Chapter 8: Two Beast

79 3 0
                                    

Papasok na ako ng opisina at nakakita nanaman ako ng flowers but this meron ng cake. Tumingin ako kay Seb ngumiti lang siya. Alam ko siya lang may kapakanan nito e.



"Thank You Seb." Bulong ko sakanya. "You're welcome!" Sabi naman niya.



I continue working na. Sa dami ng paper may nakita akong black envelope.

Halloween Party
(Wear your best costume)
8pm @ Grand Palace.

October 31 na pala ngayon. Shit! Mamayang gabi na to ah. Kailangan ko muna bumili ng damit. I need to attend I know everyone that owns large company will attend this.



"Seb sa mall tayo. Bibili ako ng panghalloween ko." Sabi ko at sumakay na ng elevator. Sumunod nalang si Seb.



"Kasama ka doon Seb. At magisip ka ng isusuot." Sabi ko at umalis na kami ng building para magtungo ng mall.



Pumunta ako sa favorite kong bilihan ng mga costumes. Si Snow White ang gagayahin ko. Gusto ko yun simula bata ako. Nakita ko din si Seb na namimili na ng damit niya.



"Goodmorning Ms. LeTorres! How may I help you maam?" Tanong ng sales lady. "Meron ba kayong costume ni Snow White?" Tanong ko sana meron. Alam ko ubusan eh dahil trick or treat na mamaya.



"Meron po maam! Wait nalang po kayo sa fitting room at dadalhin kopo sainyo." Tumango ako at pumunta ng fitting room. Dumating din siya ng ilang sandali at nakita ko ang dress ni Snow white napaka ganda.



Sinuot ko ito para masigurado kung sakto ito para sakin. Bagay na bagay ang dress sa kutis ko dahil maputi. I look exactly as Snow white. Mahaba ngalang ang buhok.



"I'll take it." Sabi ko at hinubad ko na. Nagbihis na ako at nagtungo sa counter para mabayaran.


"Sapph! Nakabili na din ako ng alin. Surprise nalang ha? Hihi" tumawa siya na parang bata. Tinaasan ko nalang siya ng kilay.



Umalis din kami ng mall dahil 5pm na. 8pm start ng party magaayos pa ako. Kaya niyaya ko na umuwi si Seb.




"Anong oras pala yung party?" Tanong ni Seb habang nagdadrive. "8pm" tipid kong sagot. "Shit! Kailangan pala natin bilisan!" At pinaharurot ang kotse. Buti nalang naka sitbelt ako. Kundi tumalsik na siguro ako.



Mabilis din kami nakauwi dumeretso na siya sa kwarto niya na dating kwarto ni Tom. I miss him.



Pumunta na din ako ng kwarto para magbabad sa tubig at makapagrelax sa banyo. Kamusta na kaya si Tom? Nagsisi ba siya? Namimiss din ba niya ako? Hayyy. Overthinking.



Naligo nalang ako imbis na magbabad baka makaligtaan ko ang oras malate pa ako. Pagtapos ko maligo isinuot ko na ang bathrobe ko


Lumabas na ako ng banyo at binuksan ang paper bag na dala ko. Tinignan ko ulit ang dress napaka ganda. Pinagawa ko palang backless yung dress ni Snow White. Para medyo sexy haha.



Tinignan ko ang oras 7pm na pala. Ang bilis di ko namalayan 1hr nalang pala natitirang oras ko. Humarap na ako sa malaking salamin ko at nagumpisa ng mag make up. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko. Blonde ang buhok ko kaya maganda ito kung nakakulot. Nagpabango na din ako yung nakakapang akit. Hahahahaha!



Exact 7:30pm ako natapos at isusuot ko na ang dress. Pumunta ako sa walk in closet ko at namili ng sapatos na babagay sa dress ko. Kumuha na din ako ng bag.




Nang okay na lahat ng gamit ko at sarili ko ay napagpasyahan kong bumaba. Nakita ako ni Nanay at mukhang namangha siya.




"Wow anak! Napakaganda mo! Mukha kang prinsesa!" Sabi niya at tinignan niya ako. "Salamat nanay! Nasaan na po si Seb?" Tanong ko dahil malelate na kami. "Nasa loob na ng sasakyan anak! Puntahan mo na siya." Aniya at kiniss ko na siya at nagpaalam.




Paglabas ko ng mansion nakita ko ang sasakyan nasa loob na pala si Seb. "Raaaawwwwr---" sigaw niya ng pagkasakay ko ngunit napahinto siya. "Bakit?" Tinaasan ko siya ng kilay. "You look so gorgeous!" Sigaw niya. Nagulat naman ako at yung costume na napili niya ay si The Beast ng (Beauty and The Beast) medyo scary pero cool.



"Tara na? Baka matunaw ako nyan eh" sabi ko at tumingin na sa daan. "Ay sorry sorry. Hihi" sabay kamot sa batok niya at nagumpisa na siyang magdrive.


8:30 na ng nakarating kami ng Grand Palace. Parang nasa loob ka ng fairytale iba't ibang characters ang nakikita ko. Pinagbuksan na ako ng pinto ni Seb at nagtungo na sa loob. Napaka ganda sa loob simula sa chandelier hanggang sa mga kagamitan. Inalalayan ako ni Seb patungo sa table na nakareserve para samin. Madami mga dumalo ang iba sakanila ay namumukaan ko mga businessman at businesswoman sila.



Lahat ng mga tao ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam bakit pero parang namamangha sila sa kagandahan ko.



"Iwan muna kita Sapph. Mag CR muna ako." Sabi ni Seb at umalis. Hindi mo siya mamumukaan kapag naka costume dahil parang helmet ang suot niya mukha lang talaga ni The Beast ang makikita mo.



Nagpatugtog ng Love song ang DJ at may humila sa akin. "Ano ba!" Sigaw ko at ng humarap ako si Seb lang pala. Kaya nagpatangay na ako sakanya.



"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya at bigla akong kinalibutan. That voice. "A-ahh?" Nauutal na ako dahil sakanya. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya. Lahat ng tao ay nakatingin sa amin. "You look so beautiful Sapph." Bulong niya. Ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko. Damn! I'm sweating!!



"Sorry na Sapph. Sana nagustuhan mo yung mga surprise ko sa opisina mo. Para malaman mo na sincere ako at--" pinutol ko siya. "Tom! Ikaw yan?" Sigaw ko ngunit kami lang nakakarinig. Tumango siya. "So it means ikaw ang nagsusuprise sa opisina ko? The flowers? The cakes!?" Tanong ko na tila naguguluhan ako. Tumango ulit siya. Damn! Akala ko si Seb. Nagsinungaling si Seb sakin!



"Napapatawad mo na ba ako?" Tanong niya biglang lumalim ang boses niya na maririnig mo ang pagiging sincere. Tumango nalang ako. Sobra sobra din effort niya at ramdam ko naman talaga na mahal niya ako.



"Thank you." And kissed my lips. O_________O natulala ako sa ginawa niya. Bukod sa nakapang Beast yung mukha niya yung damit na suot naman niya ay naka amerikana na ramdam ko ang muscles ng katawan niya.




Sarap ng lips niya. Naadik na ata ako kay Tom. Ginabayan niya ako papunta sa table namin ni Seb ngunit wala pa siya. Nagpaalam na din si Tom sa akin dahil yun lang ang pinunta niya ang humngi ng tawad para pwde na daw niya akong mahalin at ligawan ulit.



Sebastian Clive Vincent Go. Humanda ka! Nagsinungaling kananaman sakin! Ginawa mo akong tanga!

Snow White and The Beast (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon