chap:27 Relationship goal

1.2K 42 0
                                    

Chapter 27: relationship goal

Melody pov

Nandito na si daddy sa harap ni dean at binigay ang unang pagsubok niya kay dean.

"Dapat masarapan ako sa luto mo at kapag hindi? The door is open. Pwede ka ng umalis"
-daddy

Napalunok nalang si dean sa sinabi ni daddy sa kanya.

Ang lulutuin niya ay adobong manok.
Alam kong madaling lutuin iyon pero paano si dean?

Hinagis ko ang procedure kay dean kung paano lutuin itong adobo. Mali kasing procedure ang bigay ko sa kanya.

Paiba-iba kasi ng isip ni daddy kaya hindi ko masakyan ang trip niya.

"Dean kaya mo yan!"
-bulong kong sabi sa kanya

Nag flying kiss lang ang kumag sakin.

"Hoy melody anong ginagawa mo dito?
Dun ka sa sala!"- sabi ni dad sakin

"Yes daddy.."- lihim akong natawa

Ang awkward talaga ni daddy! Mas pinapairal pa niya ang kapanahonan niya keasa sa panahon namin ngayon!

Dapat pa bang mag sakripisyo si dean para patunayan lang na mahal niya ako?huhuhu

After 1hour of waiting..

Nilapag na ni dean ang niluto niyang adobong manok. Isa isa namin itong tinikman.

Oh my god! Ang sarap talaga ng luto niya as in! Ng si daddy na ang tumikim.

Walang salita ang lumabas sa labi niya!

"Ano dad masarap ba?"
-tanong ko sa kanya

"Hmm. Nalampasan mo ang unang pagsubok.maghanda kana sa ikalawang pagsubok"-daddy sabay alis sa harap namin ni dean

"Dean nagawa mo!"
-sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya

"Salamat melody dahil tinulungan mo ako!"

Lumapit si barbie samin sabay bulong

"Ang ikalawang pagsubok ni daddy maglalaro sila ni daddy ng chess. Rinig ko ang sabi ni dad kay mommy!"

"D-dean maruno kabang maglaro nun?"
-pag aalala kong sabi sa kanya

Sinabi ko kasi kay dad na hindi marunong maglaro si dean ng chess.

"Ano kaba melody! Chess lang! Oo naman ako pa!"- ngiti niyang sabi sakin

Ngumiti ako sa kanya at niyakap siyang mahigpit.

"Galingan mo okay!"
-cheer namin ni barbie kay dean

Tinawag na siya ni dad kaya agad kaming pumunta sa veranda at nanood ng kanilang laro. Sa una talo si dean kaya kinabahan na ako.

Pero sunod sunod ang panalo ni dean.
Naghihiyawan kami ni barbie sa kagalakang nadarama namin ngayon!

"Daddy paano na yan? Talo kana naman!"
-sabi ni barbie

"Magaling ka ha? Sige! Tingnan ko lang kung mas gagaling ka rito!"

Basketball

Ang ikatlong pagsubok

Si daddy at si dean ang maglalaro.

"Dean galingan mo!"
-sabi ko sa kanya

Nagsimula na ang laro. MVP kasi si daddy noong bata pa siya kaya natatakot ako para kay dean.

Sa 1st game nila sino pa nga ba ang mananalo edi si daddy!

Dahil sa inis ko nililipat ko ang score ni daddy kay dean.

"Ate ang daya mo naman!"

"Tumahimik ka nga barbie! Pag nagmamahal ka kahit madaya gagawin mo.alang-alang sa taong mahal mo! Ayaw mo bang sumaya ang ate ha?"

"Ate gusto kitang maging masaya kaya kahit mali ang ginagawa nating dalawa ang importante mapasaya ka!"

"GO DEAN TALUNIN MO SI DADDY MATANDA NA YAN!"- sigae namin ni barbie

Si mommy sumasakit ang tiyan sa kakatawa.

Dahil sa cheer namin ni barbie. Bumawi ng score si dean. Kaya ang nagwagi?

"Congratulations Dean! "
-sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya

"Pinahanga mo talaga ako iho. Sa angking galing at tapang mo! "
-mommy

"Wag muna kayong magpakasaya dahil may dalawa pa siyang pagsubok na dapat niyang lagpasan!"-daddy

Nagtungo kami sa labas ng bahay at nakita namin ang isang arrow .

Kailangan niya itong ihagis sa malayo kung saan dapat tumama sa malaking puno.

Meron kasing nakasabit na isang papel at may pulang bilog ito na guhit sa gitna.

Kailangan niya itong matamaan ng arrow.
Pero gamit lang ng kamay niya!

"Daddy be fair naman! "
-sabi ko sa kanya

Meron kasi siyang bow and arrow samantalang si dean arrow lang!!

"Okay lang yan ate magtiwala kalang sakin!"-sabi ng kapatid ko sabay wink sakin

Alam kong may plano ang bruhang ito kaya nagpakatatag na ako!

Nagsimula na ang laro. Si daddy ang na una. Wala parin siyang score. Si dean na ang susunod.

"Dean kaya mo yan!"
-cheer ko sa kanya

Nagwink lang ito sakin

Barbie kong ano man ang binabalak mong bata ka,siguraduhin mong sasaya ako at maganda ang kalalabasan!

Nagsimula na si dean tumira. Pumikit nalang ako baka kasi hindi niya magawa ang task.

"KUYA NAGAWA MO!"
-sigaw ni barbie kay dean

"Nagawa ko melody!"
-tuwang tuwa na sabi ni dean sakin

"Oh my g! Nagawa mo nga dean!"
-sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya

"Honey itigil mo na ito! Hayaan mo na si melody na maging masaya!"
-mommy elena

"Dad please.. Napatunayan na ni dean ang dapat niyang patunayan sakin na mahal niya talaga ako.kaya please po!"

Napabuntong hininga nalang si daddy saming dalawa ni dean.

"Oo na! Oo na! Basta wag mong sasaktan ang anak ko! Kapag sinaktan mo siya papatayin kita! Naiintindihan mo ako!?"
-daddy sabay turo kay dean

"O-opo pangako po daddy!"
-dean sabay hug kay daddy

"Anong daddy! Hindi kapa nga sinasagot ng anak ko e!"-daddy

"Ay Oo nga no..kailan mo ba ako sasagutin melody?"

"Tutal tinanong mo rin naman ako.
Sinasagot na kita sa harap ng mga parents ko!"-sabi ko kay dean

Bigla itong sumigaw at niyakap ako ng mahigpit.

Mahal ko ang lalaking ito at wala ng makakapigil saming dalawa.

See YOU IN NEXT CHAPTER!

Bitch Perfect [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon