Chapter 21: Eunice

559 17 0
                                    

KRISTOFF's POV

Apat lang kaming nagdadamayan sa bawat problemang dumating. Nandyan kami para sa isa't-isa at wala akong paki alam kung gano kayaman, kapopular o kaimpluwensya ang makabangga ko, basta ang importante ay walang naaapi sa amin.

Masaya naman kami kahit palagi kaming nag aaway dahil sa iba't-ibang interes. Sila lang yung pamilya ko.

Imagine, from highschool hanggang ngayon, magkakasama kami. Pare-parehas ng course at hindi nag iiwanan.

Yung totoo, ako yung di alam kung saan patungo sa buhay, pinasok ko ang course na toh dahil lang nandito sila. Kung san sila, oh sige, dun na rin ako.

Si Jon, mahilig sa photography.

Si Peter at Sid lang ang may gusto sa course na toh.

" ano ka ba Jon, pare-parehas na lang tayo ng course para masaya. " ang pag aaya ko sa kanya.

" Parehas naman tayo ng school, pwede bang sa Mascom na lang ako? " pagtatanong ni Jon.

" Kristoff, okey na yun, yan yung gusto nya. Suportahan na lang natin. " sabi sakin ni Sid.

" Sige. Pero baka naman kalimutan mo na kami pagkatapos ng lahat. "

" pwede ko bang gawin yun? Eh pamilya nga tayo diba? Wag na kayong magdrama! " ang sabi nya samin.

Pero nung enrollment at magtitake kami ng entrance exam, he came late.

And when we ask the reason,

his dad dont let him to study in Philippines, pero pinagpilitan nya.

And he decided na magtake ng same course cause he know, na bilang na lang ang panahon na stay nya sa Pilipinas at gusto nya, kasama nya kami.

At ngayon, ito na kami.

Pero, isipin mo naman,

Nasira ang lahat ng tatag ng friendship na yun dahil sa isang babae?

Seryoso si Sid sa lahat ng babaeng nagugustuhan nya.

And then this person came to her life, named Eunice.

[ Kim Soo Eun as Eunice ]

Pinakilala sya samin ni Sid matapos ang ilang buwan nyang madalas na pagkikwento.

Simula ng naging sila,

Hindi na sya sumasama sa laro namin. Iniiwasan nya ng sumama dahil minsan, napapaaway kami dahil nagkakapikunan sa laro.

Hindi na kami ang dahilan ng pagiging late nya.

Hindi na kami ang kasama nya bago sya umuwi galing school.

Hindi na kami yung pinagkukwentuhan nya ng problema nya.

Si Eunice na.

Hindi na kami yung tulad ng dati.

Kami pa rin toh, Pero Hindi na sya yun.

Bakit kaya ganon noh? Magkalove life lang parang kalimutan na? Yung tipong, Oo, nag uusap, pero hawak cellphone, kasi katext at chat yung girlfriend. Kasama, pero yung isip lumilipad sa iba.

Hindi kami nagreklamo.

masaya siya, at masaya kami para sa kanya.

Pero isang araw,

" Pre, ang ganda nung babae dun sa food court! Puntahan natin! " ang bilis ng mata ni Peter sa mga babae.

Pumunta kami sa Mall para maggala. Niyaya namin si Sid noon, pero di sya pumayag kasi busy daw sya.

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon