" MAIRAH ANG GALING GALING MO! BEST SUPPORTING ACTRESSS!!! "" Huh? Di nga ako umakting? "
" Oo nga. what meaning me is, you support Hers well. "
" Ha-ha-ha. Okey na ba tawa ko? Tigilan mo rin pag i-english mo. Sakit sa tenga. "
" Grabe ka naman. "
" HOY HERSHEYS FLORES! BAT TULALA KA? " nagising na ang diwa ko sa napakalakas na sigaw na iyon.
" oh? " matamlay at mahina kong sagot.
" may sakit ka ba? " sabay hawak ni Mairah sa leeg ko at noo.
" Walaaa.. " di ko alam kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko, yung tipong di ko na marinig ang ingay sa paligid ko.
Mababaliw na ata ako.
Till now, Nararamdaman at alalang-alala ko pa rin ang nangyare kanina.
" Hers? Congratz!! Yiee! pero bakit nung kissing scene para kang tulalang ewan. Ampanget nung acting mo. sadya ba yun o lutang ka? " pagpuna ni Ate Kisses.
" Ahh.. kase... ano... " wala talagang nalabas sa bibig ko na mga salita.
ngayon ay palinga-linga naman ako sa paligid na hinahanap ang lalaking dahilan ng malakas na pagtibok ng puso ko.
" Hersheys, wag mo pansinin ate mo. Baliw lang yan kasi di crush ng crush nya. " sabi ni Papu at umakbay sakin.
Ngumiti lang ako habang si ate naman ay nagpoker face.
Oo, parehas kami ni Ate na NBSBSB.
No Boyfriend Since Birth Since Bawal.
Kahit may sariling trabaho na si Ate, bawal pa rin, kasi katwiran ni Mamu at Papu, di pa sya handa mag asawa.
Eh magbu-boyfriend lang naman..
Di naman asawa.
Mas lalo namang hindi ako pwede.
Pero nakakulong ako noon kay Dang..
Si Dang na inasahan ko ng sobra,
Si Dang ay hindi na si Diether.
Si Dang ay para kay Iyaking Hers.
Si Dang ay para sa batang si Hers.
At si Diether, ay hindi si Dang.
Kasi si Hers, minahal nya si Dang na iniisip nyang mala-fairytale ang mundo, na pag alis ni Prince charming, babalik ito at handa ka ng Ipaglaban sa lahat ng tao.
Ayun nga yung ginagawa ni Diether.
Pero si Hers kase mahal si Dang eh.
Pero si Hersheys? Si Joseph yung gusto.
kay Joseph sya nababaliw.
Kase aminin man natin sa hindi, once na mabaling sa ibang tao ang atensyon mo at mahanap mo sa kanya yung kailangan mo at gusto mong maramdaman, ay unti-unti mo syang magugustuhan at makakalimutan mo na meron na man pa lang nagmamahal sayo pero para sayo kulang pa.
Paulit-ulit lang yung tanong sa utak ko hanggang sa makauwi ng bahay,
Tulala habang nakain ng hapunan,
Nakatingin lang sa kisame habang nakahiga sa kama at nagmumuni-muni.
Bakit nya nga ba kase ginawa yun?
Ibig sabihin ba nun mahal nya ko?
kase diba pag mahal mo yung isang tao, tsaka mo lang yun gagawin?
Pag nararamdaman mo yung spark, tsaka mo lang mapi-feel na mahal mo.
BINABASA MO ANG
Light Feather (HAB)
RomanceHighest Ranking: #9 - 08/03/19 "Good boys are boring..." Sinong makapagsasabi na ang pink pupuwede lang sa babae? Who are we to stereotype and limit people from accessing and using things they like because the society label it with gender roles and...