Chapter 16: Real Tears

621 17 0
                                    

Nagulat akong paggising ko at pagcheck kay kristoff sa kabilang kwarto, wala na sya.

I hurriedly went down stairs to check him.

" mama? Nasan si Kristoff? "

Lumingon saken si mama na nagliligpit ng pinagkainan.

" Umalis na. Hindi ka na nya hinintay gumising. pinakain ko muna bago umalis, ayun nagpasalamat naman sya sa tulong mo. " habang papuntang kusina si mama.

Ahh. Okey.

Naghanda na lang ako papuntang school, sana pumasok si Kristoff.

Nung palabas na ko ng gate,

may nakita akong tao na nakatayo , nakatalikod sya kaya di ko makita kung sino. Nakahood pa.

" Excuse me? " ang sabi ko sa kanya dahil medyo nakaharang sya daan. Umurong lang sya pero di lumingon. Ang weird. Nag abang ako ng Tricycle dahil tinatamad akong maglakad sa init ng araw. Di ko rin magagamit ung kotse dahil lilinisan pa ni mama yun at aalis din sya.

Nakatayo pa rin yung tao dun sa tapat ng pinto ng gate. Di nagalaw at nung tatapikin ko na sana sya mula sa likod, biglang tumakbo.

" naramdaman ba nyang lalapit ako? "

Sinundan ng mata ko ang pagtakbo nya at kung san sya papunta.

May paparating na motor, delikado to.

" HOY! TUMINGIN KA! TABI! " sumigaw ako at napatingin sya. Malapit na yung motor kaya sa kakamadali nyang tumabi, napadapa sya.

"Sakay ka? " tanong ng tricycle driver na napahinto sa harap ko.

" wait lang kuya. " pinuntahan ko muna yung tao. Mukhang nahihirapan sa pagtayo.

tinulungan ko syang tumayo "okey ka lang? " nung paglingon nya habang natayo, bumagsak yung hood nya.
"Vick? " gulat kong sabi ng makita ko ang mukha nya.

makailang beses syang huminga ng malalim sabay takbo paalis. Kasabay ang pag buhos ng ulan.

Bumilis ang tibok ng puso ko, yung hindi ko na naririnig ang tunog sa paligid ko.

Hindi ko alam kung susundan ko sya, matutuwa, magagalit, sisigawan sya at tatanungin o iiyak dahil bumalik yung sobrang sakit.

Ilang linggo lang ang lumipas mula noong iniwan nya ko ng basta-basta.

Bakit sya nandito?

Pinuntahan nya ba ako?

" oy? Sasakay ka pa ba!? " sumakay na lang ako sa tricycle. Biglang lumutang yung isip ko.

" arghh. basa na ko. Ang moody naman nung langit. " sabay napatingin ako sa labas ng tric para tanawin kung makikita ko pa ba sya.

I want you to stay,
never go away from me
Stay forever
But now, now that your gone
All i can do is pray for you
To be here beside me again

Why did you have to leave me,
When you said that love will
conquer all
Why did you have to leave me,
When you said that dreaming
was as good as reality

Ramdam ko nanaman ang pagpatak ng luha ko.

LALAKI KA JOSEPH! WAG KANG UMIYAK! WHAT THE FUCK.

MAGPAKALALAKI KA. MAGPAKATATAG KA.

TAMA NA. IPAKITA MONG KAYA MO.

KASE KAYA MO DIBA?

WAG KANG TALUNAN!

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon