DX 4

2.8K 104 0
                                    

Chapter 4
Enjoy reading!

3rd.

Sanay na sanay na si Xylah na pinagtitinginan siya pero ngayong umaga ay parang may kakaiba sa mga tingin ng kapwa estudyante sa kanya, ewan ba't feeling niya isa siyang artista kung tingnan ng mga estudyante. Awsus.

"Hi Aroma." napalingon siya nang may sumabay sa kanya. Nakita niya ang mukha ng transferee, malaki ang ngiti nito sa kanya. Luminga-linga siya pero wala siyang nakitang Aroma sa paligid. Kumunot ang noo niya at sinulyapan sandali si Andrew at agad inirapan. Dahil kung tutuusin mas mukhang baliw ang lalaking 'to kaysa sa kanya.

"Ang taray mo naman. Gusto ko lang namang makipagkaibigan sa'yo." anito na may halong pagpapa-cute sa kanya.

Hindi niya ito pinansin dahil naaalibadbaran siya sa mukha nito at sinamaan lang ng tingin ang mga estudyanteng nakatitig sa kanya na para bang gustong magpa-fansign sa kanya.

"What's wrong with everybody today? Weird." bulong niya pero sadyang malakas ang pandinig ni Andrew at tumawa ito nang malakas.

"It's because you're weird-err!" humalakhak ulit ito kaya sa inis mabilis siyang naglakad upang malayo sa lalaki bago niya pa ito maibalibag.

Hindi maganda ang pakiramdam niya sa taong iyon. May kakaiba rito. Parang may masamang hatid ang pag-transfer nito sa kanilang school. Lalo na't Aroma ang tawag nito sa kanya habang Xylah naman ang tawag nito kay Aroma. Pandagdag isipin pa si Andrew para sa kanya.

It's still vivid in her mind on how she was attacked by a stranger. Instead of being killed by that man, she turned to be the killer. Then, she's still confused of the sudden appearance of that creepy kid the other night. She's still shivering every time the image of the man she killed comes across her mind.

Yes, she may have a dream of becoming an action figure and sometimes she imagined herself being an assassin but when that night happened, guilt is haunting her. Hinahabol siya ng konsensya niya.

She just killed someone and it doesn't feel right. Nadungisan na ng dugo ang mga kamay niya.

But, it was a self-defense. He attacked me first! I don't want to die. Just not yet. She thought.

Xylah wanted to sleep but she's afraid to have a nightmare. So, she was awake all night. She remembered the time when that little girl killed a professor.

She wanted to tell her mother about what she did but fear is dominating her. Natatakot siyang baka magalit ang ina niya sa kanya, na baka ipakulong siya nito o itakwil.

Hindi niya pa rin binubuksan ang silver attaché case na ibinigay na killer na bata. Natatakot siyang baka bomba ang laman no'n. Tapos ang sinabi pa nitong District Quest na sinabi rin ng lalaking napatay niya, wala siyang ideya kung ano iyon. Kung bakit sinabi ng bata na gusto nitong maging leader siya sa kung anong distritong hindi niya rin alam.

Now, she's officially a killer.

"Congrats to you Xylah... you did great." sarkastikong aniya sa kanyang sarili kaya naman balik sa dating tingin ang mga estudyante sa kanya, bakas sa mga mukha nitong tila nanghihinayang dahil mukhang tama ang hinala nilang nasisiraan na siya ng bait.

Nagtataka talaga siya kung bakit kakaiba ang umagang ito.

"Besfi!" rinig niyang sigaw sa kanyang likuran. Hindi na siya nagulat pa nang naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang katawan mula sa likod.

Buti na lang malakas siya kaya hindi sila natumba. Naiinis siya kay Aroma dahil palagi niya itong tinataboy pero ayaw pa rin paawat sa kakabuntot sa kanya. Hindi sa ayaw niya sa babae pero gusto niya talagang maging kagaya ng ina dahil wala rin itong kaibigan.

District XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon