Chapter 36: Blessed Sunday

404 14 3
                                    


Matapos kong marinig ang mga kwentong yun ni Diether,

Para kong sinaniban,

Ang hindi naman usually na nagsisimbang ako ay napapuntang simbahan,

May kung ano akong naramdaman na nagtulak sakin na magsimba.

Hapon, lumabas ako ng bahay, naglakad lang papuntang simbahan na Isang sakayan dapat ng trycycle, wala. Trip ko lang.

Hindi kase ganon kainit.

Pumasok na ko ng simbahan pag dating ko dun,

umupo sa bandang gitna para di nakakaantok, at sa malapit sa electric fan para di ako mairita sa siksikan sa upuan.

Medyo marami na ring tao at unti-unti ng napupuno ang simbahan.

Ako, nananahimik lang na lumilingon lingon sa paligid para tignan ang mga nadating na tao.

O kaya ang mga nadaan sa tabi ko.

maya-maya lang,

Nag umpisa na yung misa ,

" Lord, alam ko po may plano kayo sa buhay ko. Hindi ko man po palaging nabibisita itong tahanan nyo kung ituring, ay sa puso ko po lagi po kayong nandon.

Linisin mo ito at sana po ay protektahan nyong masaktan.

Madami na po akong napagdaanan na nalagpasan ko sa tulong nyo.

Matanda na po ako, at may mga taong nadating sa buhay ko na hindi ko sigurado kung anong purpose nila para saken, sana po kung hindi pa nadating ang The One, wag po akong mapaasa sa mga lalaking nakapaligid sakin.

Alam ko po, na napaka pasaway kong anak dahil puyat ako ng puyat kahit sinsabihan na akong wag dahil sa pagmimessage sa crush kong snobber, o kaya pagbabasa ng wattpad.

Pasensya na po kayo kung parang mas may oras pa ko sa pagpifacebook , wattpad, instagram, pakikipaggalaan sa mga kaibigan o panonood ng tv kesa sa pakikipag usap sa inyo.

Marahil, kalabisang hingin ko pa ito pero gusto ko pong makatulong kahit sa ganitong paraan lang sa kaibigan ko, pagalingin nyo po ang kapatid nya. Palakasin nyo po ang katawan ni Aliah.

At sa dadating na play namin ng Romeo at Juliet ay maging maayos ito dahil sa tulong mo sa pagbigay ng lakas ng loob at konsentrasyon sa mga ginagawa namin.

Salamat po sa lahat ng blessings!

In the name of Jesus,

Amen. "

.

.

Matapos yung misa,

di naman ako nagmamadaling umuwi kaya nanatili muna akong nakaupo para di makipagsiksikan sa mga palabas na nagsimba.

" Yes Mama! Nanalo kami sa battle of the bands! Champion! And best vocalist pa ko! " narinig kong boses ng isang babaeng teenager.

Napalingon ako at nakitang umupo ito sa upuang inuupuan ko din pero sa kabilang dulo kasama ang tinatawag nyang mama.

" Lakas ng boses mo. Mahiya ka naman. Nasan na ba Kuya mo? " sabi nung isang babae.

" Ewan. Susunod daw eh. May binili ata. " sagot nung babae.

Nang napansin kong wala ng nagsisiksikang tao palabas, ay tumayo na ko at sabay-sabay na narinig ang..

" AYAN NA SI KUYA! "
" Aray~ "
" Ay palaka! "

Saktong pagliko ko ay may nakabangga akong naglalakad.

wow. tigas ng muscles oh.

Napaangat ang ulo ko para tignan ito..

O.O

Joseph?!!

Tas gulat akong napalingon sa dalawang babae na nawiweirduhan sa reaksyon ko,

Si Kia ?! At yung Mama ni Joseph!?

O namamalikmata lang ako?

" pssst.. umalis ka na. Umuwi ka na nga. " pagtawag nya sa atensyon ko.

" ah..ah.. okey.. " sabay walk out naman ako.

Kakahiya. Ang sarap nya sanang awayin kaso nasa simbahan kami, tapos nandun pa yung soon in laws ko. Char.

Aasa pa ba ko?

-________-

" Ingat ka. " di pa ko nakakalayo ay narinig ko yun.

Napangiti naman ang Ate mong girl. Haba ng hair for a minute.

" ATE! CELLPHONE MO OH! " napalingon ako pabalik.

" SHHHHH! Kia ang ingay mo nasa simbahan tayo! " pagsaway ng mama nila.

Si Joseph naman ay nakita kong kinuha ang nakalimutan kong cellphone na nakalagay sa harap ng upuan na yun.

Naglakad kami papalapit sa isat-isa,

shemss.

Kinakabahan ako.

Kinikilig ako.

Nababaliw na ko.

Bat ako nilalamig?

Hala, naggu-goosebumps ako?

Rinig na rinig ko yung lakas ng tibok ng puso ko.

Napatigil kami nung ten inches na lang ang layo namin sa isat isa. Oo nasukat ng mata ko. Haha.

" Bago ko ibigay toh, sabihin mo munang.. " masyado akong kinakabahan. Shems. "...Magpapakabait na ako Joseph at di na kita kukulitin at kahit ang iba pa, magbabago na ko. "

Nagulat ako sa sinabi nyang gagawin ko.

" s-seryoso ka? "

" Yes. " tas bigla syang ngumiti. Mamamatay ako sa kilig at sakit.

" Mag--magpapaka-kab-- " nag aalangan kong pagsisimula. " -bait-na ko jos-seph at di na kita kuk-kulitin at kahit ang iba pa, mag-ba-bago na k-ko. " naiinis ako sa sarili kong sinabi ko yun.

" G-good. " tas ngumiti ulit sya awkwardly.

" Cellphone ko please? " binigay nya na yung phone ko at walang ibang sinabi akong tumalikod na.

" Wait! " narinig kong pagtakbo nya papunta sakin. " God knows you have better things to come. Better world. Just be the simple and happy you. Its worth yourself. You deserve that. Bye."

Mahihimatay na talaga ko?

Ang haba ng sinabi nya bes!

english!

Nosebleed ako!

nag i echo sa utak ko yung mga sinabi nya.

Nakakawindang.

Kilig ako shems. Na shems.

.
.
.
.
.
.

----------
writtened by CrazyKiddo20
Thanks for the time!
enjoy! Kamsarang~
Sorry for the grammatical errors.
Tao lang.
Salamat sa votes!
#XIUMINAsawaKo<3

Happy Happy Happy New Year!
I believe God has the purpose to let me share my thoughts by this beautiful way of craft. I hope your learning something from this story.

Thank you for all the support specially to my friends! Tin and Ver!

Thank you for the previous year of happiness and blessings!

Keep moving forward with God in youre Hearts!

Kamsarangggggg~

...

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon