Chapter 65: El-kyu

697 17 0
                                    


Nagising ako na may nakahanda ng pagkain sa kabilang kama at naka-label na 'Good morning! Breakfast is ready. "

Syempre, siya lang ang gagawa nito.

Gutom na din ako kaya dali-dali akong naghilamo at nilantakan ang pagkain. Pano ba naman kase di ako nakakain ng maayos kagabi dahil kasabay ko siya, sobra sa pag-e-emote si ako kaya ayun, kunwari walang gana kumain.

Kabaliwan ko.

" Teka? Nasan pala yun? " ang sabi ko sa sarili ko.

Ngayon, hahanap-hanapin mo Hersheys?

Matapos kong kumain, hindi pa rin nabalik si Joseph.

Nasan na ba yun?

Bumaba ako at tinanong ang attendant.

" Ay, di ko po sure maam, pero feeling ko naggagala lang yun sa tabi ng dagat or sa pool area. " ang sagot nito sakin.

Okey, Hersheys, pag nakita mo siya, magsorry ka sa pagiging O.A mo.

Kausapin mo siya ng mahinahon para balik kayo sa dating pagtatawanan. Okey? Gets mo?

Wow. Ang ganda ng sunrise!

Tinutukso ako ng mga pagkain, di maaari 'to.

Pikit ka lang Hers, hanapin ang dapat kausapin.

" Wow again. Nice. " sarcastic na pagkakasabi ko. Yung hinahanap ko nakikipag-lambutsingan sa mga babaeng umagang-umaga naka-bikini!

ha-ha-ha. Sige magtawanan kayong lahat ng magkakasama!

Teka, bakit ba ko nagsasayang ng oras dito? Eh, may mas karapat-dapat akong hanapin.

Nag-walk out ako kahit alam ko namang di ako nakita ni Joseph na nand'on.

" Maam? San po punta niyo? " tanong ng attendant sakin dahil may dala akong bag at nakabihis sa muli kong pagbaba mula sa kwarto.

" Ah, itutuloy ko na paghahanap ko. " ngumiti ako sa kanya.

" Okey maam. Have a safe trip. " paalam niya.

" Nandyan na ba yung Manager niyo? Pwede na ba siyang makausap? "

                     *         *        *

Di man ako marunong mag-drive, atleast marunong ako mag-commute.

On the way to Nasugbu, Batangas!

" Alam niyo ba kung san itong baryong ito? " tanong ko sa driver ng jeep.

" Maraming baryo dito ineng. Mahihirapan ka kung di mo alam ang saktong destinasyon. Mas maganda kung alam mo san ka bababa at kung sino pupuntahan mo dahil makakarating ka pag gay-on sa paroroonan mo. " paliwanang ni Manong.

" Eh, kilala niyo po ba itong si Mr and Mrs Sernehe? " tanong ko nanamang muli. Ayun kasi ang binigay saking pangalan ng Manager.

" Nako ineng! Nagkalat ang ganyang mga apelyido dito! " sabi niya. Grabe naman magkalat ng lahi.

" Eh may kilala po ba kayong bagong kasal lang? Nung nakaraang taon lang din? " tanong ko ulit.

" Ahh.. aalalahanin ko. " Diyos ko. Maalala niya sana.

" ayun! Mayr'on! Kaso tatawid ka pa ng sapa bago makarating sa bahay non. Malakas ang agos ng tubig do'n ngayon, taglamig pa naman. Kung ako sayo, magsasama ako ng tutulong makarating. " payo niya sakin. Naalala ko tuloy si Joseph. Busy nga pala siya. Ayokong istorbohin.

" kayo ho! Pwede niyo ba kong samahan? " pagmamakaawa ko.

" Madami akong ginagawa ineng. " pagtanggi niya. Di ko din maiwasang di mag alala para sa sarili ko. Baka maligaw ako dito! Tapos kainin ako ng mga manananggal!! No way! Ayoko!
" Pero, ituturo ko na lang sayo ang daan. " dugtong niya. At nasiyahan naman ako kahit papaano.

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon