Hindi naman nag online ulet si Diether.Ayun, di na rin ako umsang dadating sya.
Katulad ng inaasahan,
Hindi nanaman sya pumasok.
" Flores? " biglang tawag saken ng adviser namin sa kalagitnaan ng pagdi-daydream ko kay Mario Maurer.
" Po? " gulat kong sagot.
" anong nangyayare kay Romualdo? Bakit lagi syang absent? " tanong saken nimaam na seryosong nakatingin kasama angmga salamin nya sa mata
" hindi ko po alam maam eh "
" HA?! " nagulat ako sa gulat nya ding ekspresyon. ".. hindi ba kayo na? Tapos wala kang alam kung nasan sya? "
nagsitinginan ang mga kaklase ko sakin.
" Maam, hindi po. Magkaibigan lang kami non. " ang sagot ko.
" tama yun maam. " pag sang ayon ni Mairah.
" Alam nyo naman ang patakaran sa school diba? Pag umaabsent, dapat may excuse letter. Nasan na yung sa kanya? Wala? Well.. Pangalawa nya na tong absent. Pag bukas umabsent sya at wala pa ring letter, Sorry, pero sa guidance na sya pumasok. " ang sabi ni maam.
Nag nod na lang ako, kunwari okey.
Pero hindi.
Bakit ba kase yun absent? Di kase nagsasabi eh. Parang baliw.
" and... " pahabol ni maam. " .. yung R at J, less than 1 week na lang. Makakapunta kaya sya? Eh kung palitan na lang kaya naten habang maaga p-- "
" MAAM WAG! " napasigaw ako.
" Oha? Siguro nga kayo na nun, ayaw mo lang talaga aminin. " kulet talaga nito ni maam eh. Ang cute-cute nya. Sarap kurutin sa pisngeee.
" Hindi nga po maam. Wag nyo pong palitan si Diether, sa kanya lang ako kumportable--- "
" makipag-kissing scene? " biglang singit nitong si Leah. Badtrip naman. Papansin talaga.
tumahimik ang lahat at ung iba ay natatawa.
" Hindi yun. I mean, his the most gentle man in this room. " hala? Nag english ako? Tama ba? Tama ba? Grammar ko tama ba?
" May practice kayo ngayon diba? Pano kayo makakapagpractice? Wala si Diether. Main role pa naman. " saktong pagsabi non ni Maam ay dumating si Ateng Jonathan.
" Good afternoon madam~ whats the matter? " pagtataka nya sa naabutan nyang pag uusap.
" si Romualdo wala. " sagot ni maam.
" Oh? Is that so? How sad~ Wala nanaman si Kyotiee Pie. " napailing si maam. " Edi palitan na lang.. " nanlaki ang mata ko at biglang tumawa si Ateng. "... sa practice lang! grabe ka naman hersheys. HAHA. "
Aytssss.
" hehehe " tumawa naman akong pilit.
" ayun! Ayun! " biglang sigaw ni Ateng. At laki ng ngiti. " Sya yung papalit! " nagtututuro si Ateng sa kabilang row.
Nagulat naman si Kristoff, " Ako po? " hala! Baket sya. No! Wag! malaki galit nyan saken. Waaaaaaagggggg~
Napalunok na lang ako dahil hindi ako pwedeng magreklamo.
" Hindeee. Yung nasa likod mo.. " agad na lumingon si Kristoff sa nasa likod nya at ayun ay si..
Si ..
Si...
Si.....
Si...
Si Jon...
BINABASA MO ANG
Light Feather (HAB)
RomanceHighest Ranking: #9 - 08/03/19 "Good boys are boring..." Sinong makapagsasabi na ang pink pupuwede lang sa babae? Who are we to stereotype and limit people from accessing and using things they like because the society label it with gender roles and...