Chapter 29

1.8K 71 1
                                    

Chapter 29

Enjoy reading!

3rd.

Parang mabibiyak ang ulo ni Xylah kinabukasan. Nagising na lang siya kanina dahil sa umaalingasaw na masamang amoy niya. Nakita niya ang sarili na naliligo sa sariling suka kaya hindi niya mabilang ang ilang beses niyang minura si Tamara.

Nasa loob na siya ngayon ng isang silid sa parehong black building na may club. Nakatayo sa harap niya si Tamara.

"Nakita na namin kung paano ka makipaglaban at kung paano mo lusutan ang mga traps." Saad ni Master Shi kaya napapihit paharap dito sa Xylah. Nakatayo sa likod nito ang sina Nicholas, Lad at Jerome. "Pero hindi pa sapat 'yon para masabing isa ka nang karapatdapat na lider ng Fourth District."

Napaismid si Xylah sa sinabi nito.

"Para mas maliwanagan ka tungkol sa lugar na kinabibilangan mo ngayon ay ipapaliwanag ko sa'yo. Kaya dapat kang makinig nang mabuti. Alam kong may ideya ka na tungkol sa grupo, so let me expand your idea about us." Wika pa rin ni Master Shi. Pinaupo siya nito sa isang silya.

"Tayo ay nabibilang sa ikalawang mundo na tinatawag na Underworld kung saan hindi na sakop ng kahit anong sangay ng gobyerno. Sa mundo natin, may tatlong dibisyon at dapat mong tandaan ang mga ito. Ang una ay ang Empyreal Community, ang komunidad ng mga assassins, spies, secret agents at vigilantes. Hindi sila kalaban natin pero hindi rin sila kakampi, they are neutral depende sa halagang kapalit ng serbisyo at loyalty nila."

Tahimik lang si Xylah na nakikinig.

"Pangatlo, ang Triad. They are the rebellion force in the underworld. Mobs, Mafioso, empires, gangsters, assassins, hoodlums... sila ang mga rebeldeng grupo na gustong tibagin ang batas at samahan ng naunang dalawang dibisyon. Ibig sabihin, sila ang ay kalaban."

Kumonot ang noo niya. Hindi ba marunong magbilang si Master Shi? Bakit una ang pangatlo sa pangalawa?

"At ang pangalawa, ay tayo. Ang Chthonic Society /Tha-nik/. Kung saan nagsama-sama ang iba't-ibang Mafia Organizations and Gangster League, kasama na rin ang mga Fraternities and Sororities. Tayo ang grupong pangunahing kalaban ng gobyerno dahil sa illegal na negosyo na hawak ng mga tulad nating Mafioso. Like... weapons trading, illegal drugs and such. People who do not belong to our group have the idea that we are the prime executors of the destruction of humanity, well sort of."

Napalunok si Xylah. Tama naman kahit siya ay masama ang tingin sa mga taong ito. They are criminals for pete's sake! At siya sa kanila.

"BUT... in our situation, Bermond Mafia do not trade nor produce illegal drugs like narcotics. Bermond is the leading manufacturer and trader of weapons all around the globe. Weapons are our main product yet aside from that we are doing Biochemical Products or the legal drugs and these are the responsibility of the Second District."

"We also offer hired killers, hunters and reapers for protections and certain purposes of the clients. At lahat ng 'yan ay sa Fourth Dictrict napupunta sa tulong na rin ng Third District na distrito ng mga gangsters. On the other hand, the First District is the nervous system of Bermond."

"Ito ang dapat mong tandaan, everything here is business and our main rule here is Give and Take. Lahat ay may kabayaran be it money or life." Nakangising anito. Napalunok si Xylah.

"Ikaw ang napiling mamuno sa ika-apat na distrito. Sakop mo ang buong samahan ng reapers, hunters and hired killers. Kayo rin ang guardians and protectors ng buong Bermond. Meaning, every business deals and negotiations that will be done by the First District, the Fourth District will be the shadow to protect our group. Therefore, you should learn to move in silence over the shadows. The Fourth District is responsible for everybody's safety."

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon