chap:25 A second chance

1.3K 44 0
                                    

Chapter 25 A second chance

Melody pov

Nasa labas kami ng bahay ni dean nag usap ng masinsinan.

"Akala mo nung una si jared na ang para sakin.kasi sa kanya ko nakita ang lumigaya ng husto. Kahit sabi nila playboy ito at paiiyakin lang ako. Hindi ako naniniwala sa kanila dahil mahal ko siya mahal na mahal"

"Kapatid pala ni rajvelle ang lalaking nanakit sayo? What a small world"
-sabi niya sakin

"Lumipat ako ng university dahil sa gusto ko siyang makita at makasama palagi. Nahahalata ko na kasing naging cold siya sakin. At mas gusto pa niya na si rajvelle ang makasama niya kesa sakin."

Nagulat ito sa sinabi ko sa kanya.

"Alam kong nagulat ka. Maski rin nga ako ng magkita kami noon. Si rajvelle ang dahilan kong bakit niya ako iniwan na walang dahilan. Tapos nabalitaan kong sila na at may plano ng magpakasal"

-sabi ko sabay pahid ng luha ko. Its time to move on.ito rin ang time na alisin ko na ang galit ko sa mundo. Gusto ko nang magbagong buhay kasama si dean.

"A-akala ko ba magkapatid sila ni jared?"

"H-hindi sila totoong magkapatid dean. Ampon lang si rajvelle. At alam ko sa pakiramdam na nasaktan nila tayo ng pareho. Pero naka move on na ako .kasi alam kong sila ang para sa isat-isa at hindi kami ni jared"

"Nakalimutan ko naman si rajvelle e,"

Napatingin ako sa kanya

"Simula ng makilala kita.inaamin ko sa una nating pagkikita. Naiinis ako sayo kasi ang sungit mo! Tapos hindi namamansin."

"Ikaw naman kasi! Ginagalit mo ako alam mo naman na madali akong mainis."

"Baka destiny na tayo ano? Kasi pareho tayong nasaktan.tayo'y pinagtagpo at para umibig ulit"

Sabi niya sabay hawak ng kamay ko. Hindi ko na pala namalayang umiiyak ako sa kilig.

Pinunasan nito ang mga luha ko na walang tigil sa pag-agos.

"Dean..mahal rin kita hindi ko nga alam kong bakit ako na fall sa isang tulad mo. Ang isang arogante,feelingero na tulad mo. Na in love ang magandang babae na tulad ko sayo!"

Sabi ko sabay tawa ng malakas

"Feelingero talaga girlfie? Mabuti naman at umamin ka na rin! Alam mo bang matagal na akong nahulog sayo. Hindi ko lang alam ang petsa kung kailan. Ang cute mo kasing magalit!"-sabi niya sabang ngisi sakin

"So ganun? Wag mo kong galitin kong ayaw mong masira ang maliligayang araw mo!"

"Kailan mo ba ako sasagutin ha girlfie.? Bigyan mo pa ako ng second chance please?!"
-pout niyang sabi sakin

"Bakit humingi kaba ng paumanhin sakin?"
-sabi ko sabay Rolled ng eyes

"Sorry na girlfie alam kong masasakit ang binitawan kong salita sayong nasa clinic pa tayo"

"Hoy parang linya ko yan ha?! Ayusin mo sabi e, sige hindi ka naman sincere e! Manigas ka jan!"

Sabi ko sabay alis sa tabi niya.

"Girlfie sorry na alam kong nasaktan kita ng sobra. Ikaw naman kasi eh, mas mahalaga pa sayo si winter kesa sakin! Ako ang laging nasa tabi mo pero siya ang laging bukam-bibig mo. Naiinis akong marinig yang bawat tili mo!"

Tumawa ako ng malakas sa sinabi niya sakin.

"Bakit ka tumatawa jan?e totoo naman e! Mas gwapo pa ako jan no. At isa pa walang-wala yan sakin!"

"Melody.kahit ligawan kita ng paulit-ulit basta sabihin mo lang sakin na may pag asa pa ako sayo. Kaya kong mag hintay kahit abutin pa tayo ng 10 years!"
-dean

"Sige, ligawan mo muna ako"
-sabi ko sa kanya

"Pakipot kapa e,alam ko namang bibigay ka rin sakin!"

"Wag kang feeling boyfie!"

Lumapit ito sakin at hinalikan ang labi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at dinama ang mga araw na ito kasama ang gwapong si dean.

[Kinabukasan]

Maaga akong gumising,naligo at nagbihis. Lumabas na ako ng guest room. Laking gulat kong nasa harap ko si dean may dala itong flowers.

"Hi ms beautiful mas maganda kapa sa mga bulaklak na dala ko para sayo"
-sabi niya sabay wink sakin

Kinuha ko ang flowers at ngumiti sa kanya

Nilampasan ko siya dahil uuwi na ako samin.

Nagpaalam na ako kanina bago umalis si mommy.

"Saan ang punta mo? Hatid na kita"
-sabi niya sakin

"Wag na dean sa bahay ni dad ako pupunta. Bibisitahin ko lang si barbie"

"Ha? Okay lang pupuntahan ko rin si barbie na mimiss ko na rin kasi ang bata nayun!"

"Sige ikaw ang bahala"

Pumasok na kami ni dean sa kotse niya.

After several hours

Nakarating na kami ng bahay nila daddy.
Magkahawak pa kami ng kamay.

"Ahem!"

Si daddy! Bigla kong hinila ang kamay ko palayo sa kamay ni dean.

"D-daddy!"
-sabi ko sabay halik sa cheeks nito.

Nanlilisik ang mga mata ni dad kay dean. Sabi ko na nga ba e!

Namumutla si dean habang nasa sala na kami. Nasa tabi ko siya at si daddy naman nasa harap namin.

"D-dad nasan nga pala si barbie?"
-tanong ko kay daddy.

"Nasa mall sila ng mommy mo anak may binili lang. Sino nga pala ang binatang ito?"

Nagkatinginan kami ni dean.

Patay kang bata ka melody!
Para kasing military magalit si dad kaya kailangan ko siyang makumbinsi na hayaan akong magmahal ulit.

NEXT CHAPTER STILL ONGOING

Bitch Perfect [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon