Chapter 20: Results

490 17 0
                                    

Sinagot ko yung tawag..

" Hello? " boses ng babae.

" Sino to? " ang tanong ko.

" Tulungan mo ko. Kung sino ka man please tulungan mo ko... " paiyak na nagmamakaawa sya sakin.

" Sino ka ba? "

" Ako si Eunice. nandito ako sa bahay ni Kristoff. "

EUNICE?

Sino si Eunice?

" bakit? "

" EUNICE!!! " galit na boses na sigaw ng isang lalaki.

*end call*

At naputol ang tawag.

Ang weird naman nun.

" Sino daw yun? " tanong ni Leah.

" Eunice daw eh. "

" EUNICE?! " sigaw ni Jon. At dilat ang matang nagtanong. Kakadating lang nila galing sa pagbili ng pagkain.

" Bat gulat na gulat ka? Kilala mo yun? Akin na nga muna yan... " ang sabi niya kay Jon. kinuha ni Leah yung plastic na pinaglalagyan ng pagkain.

" Parang famillar nga yung pangalan, feeling ko na narinig ko na sya.. " ang sabi ko.

" Malamang, ang common naman ng Eunice eh. Halos lahat nga tayo, ang common eh. " ang sabi ni Leah habang umuupo sa tabi ko at hawak yung pagkain.

" Ahmm, si Eunice? Sya yung girlfriend ni Sid. I mean Ex. " paglilinaw ni Peter.

" Oh? Bat sya napatawag sayo Jos? " pagtataka ni Leah.

" Tumawag sayo? Pano? " tanong ni Jon sakin.

" Gamit yung phone ni Kristoff. Tas ang weird kase, nanghihingi sya ng tulong. " biglang natulala si Jon.

" Bakit naman? " tanong ni Peter na tanong ko din kanina pa sa sarili ko.

" peter, i think we need to go. " ang sabi ni Jon. Nag-nod si Peter at sabay silang umalis.

" Ingat kayo ah! " nagkatinginan kami ni Leah ng nagkasabay kaming magsabi.

" Kain ka na~ " sinubo nya sakin yung saging at iniwan lang yun sa bibig ko.

Binigyan ko sya ng reaksyong ganito
-_________-

Inilalayan ako ni Leah buong araw sa hospital.

pero di ako pinayagan makauwi, hanggat di nababayaran yung hospital bills.

Kulang pera ko.

At ayokong malaman to nila mama. Sobrang mag aalala yun at for sure,may ipipilit nanaman sya sakin.

Pero,

Sino nga ba si Eunice sa buhay ni Sid?

Ano ang nagawa nya at nasa bahay sya ni Kristoff?

gaano sya kaganda para may magsayang ng buhay para sa kanya?

Gusto ko syang makita..

" Joseph, kailangan na talagang tawagan mom mo. Kahit isama ko yung natitira kong allowance." Kasama ko pa rin si Leah kahit alas otso na ng gabi.

" Wag mo ng alalahanin yun, umuwi ka na. "

" Pano ka? Ikaw lang mag isa dito?"

" Okey lang ako. Mas magaling ka pa nga mag alaga sa nurse :) Salamat."
Pinandilatan nya ko ng mata. " ARAY!"
bigla nya kong sinampal.anong problema ng babaeng toh. " Baket? "

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon