Chapter Eight

2.3K 93 3
                                    


Chapter 8

Enjoy reading!

3rd.

"Can't we just continue with your sole purpose here?" biglang singit ni Bridgette sa pagbabangayan ni Aroma at Xylah pati si Andrew ay nakisali rin. Nakatitig ang dalaga sa mga pulis. "You're taking too much time and you can't have us all day."

Natigil na rin ang tatlo dahil sinuway na ng guro.

"Sabihin niyo na kung ano ang kailangan niyo sa aming lima." Turan ni Nicholas Vest na kanina pa tahimik.

Tumikhim ang inspector saka tumango, "Inimbitahan ho namin ang limang estudyanteng ito dahil silang lima ang nakitang huling naging kasama ni Jerome Gracias at maaring isa sa kanila ang makakapagsabi tungkol sa nangyaring krimen."

"At bakit ako nasali dito?" taas ang kilay na tanong ni Bridgette.

"Isang araw bago ang krimen, may nakakita sa inyong dalawa ni Jerome na tila may pinagtatalunan at nalaman rin namin na may kaugnayan kayong dalawa sa isa't-isa."

"Tapos?" mataray pa ring tanong nito.

"May nakita ka bang kahinahinala sa kanya sa mga huling araw na kayo ay magkasama?"

Napaisip si Bridgette, "Meron."

Nagliwanag ang mukha ng pulis, "Ano iyon hija?"

Napangiwi ang dalaga, "Nakakahinala talaga 'yong the way he swayed his hips, the way he flicked his fingers and I also caught him flipping his imaginary long hair." Napatirik ang mga mata nito.

Napalatak naman ang mga pulis.

"Why?" tanong ni Bridgette nang makita ang reaksyon ng iba. "Totoo kaya 'yon. Kaya nga kami nagtatalo no'ng araw na 'yon dahil tinatanong ko siya kung bakla ba siya pero itinanggi niya. But you know what he did to me?!" napatayo pa ito na tila galit na galit. "Sinabunutan niya ako!" sigaw nito kaya napaatras naman ang mga pulis. "Hindi daw siya bakla pero sinabunutan ako? Damn him, I can't believe he's a gay when he's a monster in bed—"

"Bridgette! / Miss Roi!" sabay na saway ng kakambal at ng dalawang guro.

"What?!" Umirap ito saka tumikhim bago umupo nang maayos.

Napanganga naman ang mga pulis at iba. "Kaya tama nga ang hinala ko na bakla siya. Sayang ang galing pa naman niya sa ka—" tinakpan ni Lad ang bunganga ng kakambal para patahimikin ito.

Napatango na lang ang mga pulis. Napahilot naman sa sentido ang dean at dalawang guro.

"Mr. Nicholas Vest, you're Jerome bestfriend right?" saad ng prosecutor para ibaling na dito ang usapan.

"Yes, mag-bestfriend sila." singit ulit ni Bridgette. "Actually, mas magaling si Nic—" muling tinakpan ni Lad ang bibig nito.

"Ano ba?!" bulyaw ni Bridgette nang makawala.

"Shut up! 'Yang bunganga mo!" suway ni Lad kaya natahimik ito at napairap.

Habang seryoso lang si Nicholas na nakatitig sa mga pulis. "Yes, Jerome was my bestfriend pero hindi ko na siya nakasama more than a week before nang mamatay siya dahil I had a two-weeks-vacation in Rome with my family." Wika nito.

"Pero may napansin ka bang kakaiba sa kanya?"

Matagal bago sumagot si Nicholas bago tumango.

"Ano 'yon, Mr. Vest?"

"It was Sunday when he called me, exactly 5 days before he was found dead. He told me something that he was on a game and his life was at stake."

"Then?"

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon