Chapter 45: Welcome

389 13 0
                                    

Siguro ganto talaga yung feeling pag wala ka na talagang makausap. Nagiging Attention Seeker ka.

Syehsreh: Joseph

tae. Bat ko ba sya minessage!

Joseph: oh?

Syehsreh: anong oras ka pupunta bukas? Sa bahay? Alam mo naman papunta dito? Sunduin kita sa kanto?

Joseph is typing...

Syehsreh: dadalhin mo ba laptop mo?

Syehsreh: may laptop naman kasi kani dito.

Syehsreh: *kami

Joseph: ang dami mong tanong. Ano uunahin kong sagutin dyan?

GALIT NANAMAN SIYA. -___-

Syehsreh: Sorry naman. T^T

Joseph: Matulog ka na. Ako na bahala. Good night.

O.o NAG GOOOD NIGHTTT SYA SAKEN! UWAAAAA UWAAAAAAA! *o*

Napagulong na ko sa kilig dito sa kinahihigaan ko.

Syehsreh: ah. Sige. Good night po. :)

Seen 10:12 pm

....

Nag-Good night nga, online pa rin naman. Duh.

Kinabukasan,

Maaga akong nagising.

Nagluto ng umagahan, naligo, at naglinis sa bahay.

" NAK! WAIT LANG!! " hestirical na sigaw ni Mamu paglabas nya ng kwarto nya. Hinawakan niya ang noo at leeg ko. " Ayos ka lang ba nak? May sapi ka ba? O baka naman may lagnat ka? may nagawa kang kasalanan 'no?"

" grabe ka naman Mamu. Di po ba pwedeng sinipag lang? " ang over acting ng nanay ko.

" o baka naman... Buntis ka?! At siya ang Ama! " biglang tinuro ni Mamu yung pinto. Nanlaki ang mata ko at ni Joseph.

" Uy Mamu. Tigilan mo yan. Mabait ako ah. " ang tanging naisagot ko kay Mamu. Nababaliw nananaman yun.

" Ikaw ba yung manliligaw ng Anak ko? Ay este, kasama nyang gumawa ng Thesis? " hihirit pa talaga nanay ko. Kunwari inosente pa. 'E kagabi pa ilang beses kong pinaalala na dito kami gagawa. Sila pa nga nagsabi sakin.

" Yung una pong tanong, Hindi. Yung pangalawa , Opo. " sabay ngumiti sya kay mamu.

ayssttt sana di nya na lang sinagot.
-_____- pang-asar din 'e.

" Wala kang balak na.. alam mo na.. manligaw ganon? " Hay naku naman Mamu!!

" MAMUUU! " napasigaw ako.

tumawa lang si Joseph.

" Inaalam ko lang. Alam mo namang Bawal pa diba? Bawal. Sige , bahala na kayo dyan, nung panahon ko, wala namang ganyan. Ay hindi nga pala ko nagcollege! HAHAHAHA. " sabay umalis na siya at pumuntang kusina.

-__________-

" Maupo ka na nga Joseph... Teka, pano ka nakapasok sa bahay? " ang sabi ko sa kanya habang sya ay umuupo na.

" Bukas Gate nyo. Tapos narinig ko boses mo, pumasok na lang ako. Sorry. " seryoso nyang sagot.

" Shhh.. wag kang maingay baka marinig ni Mamu. " bulong ko.

" Bakit? Anong masama sa sinabi ko? " pagtatanong nya.

" si Ate Kisses.. natakas kasi yun minsan pag tulog sila Papu.. mini-meet nya yung Boyfriend nyang basketball player dito sa Village namin. 'E kaso bawal.. Illegal yung mga nangyayaring yun. " mahina ang boses kong pagkikwento.

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon