ako makatayo nang maayos dahil sa pagkakabagsak ko!" himutok nito. Natawa si Xylah saka niyakap nang may pag-iingat si Bridgette.

Bigla namang ngumuwa si Bridgette. "Uwaaa! Akala ko talaga patay na ako! Buti na lang hindi naman pala heartless ang Bermond dahil hindi nila hinayaan na mamatay kami!"

Marami silang napag-usapan ni Bridgette hanggang sa hindi na napigilan ni Xylah na magtanong sa kanina pa bumabagabag sa kanya.

"Bridgette."

"Hmmm?"

"Alam mo ba kung kamusta si Aroma?" tanong niya. Umaasang nakatingin siya sa babae na maging positibo ang sagot nito. Kinakabahan siya.

Ngumiti si Bridgette, "Yon? Argh! Grabe! Naistress ako sa bunganga ng babaeng 'yon! Pinagsama ba naman kami sa iisang hospital suite! Gosh! Nagtitipid ba ang Bermond? Pero 'wag kang mag-alala buhay na buhay si Aroma."

Napangiti si Xylah at nakahinga nang maluwag.

"Nandito ba siya ngayon?"

Malungkot na umiling si Bridgette, "Nasa Spain siya ngayon, dinala siya ng mga magulang niya do'n para sa recovery niya. She had undergone heart transplant. Puso ba naman tinira ni Latino. Grabe 'yon, heartbreaker rin 'e."

Tumango na lang siya. Pareho pala si Aroma at Nicholas na pinalitan ng bagong puso. Buti na lang may puso agad para kapalit pero Bermond 'yan 'e. They have their ways.

May gusto pa siyang itanong kaya bumalik ang kaba niya.

"S-si A-andrew?" tanong niya. Namamawis ang kamao niya.

Natigilan si Bridgette at umiwas ng tingin. Bumakas ang lungkot sa mukha nito kaya lumukob ang sakit sa mukha ni Xylah.

Nanginig ang mga labi niya at bumalik sa kanyang ala-ala ang nakangising mukha ni Andrew, pati ang pagsimangot nito, kapag seryoso, ang mukha nito kapag natutulog, tumatawa, ngumingiti. Hindi niya man ito nakilala nang lubusan, naging parte na ng buhay niya si Andrew kagaya ni Aroma.

Tumulo ang luha niya at napatingala siya.

Naalala niya ang mga huling araw na nakasama si Andrew. Pinrotektahan siya nito, tinulungan at hindi pinabayaan. Kahit kailan ay hindi niya nakita sa mukha ni Andrew na gusto siya nitong patayin.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon