Chapter 19

1.8K 75 0
                                    


Chapter19

Enjoy reading!

3rd.

"Will you run faster?!" mataray at naiinis na singhal ni Bridgette kay Aroma na kasalukuyan ay umiiyak at nanginginig.

"N-natatakot na ako 'e! Isauli mo na ako kay Besfiii ko! Huhuhuhu!" rason nito.

Kanina pa sila takbo ng takbo at pilit umiiwas sa mga traps. Nakapasok na sila sa loob ng Laroa Forest.

"Umayos ka nga! Ang duwag mo! Pasalamat ka nga hindi kita iniwan do'n sa mga lobo ng batang 'yon! Sh*t! Bakit ikaw pa ang hinila ko hindi na lang ang kakambal ko?!" himutok ni Bridgette. "Do you know how to climb on a tree?" binalingan nito si Aroma. Umiiyak pa rin na tumango si Aroma.

Tumigil sila sa likod ng isang malaking puno. Sinandal ni Bridgette si Aroma saka hinawakan sa balikat. "Listen to me, you need to climb up on this tree and stay here. Kailangan kong balikan si Laddery. If you don't want to die, stay and wait for me. Hahanapin ko rin kung nasaan sila ni Xylah. Do you understand?"

Tumango si Aroma, "P-pero natatakot ako, Ate Bridge."

Bumuntong hininga si Bridgette saka kinuha ang hunter knife na nakuha nila sa daan kanina kasama ang belt holder nito. Isinuot ng babae ang belt kay Aroma.

"Look Aroma... you have to use this in case lang naman dahil there's no room for fear here. Kasali ka na sa larong ito and you have to endure this and be brave kung gusto mo pang mabuhay. Sige na, umakyat ka na. I'll watch over you down here." Utos nito saka lumuhod sa harap ni Aroma. "Now step on my shoulders."

Nang nasa isang mataas na sanga na si Aroma, sinenyasan ito ni Bridgette na tumahimik lang at magmasid sa paligid. Maarteng pinagpagan ng babae ang kanyang damit saka nagpalinga-linga. Binigyan niya pa ng huling sulyap si Aroma bago bumalik sa pinanggalingan. She needs to see Lad and make sure he's fine.

On the other hand...

"They're still following us." Wika ni Andrew na palingon-lingon sa kanilang likuran. Papasok na sila sa Kitchen Lab ng HM Bldg.

"Takot ka?" tanong ni Xylah.

Agarang umiling si Andrew, "Of course not. They're just wolves." Anito pero bakas pa rin ang takot habang palingon-lingon pa rin sa limang lobo na nakasunod sa kanila.

Tumawa si Xylah, "Coward." She hissed. Sumipol siya ng isang beses kaya nanlaki ang mga mata ni Andrew.

"H-hoy! Don't you dare!" banta nito. Pero napatalon si Andrew nang biglang tumabi sa kanya ang isang lobo. Napakapit siya kay Xylah na patawa-tawa.

"Hindi mo ba pansin? They are tamed and domesticated." Wika niya saka marahang sinapok si Andrew. "Kumalma ka nga, sige ka magalit ang mga 'yan. Todas ka." Pananakot niya dito.

Napaismid na lang si Andrew at pilit na lang binalewala ang mga lobong kasabay nila sa paglalakad. Agad na binuksan ni Xylah ang pinto ng lab. Bumungad sa kanila ang humahalimuyak na amoy ng air freshener na may kasamang amoy ng mga pansahog. Typical smell of a kitchen.

"Nice." Napangisi si Xylah at agad lumapit sa utensils storage room. Kumuha siya ng isang bag saka pinasok lahat ng pwedeng gawing sandata.

"Sa'n ba dito ang pagkain?" rinig niyang tanong ni Andrew.

"Nasa kabilang storage room. Magbasa ka nga! May mga signage d'yan!" sigaw na sagot ni Xylah kaya pakamot-kamot si Andrew na lumapit sa gitnang storage room at nagsimulang kumuha ng pagkain na ready to eat.

Lumabas na si Xylah saka pumunta sa isang counter na may mga condiments.

"Magagamit 'to." Aniya saka kinuha ang mga lalagyan ng pepper powder at chilli powder.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon