Chapter 16

2K 79 0
                                    


Chapter16

Enjoy reading!

3rd.

Palaging kunot ang noo ni Xylah sa mga nakalipas na araw. Higit isang linggo na simula nang napatay niya si Nicholas Vest at hindi mawala-wala sa isipan niya ang rebelasyong nasa isang laro siya, na sangkot na siya sa isang Mafia. Nabasa niya na rin ang files na nasa tablet, namamangha siya sa mga nabasa ngunit natatakot sa mga detalye tungkol sa Bermond Mafia.

Data iyon tungkol sa mga distritong binubuo ni Tamara sa Bermond at hindi niya alam kung bakit binigyan na siya ng bata ng gano'n kung nasa laro pa sila. Maaaring hindi siya mananalo sa larong ito pero hindi naman niya hahayaang mamatay siya nang hindi lumalaban.

Nabasa niya rin ang tungkol sa sinasabing District Quest at hindi niya mapigilang matakot dahil nalaman niyang mararanasan ng mga prospects ang random attacks na gagawin ng Bermond sa kanila. At do'n niya napagtanto na isang pa-sample lang pala ang pinaulanan sila ng bala no'ng oras na sinagip nila si Aroma. Kaya alam niyang may mas grabe pang atake ang magaganap sa kanila.

Iniba niya ang pananamit dahil gusto niyang maiba ang image niya kung sakaling mamatay man siya. Gusto niyang magkaroon rin ng kulay puti ang kanyang itim na karakter. Gusto niyang puti ang suot niya kung sakaling matalo siya sa laro.

Alam niyang naninibago ang lahat sa pagbabago niya pero wala siyang pakialam. Ilang araw na rin siyang nakaputi, walang make up at pinapakita ang mukha sa lahat. Pero palagi naman siyang tulala dahil nag-iisip siya kung ano ang pwedeng paraan na makalabas siya ng buhay sa laro.

Gusto niya ring makita ni Tamara na isang siyang matalino at desenteng babae baka sakaling mag-iba ang isip nito at ilagay siya sa legal nitong negosyo. Kagaya sa opisina ng kompanya nito, sa Laroa University o 'di kaya sa ibang estabisyemento, hindi sa Bermond Mafia.

Nagsisisi rin siya kung bakit nahumaling siya sa mga bagay na kulay itim at naisip niyang baka inakala ni Tamara na isa siyang gangster or badass na babae kaya tuloy sa Bermond siya itatapon.

Kaya pilit niyang mag-iba ng image pero base sa mga narinig niya sa batang si Tamara ngayon ay mukhang hindi nakita nitong nagpapaka-desente siya. Mukhang wala nang tsansang sa legal na negosyo siya mapupunta. Ayaw pa naman sana niyang gumawa ng illegal kahit na nakapatay na siya. Dagdagan pa ba niya ang kasalanan niya?

"The real quest now begins." Sagot ni Tamara sa tanong niya. Napanganga siya at napatitig nang matagal sa batang walang-buhay ang mukha.

"W-what?!" napatayo siya saka nilingon si Aroma na mahigpit na nakakapit sa braso niya.

Tumabingi ang ulo ni Tamara, "The Laroa University is now abandoned. This will be your battle ground." Anunyso nito na tila nagsasabi lang na updated na ang anime series na pinapanood.

Mabilis na napatakbo si Laddery sa bintana kasama ang huling estudyante na pinasok na nagngangalang, Latino Rom.

"Where are the students going?! Why are they going out?!" bulalas ni Lad nang makitang nagsilabasan ang mga estudyante sa main gate.

"They are evacuating and will have a one-month-vacation." Sagot ng bata saka umupo sa isang upuan at hinarap ang mga estudyante.

"Wait! W-what?! How about Aroma here?! She's not included in this fvcking game! Why are you still making her stay here with us?!" 'di mapigilang sigaw ni Xylah. Hinawakan ni Xylah ang ulo ni Aroma nang yumakap ito sa kanyang beywang na tila natatakot.

"She has already heard and knew something that she must not. So, she does now involve in my game. There's no way out for her here."

"What?! Paano kung masaktan siya sa lecheng laro mo?!" sigaw niya. Nagulat naman ang mga kasama niya sa loob dahil sa lakas ng loob niyang sigawan ang reyna ng Bermond. Tututukan na sana siya ng baril ng mga MIB's nang itinaas ni Tamara ang maliit na kamay, gesturing her men to stop.

"And about that, her life is now on your hands Xylah. It will be up to you if you'll protect her or let her die inside this campus while my quest is on."

"You're unbelievable!" nagpapadyak na bulalas ni Xylah. Napansin niyang umiiyak na si Aroma. Napaupo siya saka niyakap ang kaibigan.

Napatingin siya sa ibang estudyante na kasama... seryoso ang kambal na si Lad at Bridgette, si Latino naman ay pilit tinatago ang ngisi sa mga labi habang si Andrew ay nakatingin sa kanilang dalawa ni Aroma na tila nag-aalala.

Nagulat pa siya nang hinawakan ni Andrew ang kanyang palad nang mahigpit. Ngumiti ito sa kanya kaya napairap siya pero hinayaan na lang ang maghawak-kamay sila.

Nagtaka pa sila nang biglang tumayo si Prof. Miggy sa harap nila. "Ako si Miggy Santos, ang isa sa mga quest master ng District Quest ng ikaapat na distrito ng Bermond." Saad nito na ikinabigla nila.

"Meaning, isa kang miyembro ng Bermond?!" bulalas ni Bridgette.

"Yes my dear. Dean Hernaez and Jen Gonzal are also quest masters. Kami ang naka-assign sa ikaapat na distrito."

"Sh*t!" pagmumura na lang nila.

"Ang magiging laro ninyo ay magaganap na ngayon mismo. Maraming nakahandang pagsubok sa inyo sa loob ng campus at kailangan niyong pagtagumapayan iyon. Pero kailangan niyong makipaglaban sa isa't-isa dahil hindi matatapos ang laro hanggang sa isa na lang matira sa inyo. Isa lang ang dapat mabubuhay. Isa lang ang pwedeng makalabas sa Laroa University at siya ang tatanghaling panalo. This quest will last for seven days only." Paliwanag ni Miggy sa kanila.

"Paano kung sa ika-seventh day hindi lang isa ang matira?" tanong ni Latino.

"It won't happen because I will be the one to kill the extra." Sabat ni Tamara kaya muli silang natahimik.

"May mga pagkain na nakakalat sa buong school pati mga weapons, toiletries, clothing at beddings. Your every move will be monitored. Kaya walang makakatakas sa larong ito." Wika ni Jen.

"You can play fair but you can also play dirty." Saad ni Tamara kaya napatingin sila sa bata na malayo ang tingin.

"Prove me that each one of you is really deserving of being part of my quest. May the bravest and wisest prospect win." Tumayo si Tamara saka umalis na.

Naiwan naman silang mga prospects na nakatinginan. Nagsipaglayuan sila sa isa't-isa. Magkatabi ang kambal at magkasama naman sila ni Xylah, Aroma at Andrew habang si Latino ay nakangising nakatingin sa kanila. Magkaharap na sila ngayong lahat at nagpakiramdaman.

"Aroma is not included in this game so please lang. Magtulungan na lang tayo na makalabas siya dito nang ligtas at buo." Wika ni Andrew na nakatayo sa harap nila Xylah na tila handa itong protektahan ang dalawang babae.

Tumawa si Latino, "There's no exemption here dude. Wala akong pakialam kung mamamatay man ang babaeng 'yan." Hindi naman nagsalita ang kambal.

"She's the vice president's daughter for pete's sake! She must not die here!" bulyaw ni Xylah na tumayo sa tabi ni Andrew habang nakayakap pa rin si Aroma sa kanya.

"So? I don't care." Saad ni Latino at tumungo sa pinto.

"WATCH OUT!" sigaw ni Xylah nang may mapansing humahagunos na bagay na papalapit tungo sa kanila sa may bintana.

Agad niyang hinila sina Aroma at Andrew padapa. Niyakap niya si Aroma nang mahigpit at tinakluban ang katawan nito gamit ang sarili niya pero naramdaman niya na lang na niyakap rin siya ni Andrew.

Nangyari ang isang napakalakas na pagsabog sa buong silid dahil sa bala ng Bazooka.

-End of Chapter 16-

Thank you for reading freaks! God bless you.

It is so obvious na si Xylah talaga ang mananalo sa Quest dahil first of all, story niya ito kung paano siya naging leader ng District X kaya 'wag kayong masurprise na siya ang matira. Hahahaha!

Kaya ang aabangan niyo ay kung ano ang mangyayari sa Quest. Okay?

Hugs and kisses,

CL with love.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon