Chapter Two
Enjoy reading!3rd.
"Andrew! Are you listening?!" nakukunsuming sigaw ng matandang lalaki na nakasuot ng black suit at fedora hat.
"Opo." walang ganang sagot ng binate.
'"Siguraduhin mo lang dahil ako mismo ang papatay sa'yo kapag hindi ka makakapasok sa Bermond Mafia bilang district leader! Ilang taon na akong nagtitiis sa pipitsuging grupo na ito simula nang pinatalsik ako ni Thomas sa famiglia! Potek! Hindi ako makapaniwala na isang dose anyos na batang babae lang ang nagpapatakbo ng organisasyon ngayon!" napahampas ito sa mesa saka muling binalingan ang binata. "Kaya ikaw apo! Kailangan mong galingan sa lecheng District Quest na ito. 'Wag mong sayangin ang pinaghirapan ko para lang maging isa ka sa mga Prospect District Leader ng batang 'yon!"
Humugot nang malalim na hininga ang binata saka tinanguan ang matanda.
"Kailangan mong maibalik ang posisyon ng mga Alonzo sa Bermond Mafia!" puno ng conviction na saad ng kanyang lolo. "Tatlong taon na rin akong nakikipaghabulan sa batang 'yon para lang ipasok ka sa listahan niya! Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko mauto lang 'yon. Bwisit. Manang-mana kay Thomas! Mag-ama talaga sila." nanlilisik ang mga mata ng matanda habang walang gana lang nakatingin ang binata dito.
"Ge lang! Kapag ikaw ang nanalo sa Quest at maging leader ng isang District ng Bermond ay doon na tayo gagalaw para makuha ang trono sa batang Madriaga na 'yon." tumango siya ulit na may inaantok na mga mata at pilit sinusundan ang sinasabi ng matanda. "Bata lang naman 'yon, kayang-kaya mo siya nakakasiguro ako. Pasalamat 'yong batang Madriaga na pinapaligiran siya palagi ng mga bodyguards kung hindi matagal ko na siyang pinatay!"
Napairap si Andrew sa opisina ng kanyang lolo. Naririndi na siya sa paulit-ulit na rants ng matanda tungkol sa batang Madriaga na tumatayong leader ng Bermond Mafia. Gigil na gigil ang kanyang lolo na makapasok muli sa Bermond dahil dati itong kasapi noon. Ngunit pinatalsik ito ng dating leader na si Thomas Madriaga no'ng buhay pa ito dahil sa pagkakamali ng kanyang lolo.
Mahigit isang linggo pa lang niyang nakakasama ng personal ang lolo dahil sa Zamboanga siya lumaki kasama ang mga magulang. Sapilitan lang siyang kinuha ng kanyang lolo doon at siya ang pinagdiskitaan sa kabaliwan nito.
Alam niyang isang sindikato ito kaya ayaw niya sa lolo pero wala siyang magawa dahil hawak nito ang leeg ng kanyang pamilya.
Nalaman din kasi ng kanyang lolo na kasali siya sa isang gangster group na vigilantes sa kanilang Probinsya. Nahubog lang naman siya sa gulong nangyayari sa kanilang lugar kaya natuto siyang lumaban at magpabayad para mabuhay saka para na rin protektahan ang pamilyang nagpalaki sa kanya. Tuwang-tuwa naman daw ang lolo niya sa pagiging bihasa niya sa bugbugan.
"Pero maliban d'yan may tinanggap din akong trabaho para sa'yo—"
"Trabaho?! Eh kung ikaw na lang kaya ang magtrabaho total ikaw ang tumanggap." asar na putol niya sa sinasabi ng lolo.
"'Wag ka ngang bastos bata ka! Patapusin mo muna ako! Kasosyo ko sa sindikato ang asawa ng Vice President... si Mr. Sayson. Nakakatanggap siya ng death threats ngayon kaya naghahanap siya ng taong magbabantay sa kanyang anak. Wala kasi siyang tiwala sa mga body guards na kinuha ng asawa niyang bise presidente kaya sinabi ko sa kanya na may magaling akong apo na magbabantay sa anak niya."
"Ano?! Bakit ang dami mo namang demands ha?! Ikaw'ng matandang hukluban ka! Umaabuso ka na ah?!" halos mapatayo na siya sa pagsigaw niya. Nangangati na ang kamao niyang upakan ang matandang 'to! Kung hindi lang nito hawak ang mga tinuring niyang magulang ay hinding-hindi siya susunod dito.
BINABASA MO ANG
District X
ActionUNEDITED. ü Sorry for the grammatical/typographical errors, lousy twists and scenes. Mwah! **** Xylah Elizabeth Pitt's Story. Bermond Mafia, a very powerful and potent organization from Chthonic Society, has been under drastic changes after the sudd...