Chapter 31

2K 73 0
                                    

Chapter 31

THE LAST CHAPTER

Enjoy reading!

3rd.

Nakatulala lang sa bintana ng kanyang kwarto si Xylah. Pumasok sa loob si Nicholas at nilapitan siya.

"Xylah." Malumanay nitong tawag sa kanya pero hindi siya umimik. Marahang umupo si Nicholas sa kanyang tabi. "Alam kong hindi ka okay at nasasaktan ka pa pero kailangan mong bumangon at magpatuloy sa nasimulan mo na. Kailangan mong masanay sa sakit at maging manhid dito sa bagong mundo natin. Ang kamatayan ay isang simpleng bagay lamang."

"Yon naman dapat diba?" walang kabuhay-buhay na untag niya.

"Hmm. Isa ka nang miyembro ng Mafia dapat maging matatag ka."

"Hindi ko 'to gusto." Aniya.

Napailing si Nicholas, "Alam ko. Pero bakit hindi mo gawing dahilan ang pagkawala ni Andrew para maging mas matatag ka?"

Napakunot ang noo ni Xylah pero hindi lumingon sa katabi.

"Pinrotektahan ka niya para ikaw ang manalo sa labang 'yon. Kaya 'wag mong sayangin ang buhay niyang sinakripisyo."

"Ang sakit, Nicholas." Aniya na may basag na boses. Hindi na siya nanlaban pa nang niyakap siya nito nang sobrang higpit. Napaiyak siya.

Ilang araw na ang nakaraan simula nang malaman niya ang tungkol kay Andrew. Hindi niya pa rin matanggap. Hindi natuloy ang last round ng quest dahil wala pa siya sa tamang hulog at huwisyo. Binigyan naman siya ng oras para magluksa at ayusin ang sarili.

"Alam mo bang buhay pa si Joshua Recto?"

Natigilan siya sa sinabi ni Nicholas. Nagpantig ang tainga niya.

"Bakit hindi mo ipaghiganti si Andrew?"

Napangiti si Nicholas nang makita ang pagkuyom ng kamao niya. Hinawakan nito ang kamay niya saka binuka ang palad.

"Pero sa ngayon dapat mo munang tapusin ang quest at ipanalo ang huling pagsubok ni Queen sa'yo. Hindi mo naman gustong madisappoint si Andrew diba? Sige ka baka magsisi 'yon kung bakit niya sinakripisyo ang buhay niya para sa'yo."

Pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa, "Nandito lang ako, Xylah. Hindi kita iiwan." Bulong nito sa kanya sabay halik nang mariin sa kanyang noo.

*****

Nakatayo ngayon si Xylah sa gitna ng isang malaking training hall sa isang black building ng Fourth District habang nakaupo sa isang mini-stage si Tamara na walang emosyong nakatingin sa kanya. Nasa likuran nito sina Master Shi, Miggy at Jen. Nasa isang gawi naman sina Nicholas kasama si Bridgette.

"Ang higit mong dapat na matutunan bilang isang tunay na reaper ay ang kontrolin ang iyong emosyon, Xylah." Saad ni Master Shi na lumapit nang bahagya sa kanya. "Maaari kang dalhin ng iyong emosyon sa kamatayan. Hindi lang ikaw pati ang mga taong dapat mong protektahan. Hindi kailangan ang emosyon sa nakaatang na responsibilidad mo sa Bermond, Xylah. Ang kailangan mo ay ang gawin ang nararapat ayon sa batas ng Bermond Mafia. Alalahanin mo ang ginawa mong pagwawala nang malaman mong wala na si Andrew Alonzo..."

Xylah gritted her teeth and her fists balled. Anger and pain flared in her eyes.

"Isa iyong pagpapakita ng kahinaan at maaaring gamitin 'yon ng iyong kalaban para ikaw ay talunin. In our world soft hearts do not exist. Emotions are neglected. Affections are ignored. Always put that in your mind. You must be strong and courageous enough to fight against your emotion. Hindi mo dapat ipakita sa ibang tao na ikaw ay nasasaktan, natatakot o kahit masaya dahil mawawalan ka sa huwisyo. Umiyak ka kung gusto mo o tumawa kapag walang may nakatingin. You must build walls around you and create a façade that will intimidate your enemy even your comrades." Dagdag pa nito na silang dalawa lang ang nakarinig.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon