chap:28 believe in destiny

1.3K 43 1
                                    

Chapter 28 believe in destiny

Melody pov

Unang araw namin ni dean na mag on.
Kasalakuyang nasa bahay niya ako ngayon nagluluto ng breakfast niya.

Jusko hindi kasi marunong magluto kaya maaga niya akong tinawag sa bahay ko para ipagluto siya! Pasalamat siya at mahal ko siya! At kapag hindi? To he'll I care!

"Boyfriend gising na! Kumain kana"
-sabi ko sabay alog ng balikat niya

"M-mamaya na girlfriend inaantok pa ako!"
-sabi niya sabay hila sakin pababa ng kama

"Ano ba boyfriend bitawan mo nga ako!"

Nagpupumiglas ako sa yakap niya kaso mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sakin.

"Sana lagi nalang tayo ganito no? Yun bang hindi na tayo maghihiwalay pa. Diba girlfriend?"- tanong niya sakin

"Oo tama ka nga. Sana ikaw na talaga ang lalaki para sakin. Ang hirap kasing maghanap ng tulad mong sira ulo e!"

"Alam mo kahit masungit ka at saksakan ng isnobera..tanggap ko iyon. Dahil mahal kita"

Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya sakin.

"Kahit na bipolar ako minsan mamahalin mo parin ako?"-tanong ko sa kanya

"Oo naman! Sa unang tingin ko palang sayo alam ko na tupakin ka talaga..hindi ko nga alam kong bakit bigla nalang pabago-bago ang mood mo. Minsan gusto mo na akong patayin sa galit. At kapag nawala ako sa paningin mo hahabulin mo naman ako!"

"Ang feeling mo talaga dean! Kaya jan ako nahulog sa nga paandar mo e! Mahilig mambola!"-sabi ko sabay kurot ng matangos nitong ilong

"Alam mo girlfriend meron akong pick up lines sayo."*wink*

"Ano naman yan aber? Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko yan ok?!"

"Ahem! G-girlfriend tupa kaba?"

"Bakit ,dahil ba gusto mong alagaan?"
-tawa kong sabi sa kanya

"Hindi,dahil hindi ka mawala sa I-SHEEP ko"

*puppy eyes*

*blush*

"Uy tatawa na yan?!"

"Tatawa? Bakit naman ako tatawa aber?"
-sabi ko sabay iwas sa tingin niya

"Tumawa kana kasi..ito naman nahiya pa sakin!"-sabi niya sabay kiliti sakin

Tumayo na ako at hinila ang kamay niya

"Boyfriend bumangon kana! Dahil lumalamig na ang pagkaing luto ko para sayo!"

Bumangon na ito na parang bata. Habang hila-hila ko ang kamay niya. Nilapag ko na ang plato sa harap niya at ako na ang kusang naglagay ng pagkain niya.

"Girlfriend ganito karin ba ka sweet kay jared noong kayo pa?"

Tanong niya sakin sabay subo ng pagkain

"O-oo pero hindi tulad ng ginagawa ko sayo ngayon. Kasi umiiwas siya sakin at mas gugustuhin pa niyang hindi niya ako makita araw-araw"

"Bakit hindi ka naman nakakasawang tingnan ah?"

"I know right! Pero hindi niya ako gusto kaya kahit anong gawin ko para lumambot ang puso niya sakin. Wala na akong magagawa dahil si rajvelle ang gusto niya at hindi ako"

"Tama ka nga..kahit anong pilit mo na subukan silang intindihin at uunahin sa priority mo sa buhay. Its useless kasi kahit anong gawin natin wala parin tayong puwang sa mga puso nila"

"So its up to you kung naka move on kana nga sa kanya dean."

"Oo naka move on na ako. Because I believe in destiny. You and me are meant to be melody."

"Alam mo kanina mo pa ako pinapakilig ha! Gusto mo ba akong atakihin sa puso ha?"

"I believe that imagination is stronger than knowledge. That myth is more potent than history. That dreams are more powerful than facts. That hope always triumphs over experience. That laughter is the only cure for grief. And I believe that love is stronger than death."

"And that's we deserve Dean. "

"Ang ganda ng message no? From Robert Fulghum yan"

"Yeah,kumain ka muna jan at meron tayong gagawin mamaya"-sabi ko sabay wink sa kanya

Nanlaki ang mga mata nito. Habang nakatitig sakin

"W-what may mali ba sa sinabi ko?"
-tanong ko sa kanya

"G-girlfriend sigurado kabang ibibigay mo ang sarili mo sakin?..agad-agad..?"

Bigla ko siya hinampas sa ulo. Anong pinagsasabi ng gagong ito!

"Anong pinagsasabi mo jan ha?! Ang green minded mo talaga as in! Ang sabi ko may gagawin tayo mamaya pero hindi natin gagawin yang iniisip mo!"

Tumawa nalang ito at dali-daling tinapos ang kinakain niya. Nanood muna ako ng tv. Kumain nalang ako ng junk foods marami kasi sa kwarto niya. Kaya pala napaka slim niyang lalaki kasi minsan lang kumakain!

"Girlfriend wag mong ubusin ang mga curls ko ha!"-sabi niya sakin

"Bahala ka jan! Bumili ka nalang tutal marami ka namang pera e!"

Nanood lang ako ng tv. Habang tinitingnan ang picture frame namin ni dean. Nilagay niya talaga sa harap ng bahay niya.

Kasama namin si barbie sa picture. Fake lovers pa kami ni dean ng mga araw na yan. Palaging nag aasaran. Nagkukulitan!

Marunong mag adjust sa ugali ko na kahit minsan wala pang tao ang tumatagal sa ugali kong ito.

Pati nga rin si daddy nagtataka kong bakit bigla nalang ako bumait. Dahil iyon kay dean. Kasi siya ang dahilan kong bakit ako nag bago. Naniniwala ako sa destiny at hindi sa forever.

Kasi ang forever minsan dumadating minsan naman mabagal dahil nga ang haba ng traffic sa edsa!

Samantala ang destiny. Sa bilyon-bilyong tao sa mundong ito nahanap ko na ang meant to be ko. At walang iba si dean asher black ng buhay ko.

Kaya wala na akong mahihiling pa sa Dios.

NEXT CHAPTER IS STILL ONGOING!
Guys hanggang sa chapter 30 lang ito!
Dahil nga sa mahal ko kayo tinapos ko na ito! San suportahan niyo ito!

ILOVE YOU ALL!
believe in destiny! Not in forever!
My moto in life!

Bitch Perfect [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon