HERSHEYS' POV
Ano ako ngayon?
Dati ako'y hangin na di mo iniintindi,
Dati ako'y hangin na wala kang pakialam,
Dati ako'y hangin sayo laging nakatabi,
Dati ako'y di nakikita at di kailangan,
Ano ako ngayon?
Ngayong lagi mong kinakausap,Ano ako ngayon?
Na masaya sayong harap,Ano ako ngayon?
Kita sa mata mo'y tulad ng liwanag sa gabi ng mga kulisapAno ako ngayon?
Sinasabihan ng iyong mga pangarapAno ako ngayon?
Na dumampi na sakin ang halik at yakapNakakabaliw pero gusto ko na siyang tanungin.
Bakit biglaan niya na lang akong pinapalayo sa kanya?
Wala ako sa sarili pag pasok ko noon sa school, at maya-maya'y tinawag ako ni Diether.
Di ko magawang magsalita ng kahit ano man lang dahil lutang ako at ramdam ko pa rin yung sakit.
" JOSEPH!!! " sigaw ko nang makita ko siya. Sinundan ko siya at sumabay sa pabilis ng pabilis niyang lakad.
" Hersheys... tantanan mo na ko. " ang sabi niya. Mula pa kagabi ay tinadtad na ng message ko ang inbox niya.
" Joseph, Tanungin mo nga ako... " paiyak kong sabi at napatingin siya sakin.
" What am I going to ask you? " maikli niyang tanong.
" Exactly that question! Tanungin mo ko niyan at ang isasagot ko ay.. Okey lang kaya si Hersheys? Kasi pag tinanong mo ko kung okey lang ba ko, ang isasagot ko HINDI. dahil nasasaktan ako. Akala ko may espesyal ng kung ano man yung meron satin, pero wala pala? Wala? Nung hi--- "
Di ko nagawang tapusin ang sinasabi ko dahil tinawag ako ni Diether.
" Sorry. " ang huling sinabi ni Joseph bago siya tuluyang umalis.
Hahabulin ko sana siya pero bigla akong hinatak ni Diether at pinigilan.
" Diether... " pagmamakaawa ko.
" Ano bang nangyayari? " naiinis niyang tanong.
" Bitawan mo na lang ako... " gusto kong lumuhod sa harap niya.
" Tumigil ka nga! Alam mo ba yung itsura mo? Mukhang kang nanlilimos ng atensyon! " nabigla ako nasaktan sa sinabi niya.
Di ko alam ang magiging reaksyon.
Unti-unti niya ring binitawan ang braso ko.
Sa isang iglap ay hinigop ng sinabi ni Diether ang lakas ko.
Ang bawat hakbang ko palayo sa kanya ay hindi kasing bilis ng pag asa kong gusto na rin ako ni Joseph.
Balisa ang tingin sakin ng lahat ng kaklase ko.
Hindi ko rin alam kung ano ba ako.
Pag uwi,
Hinatid pa ako ni Diether kahit ayoko naman talaga.
Kinailangan ko pa tuloy pigilan yung luha kong pumatak sa harap niya.
Pag pasok ko ng bahay,
" Oh? sino yung naghatid sayo? " tanong ni mamu.
" ahh.. kaklase ko po. " sabi ko habang naglalakad papunta sa kwarto.
" Kumain ka na.. " pagyaya ni Papu.
" Maya na lang po pag gutom na ko.. " matamlay kong sagot sabay sarado sa pintuan.
Doon na tumulo ang isang katerbang luhang tinago ko.
Syehsreh: Joseph
Syehsreh: Kausapin mo ko. Usap tayo ng tayong dalawa lang pls
Syehsreh: Wagmo naman akong balwwalain
Syehsreh: Nasasaktan ako ng sobra.
Syehsreh: BAKIT BA HINDI MO NA AKO KINAKAUSAP? MAY NAGAWA BA AKONG MALI?
Syehsreh: Joseph, nababaliw na ko
Joseph: Stop hurting yourself. You dont deserve such thing.
Syehsreh: But how? If you're the reason.
Joseph: nagkaayos na kami ni Victoria
Masyado akong umasa sa mga salitang " masaya ka kasama "
At di ko naintindihan ang malaking pagkakaiba sa salitang " Mahal kita "
Ngayon, magtitiis na lamang na masaktan
Kasalanan ko,
Minahal kita kahit siya pala ang mahal mo...
Durog na durog ang puso ko at parang wala ng makakaayos nito.
Alam ko naman talaga,
Pero bulag ako,
Di ko nakitang ganon ka rin sa ibang kasama mo,Alam ko naman talaga,
Pero bingi ako, di ko narinig na ang tawag mo nga pala sa akin ay 'bes'
Alam ko naman talaga,
Pero pipi ako,
Di ko nagawang magsalita para tanungin kung ano tayoAlam ko naman talaga,
Pero baldado ako,
Di ko nagawang lumaban noong niyakap moUnti-unting nagbabalik lahat ng alaala namin.
Noong bigla niya kong yakapin sa Park dahil sa mga lalaking umaaligid at tila inaabangan ako..
Safe na safe ang pakiramdam ko noon.
Pero mali ako na binigyan yun ng kahulugan.
_________________________________
First Know the story,
Second Understand,
Third Dont Judge,
Fourth Shut up,
Fifth The end of discussion.
BINABASA MO ANG
Light Feather (HAB)
RomanceHighest Ranking: #9 - 08/03/19 "Good boys are boring..." Sinong makapagsasabi na ang pink pupuwede lang sa babae? Who are we to stereotype and limit people from accessing and using things they like because the society label it with gender roles and...