DXISTRICT X
Epilogue
Enjoy reading!
XYLAH ELIZABETH PITT
Two years later...
Napatitig ako sa salamin sa aking harapan. Bumagay sa akin ang dress na nabili ko kahapon. Isa itong halter black dress na hanggang tuhod at pinaresan ko ng high-heeled black stiletto. Niladlad ko lang ang mahaba kong buhok.
I wore a heavy eye make-up then a black lipstick. I look fierce and a bad girl. This is the day I've been waiting for.
This is day of installation and induction of new underbosses of Bermond Mafia.
Hindi basta-basta ang napagdaanan ko sa kamay ni Queen Tamara. 'Yong batang 'yon. Napapailing na lang ako sa mga ginawa niya sa'kin para maging karapatdapat na lider ng Fourth District.
Isama pa roon si Master Shi, Master Miggy and Master Jen na naging trainer ko sa mga nagdaang taon sa Martial Arts, sa pag-assemble at paggamit ng baril at iba pang armas. They taught me how to become a good weapon wielder especially to be an excellent sharp shooter and sniper.
Nakalaban ko na rin si Queen Tamara pero hindi ko siya matalo-talo. Sobrang lakas at galing niya kahit katorse anyos pa lang siya. I am now twenty years old and well-groom by learning through experience with the guidance of my superiors in Bermond, most especially by my mother.
Natawa ako nang mahina nang maalala ang araw ng last round of the quest. Queen was really a trickster. She tricked me by giving me a bullet less gun. Grabe pa ang iyak ko no'n at tanggap ko nang mamamatay na ako pero wala. Heto ako ngayon buhay na buhay.
Two years ang itinagal ng training ko as a reaper at kung paano maging underboss ng Mafia. Kasama ko minsan sa training ang tatlo pang underbosses. Iba-iba ang estorya namin pero iisa ang naging manipulator nito at 'yon ay ang aming reyna na si Tamara Georghette Madriaga.
Humugot ako ng hangin saka lumabas na sa aking silid. Napangiti ako nang makita si Mama na naghihintay sa akin sa labas. Nakangiti siya sa'kin. Ngayon ay masaya na ako at tanggap na ang lahat. Nalaman ko rin ang estorya ni Mama kung paano siya naging consigliere ni Queen.
Siya ngayon ang tumatayong legal guardian ni Queen Tamara dahil minor de edad pa lang ito. Temporarily, si Mama ang may hawak ng lahat ng negosyo ng mga Madriaga at Ashida pero hinahayaan niyang patakbuhin ang lahat ni Queen Tamara para na rin magamay nito ang lahat sa tulong ng paggabay niya.
"Tara." Aya ni Mama. Tumango lang ako at tumungo na kami sa kanyang kotse.
Naalala ko si Aroma. Ang loka-lokang 'yon. Ni hindi hinintay ang araw na 'to! Umalis agad ng bansa papuntang South Korea para manuod ng concert ng paborito niyang Kpop group, Big Bang ba 'yon? Ewan!
Nalaman ko rin na adoptive siblings pala sila ni Mama at Aroma, legal pala 'yon. Pero hindi ginamit ni Mama ang apelyidong Sayson. Automatically, tiyahin ko na si Aroma. Ayos na rin ang kalusugan niya at mukhang hindi naman na-trauma sa nangyari sa'min noon.
And as for Bridgette, nakakalakad na siya pero mabilis mapagod ang kanang binti niya kaya lang hindi niya kayang makipag-ungusan sa mga tao ng Fourth District kaya do'n trinansfer siya sa First District, kahit papa'no genius naman siya then Laddery remained in my district kasama sina Jerome at Nicholas.
Tsk. Nicholas... he became my partner and buddy for the past years. Siya ang laging nakakasama ko sa trainings and minor missions na binibigay sa'kin. Siya nga dapat ang gagawin kong right hand man pero hindi pwede dahil dati siyang prospect kaya I chose Francheska Lim as my second in command. Mas bata siya sa'kin ng apat na taon but she's really good especially in undercover missions. She's a great actress!
BINABASA MO ANG
District X
AksiUNEDITED. ü Sorry for the grammatical/typographical errors, lousy twists and scenes. Mwah! **** Xylah Elizabeth Pitt's Story. Bermond Mafia, a very powerful and potent organization from Chthonic Society, has been under drastic changes after the sudd...