Chapter 13: Investigation

635 20 0
                                    

Napag alaman naming yung sulat ay tungkol sa pakikipaghiwalay ng girlfriend ni Sid sa kanya.

Pumunta si Sid sa bahay ng gf nya at ito lang ang nadatnan kaya dito nya ring maling naisipan na tapusin ang buhay nya.

bakit nga ba may mga taong nagagawa yun?

Ng dahil lang sa ' PAG - IBIG '

Sa Burol ni Sid,

nandun yung mga teachers namin mapangayon or previous years.
Pati classmates namin.

Napuno ng lungkot ang lahat. Nandun yung mama at papa nya. Sobrang nanghihinayang sila kay Sid dahil mabait sya at responsableng anak. Yun nga lang, bulag sa pag-ibig. Nasobrahan sa pagmamahal.

" Malungkot noh? " tanong saken nitong si Hersheys habang umuupo sa tabi kong upuan. Napatingin lang ako at bumalik ulit ung atensyon sa kawalan. " Love kills people, while people love. "

kinunotan ko lang sya ng noo dahil hindi ko maintindihan yung sinasabi nya. " Di ko pa nararanasan yang magkajowa, pero alam kong masaket naman talaga. Pero , hindi naman natin kailangang sayangin ang ilang taong pamumuhay sa mundo ng dahil lang sa isang tao? "

" Teka nga, close ba tayo? Bat mo ba saken sinasabi yan? " tanong ko sa kanya at nanlaki yung mata nya na marealize kung bakit nga ba nya ako kinakausap.

Tumayo na lang sya bigla. At pumwesto sa likuran. Nilingon ko lahat ng tao. Nahagip ng mata ko ang pag alalay ni Diether kay Hersheys.
Bago pa lang silang magkakilala ah? Why so close? Nangangailangan ba talaga ng kalinga tong babaeng toh?

" Si Eunice. " nabigla akong may nagsalita mula sa likod ko at yun ay si Jon. " .. its her fault. " matalim ang mag tingin nya sa kung saan.

" Si-si-sin-sino si Eu-eu-eun-eunice?" Pautal-utal kong tanong dahil sa mga tingin nya.

" Shes an idiot girl! How can she left someone just like this? " nakabuo ang kanang kamay nya at parang gustong-gustong manapak at gigil na gigil ang mukha. Nanlilisik yung mata sa galit. By that, naintindihan kong Eunice ang pangalan ng girlfriend ni Sid.

" Stay calm jon. Everything will be fine. " i tapped his back at naramdaman ko ang panginginig ng katawan nya na parang gusto ng sumabog at pinipigilan nya lang.

" Everything will be fine?! Sa tingin mo magiging okey pa kung wala na sya? Patay na si Sid, mabubuhay mo pa ba sya? " tanong nya saken at nakatitig yung malulungkot nyang mata.

" I know. But, everything happens for a reason naman diba? " huminga sya ng malalim ng paulit-ulit. Hinayaan ko na lang sya.

Malaki talaga ang epekto ng pagkawala ni Sid sa maraming tao.
Sino ba si Eunice? Bakit nya iniwan si Sid? Anong dahilan nya? Kulang ba yung pagmamahal ni Sid sa kanya?

Nakakatawang ganyan din yung mga tanong para kay Vick.

Hindi ko sya makalimutan. Sa lahat na lang ng bagay sya naaalala ko. Limang taon yun. Tinapos lang sa sa sulat? Parehas ng pagtagpos ng girlfriend ni sid.

Wala na bang natitirang matinong babae sa mundo?

[A/N; ANDITO AKO JOSEEEEPHHHH HAHAHAHAHA. KAPAL KO AHAHA]

Kung meron, bakit di ko pa sya nakikilala?

Kelan sya dadating?

Naniniwala talaga akong si Vick yun eh. Sya talaga.

Pero, anong dahilan nya sa pag-iwan sakin?

PAUWI,

" alis na po ako sir. " paalam ko sa proff namin. Same with Jon and Peter.
Nasan si Kristoff? Ngayon ko lang narealize na wala pala sya.

" Go ahead and Take care. " he smiled at umalis na rin ako.

Paglabas ko ng pinto ay saktong bumuhos yung malakas na ulan na parang sumasabay sa lungkot namin ang langit. Sa itim ng mga ulap at malalakas na pagpatak nitong mga tubig mula sa ulan galing sa kanila.
Natulala ako sa di malamang dahilan.

May humawak saken mula sa likod at hinatak ako. Di ko na nararamdaman ang pagpatak ng ulan sa katawan ko.

" Baliw ka ba ah? Maliligo ka sa ulan?!" Boses ng babaeng parang nag aalala sa akin at nung nilingon ko ang una kong nakita ay yung lalaking nasa likuran nyang nakatingin saken.

" Bitawan mo nga ako. " inalis ko ang pagkakahawak ng kamay nya sa braso ko at nagpakita ako ng naiinis na mukha.

" Oy pare! Concern lang sya. Bakit ganyan ka pa mag react? Dapat nga magpasalamat ka! " pagtatanggol nya sa babaeng toh.

" Oh edi wag, kung ayaw mo! Pakabasa ka dyan ah! " naiiritang sabi ng babaeng toh saken. Para syang maiiyak na ewan.

" Hersheys!! " sigaw ni Diether nung nagwalk out si Hersheys at di na sya nilingon. Bago nya pa sundan yun, tinitigan nya muna ako ng masama at umiling-iling.

Wala akong pakialam sa kanila.

Kaya ko umuwi ng basa. Kaya ko. Dahil mas masaklap pa ang pag iwan saken ni Vick kaysa sa pagkabasa ko sa ulan. Wala ng mas sasakit pa dun.

KIA CALLING...

Arghhh. Nagloloko phone ko dahil nabasa ng ulan!! Kainis!

Di ko masagot yung tawag! Di nagpafunction yung screen!

-_-

" KUNG AYAW MO NG TULONG KO, TANGGAPIN MO TONG PAYONG. "

Boses na nanggaling sa likod. Bumalik pa rin sya. Yung mukha naiinis na nag aalala.

" Para san pa? Eh kanina pa ko basa?"

" Tsk! EWAN KO SAYOOOOOOO!! " Tumalikod sya at bago pa sya tuluyang makaalis dahil sa inis saken hinatak ko sya paharap. Nagulat sya.

" Thank you. :) " kinuha ko yung payong sa kamay nya at iniwan syang tulalang nakatayo dahil ata sa gulat.

on my way, pinagtitinginanan ako ng tao dahil basa na nga ako nagpapayong pa ko. Useless.

Ginusto kong maglakad kesa sumakay, yung utak ko lutang, gusto ko munang mapag-isa.

" Bebe ko, Wag ka ngang malikot. Mauulanan ka. " sabi ng lalaki dun sa babae na nagsishare ng iisang payong na nakasalubong ko. Badtrip.

Ang sarap ibato nitong payong na hawak ko sa dalawang yun.

Di pa man din nakakalayo ang mga yun saken ay meron pang sumunod. Pag tag ulan naglalabasan mga couples ganun? =_=

Ayoko makakita ng couples, naaalala ko si Vick. Kung gano kami kasaya na bigla na lang nawala,

Kung gano kami kasweet , na ngayon isa na lang bang alaala?

Hirap lang tanggapin.

Breaking up with either a bad or good closure doesnt mean how easy the way it is to move on.

Hindi ko kaya.

Hindi ko talaga kaya.

" Vick? " bigla kong nasambit nung may nakita akong babae sa Mcdo na may kasamang lalaki. Pinupunasan pa ng lalaki ang labi nya.

I tried to go near para malaman kung sya nga talaga. Pero biglang nag one way at di ako makatawid.

arghh.

Nililipad pa ng hangin yung payong na hawak ko.

Hanggang sa tinangay na lang yung payong papalayo sa akin,

Yung tipong , gustuhin ko mang habulin, wala na kong magawa dahil kusa na syang umalis,

Yung kahit ipaglaban mo , di na talaga kaya. Kase ikaw na lang yung hinihintay nyang sumuko.

Well, basa na rin naman ako, wala ring silbi.

Kahit magreklamo ako, tapos na..

-----------------
writtened by CrazyKiddo20
Thanks for the time!
enjoy! Kamsarang~
Sorry for the grammatical errors.
Tao lang.
Salamat sa votes!

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon