Nagtrabaho nalang ako sa opisina ko para malibang kahit papaano. Nagumpisa na ang meeting. Ngunit tulala parin ako sa nangyari.Wala din ako sa sarili. Mabuti naman at maagang natapos ang meeting. Hindi ako makapagfocus.
Kringggg krinngggg.
Mom Calling..."Hello Mom." Sabi ko
"Yung mga transactions natin sa mga Revilla ay okay na anak. They are planning to invest koney in our company which a big help." Sabi niya. "Kaya dapat galingan mo para mas dumami ang mga client natin at mapaunlad pa lalo ang business natin. We are now the #2 most successful business in the world. Good job Sapphire." Pagpapatuloy niya. "Mom kailan kayo uuwi? Andito si Kuya Isaac." Tanong ko."Binabantayan ka ni Kuya Isaac mo dyan baka sakaling may nanakit sayo. I'll be home soon baby. Iloveyou. Got to go." "Iloveyoutoomom"
Si Kuya Isaac or also known as Mikhel Isaac LeTorres ay nakatatanda kong kapatid. Dalawa lang kami. Kaso wala ako masyado alam sa buhay niya dahil hindi kami masyado nagkikita.
Tumayo na ako at nagtungo sa table ko. Nakita ko si Tom nakaupo sa corner mukhang hinihintay ako.
"Please sapphire! I'm sorry. Maniwala ka mahal kita. Inakit niya ako lalaki lang din ako--" sinampal ko siya at nakita ko ang pamumula sa kanyang mukha.
"At babae ako. Dapat kailangan mo ng saktan ang mga babae? Wala kang karapatan manakit ng babae physically or emotionally." Sabi ko sakanya at umupo ako sa table ko.
"Oo sorry na kung pinagsabay ko kayong dalawa." Pagmamakaawa niya.
"Sorry? Do you think sorry is enough? Edi sana walang criminal o mga taong nasa preso ngayon kung sorry ay pwde ng magpatawad." Sabi ko.
"Please sapphire. I'm sorry. Balak ko sana siyang hiwalayan para sayo." Pagmamakaawa niya nakikita ko na ang luha sakanyang mga mata. Ngunit kailangan ko maging matatag.
"Huwag mong ipagpalit ang matagalang relasyon sa madaliang landian lamang." Sabi ko at tumawag sa phone.
"Ken, call the guards. Palabasin niyo ang taong ito nasa opisina ko nanggugulo." Sabi ko habang nakatingin sakanya.
Lumuhod siya sa harapan ko at nagmamakaawa. "Please sapphire. Parang awa mo na. Hindi panga tayo iniiwan mo na ako!" Iyak niya.
"Hindi ka sana gumawa ng mga bagay na ikakasira nating dalawa." Sabi ko at tumalikod sakanya.
Narinig kona din ang pagpasok ng mga guard. "Please! Bitawan niyoko!! Sapphire sorry! Bitawan niyo ko ano ba!" Sigaw niya.
"Palabasin niyo siya sa building at huwag ng papapasukin dito pang muli." Sabi ko
Everything is ruined. Akala ko mahal niya din ako. Akala ko magiging masaya na ako. Akala ko siya na ang prince na hinihintay ko noong bata pa ako. Akala ko lang pala yun.
Naramdaman ko nalang kusang pumatak ang luha ko. Na ulit nanaman ang pagkakamali ko. Nagpalinlang ako sa pag-ibig.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko para umalis. Pagkaratingn ko sa ground floor nakita ko si Tom sa main entrance.
"Sapphire! I'm sorry. I beg you! I loved you!" Sigaw niya ngunit nakaharang ang mga guards sa kanyang dadaanan.
"Saan tayo hija?" Tanong ni Mang Nestor habang binuksan ang pintuan ng kotse. "Club Zero po" sabi ko at sumakay na.
Medyo maaga pa ng nakarating kami sa ClubZero. Ngunit madami ng tao. Iniwan ko na si Mang Nestor at nagtungo na ako sa Club.
Pagpasok ko, hindi nga ako nagkakamali. Madaming tao nga. Nagtungo ako sa VIP lounge. Pra doon umupo. Nakareserve ito para samin nila Brenda.
"Tequila Sunrise maam." Sabi ng waiter at ibinigay sakin.
Masyadong nakakastress tong araw na to. I need to relax. I need to forget what happen. I need to forget him.
TOM POV.
Shit! Ano ng gagawin ko? Nahulog ako sa sarili kong patibong. Damn it! Nainlove ako sakanya. Nahulog ako mg tuluyan. Bakit nangyayari to sakin?
"Sir. Ito na po yung mga papers na pipirmahan niyo. Madami po ito. Matagal din po kasi kayo nakabalik." Sabi ni Kath. Secretary ko.
Bumalik na ako sa kumpanya namin. Montemayor Corporations. Ang nalugi at muling umahon na kumpanya namin.
"Leave it there." I said. Damn di ko maiwasan isipin siya. I know hindi niya deserve ito. Dapat umpisa palang di ko na siya ginamit para maghiganti. Hindi na sana ako nainlove ng tuluyan sakanya. Damn!
"Honeyyy. Tulala kananaman." Sabi ni Alex. Isa din tong pabigat na to. Parang linta sobra makadikit!
"Lumayo ka nga! Mali sinabi mo kay Sapphire!" Sigaw ko. "Anong mali dun? Fiance moko Tom! Fuck! Ano gusto mong dapat sabihin ko?" Sigaw din niya. "Mahal ko na siya." Mahinang sabi ko. I felt guilty. "Ikaw? Nagmahal? Marunong ka ba nun?" Litong tanong niya. "Yes. I loved her, Alex. I'm sorry you may leave now." Sabi ko.
Bigla nalang siyang tumayo at naglakad palabas. Lumingon siya ulit. "Hindi ko kayo hahayaang maging masaya Tom. Remember this day." At tumalikod na siyang tuluyan hanggang lumayo na.
Damn nakakaistress to. I need Sapphire. Kahit hindi ganun katagal pinagsamahan namin but I know na siya lang ang para sa akin.
Naalala ko tambayan niya ang Club Zero. Kaya madali akong nagtungo doon. At hindi nga ako nagkakamali ay nakota ko siya. May kasama siyang dalawang bodyguard kaya hindi ko siya pwde lapitan.
Umupo ako sa counter. "Green Inferno Shot please." Sabi ko. Tinitignan ko siya. Nakikita ko gaano siya kalungkot. Kasalanan ko ito. Sinaktan ko siya.
"Hi." Sabi ng isang babae ngunit hindi ko pinansin. "Sungit!" Sabi niya at umalis na. Pagtingin ko sa pinaroroonan ni Sapphire hindi ko na siya makita. Shit nasaan na siya! Napatingin ako sa exit at nakita kong buhat buhat na siya ng mga guards niya. Sinundan ko sila at sinigurado kong nakauwi siya ng ligtas.
Huli na ng napagisipan ko na delikado sa forest ng mansion nila. Only authorized people can enter. Napamura ako at sinuntok ang manubela. Damn nakakainis!
Napagisipan ko nalang umuwi. Buong biyahe ko siya lang nasa isip ko. May muntikan pa akong masagasaan. I will win you back Sapphire. I will and I promise.
SAPPHIRE POV.
Alam kong nakatingin siya. Alam ko din na siya talaga yon. Kailangan ko pang magpanggap na lasing para malaman na siya yon. Buti nalang ay magaling mag acting sila Mang Ruben at Mang Jestoni.
Namimiss niya kaya ako? Kaya sinusundan niya ako? Hindi siguro. Baka gusto niya lang magkatrabaho. Balita ko namumulubi na parents niya. Baka pinaibig niya ako dahil gusto niya din ng pera? Ay ewan!
Gulong gulo! Litong lito na ako. Di ko alam kung kakayanin ko pa ang ganitong buhay. All I wanted is a happy and peaceful life! Di ba pwdeng ganun nalang.
Umakyat na ako sa kwarto ko para makapaghilamos. Ang lagkit ko na.
Habang naghihilamos ako parang nararamdaman ko ang yakap ni Tom nung natutulog kami. Wala na pala magtatanggol sakin. Wala pa rin nagaapply bilang Butler ko. Sana bukas meron na.
Humiga na ako sa kama para makapagpahinga. Panibagong araw at panibagong problema nanaman ang haharapin ko bukas.
BINABASA MO ANG
Snow White and The Beast (COMPLETE)
Teen FictionDid you heard about the story of Snow White and the Seven Dwarfs and Beauty and the Beast? Paano kung ang isang Beast ay nainlove kay Snow White? Paano kung si Snow White ay nawala sa mundo ng fairytale and accidentally met The Beast? Would they li...