Chapter 56: Feeling C

361 9 0
                                    

Syehsreh: D, sorry if di ako nagpaalam at umalis na lang ako bigla.

Diether: alam ko namang di mo na mapigilan sarili mo na mainlove sakin kaya ok lng. I understand na may limit ka. Kasi baka mabaliw ka na sakin.

Syehsreh: PAG NAKITA KITA, BABATUKAN KITA NG MALAKAS!

Diether: ok lng

Diether: dyan kanaman magaling e, ang SAKTAN ako.

Hindi na ako nagreply pa.

Diether: oha? Seener si iyakin.

Pag nag-reply ako, hahaba nanaman yung diskusyon at walang sawang pang-aasar ng lalaking 'to.

Pag pasok sa school kinabukasan,

Syehsreh: san ka? Bakit di ka parang wala prisensya mo sa mundong ibabaw?

Diether: namiss mo ko? :')

Syehsreh: Ha-ha-ha

Diether: mascom building. Just listening to music alone.

Syehsreh: samahan kita?

Diether: kasama ko si Sephia

Syehsreh: kung ayaw mo kong kausap sabihin mo lang hindi. Isang salita lang yun, dami mo pang sinasabi.

Syehsreh: enjoy each other's company

Argh! Wala nanaman akong kasama.

MAIRAH •

Syehsreh: mairah, yohoo?

Syehsreh: missing you a lot, balik na you plssssss

Syehsreh: busy?

bat di sya nagrereply? :O

" HOY HERYANG!! ANONG MUKHA YAN! " sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko.

Pag lingon ko,

Si Diether at nakasunod si Sephia.

" Natutuwang face 'to. " sarcasm ko.

" Ay ganyan na pala new happy face? Oh. Amazing HAHA " nakakabwisit, nakikitawa rin 'tong si Sephia.

" Not funny. " nagwalk-out ako.

Sana wag niya kong sundan!

Sana walang pumigil sa paglakad ko ng mabilis!

Sana walang epal!

Ughhhhhhh!

bakit di niya ko sinundan?

oh?

Bakit di niya ko pinigilan? Titigil naman ako e!

Bakit walang epal!? Grrrr.

Nag eenjoy talaga sya sa Nerd na yun!

May pa- " mahal kita hers " pang nalalaman, nanglalandi naman ng ibang babae!

Teka nga!

I dont care pala!

Wala talaga akong paki alam! Sobra!

" Hersheys... " ay salamat at ang hinihintay kong may humawak sa braso ko.

Napanigiti ako ng patago pero nakasimangit na lumingon,

Pero hindi si Diether yung humawak sakin kundi si Joseph,

Ni-hindi ko alam ang magiging ekspresyon.

Hindi ako nagsalita dahil muli kong naramdaman yung sakit.

Yung sakit na pumapatay sa lahat ng tangang umiibig.

Yung sakit na parang cancer na nandoon na ako sa pinaka-malalang stage.

Yung sakit na kahit anong ipainom mo sakin, parang wala ng lunas na hihilom sa sugat na iniwan nito sa loob ko.

Ayokong titigan siya gaya ng ginagawa niya ngayon sakin,

Kaya nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa braso ko.

Mabilis na patuloy na naglakad at pumunta sa room namin.

Ano bang ginagawa niya sakin? Bakit ako nagkakaganto para sa kanya?

" ehemm~ " kunwaring pag-ubo ni Diether nang madatnan niya akong wala sa sarili.

Di ko naman siya pinansin noon.

" Sige ka, pag di mo ko kinausap at sinabi yang problema mo... F.O na tayo! Gusto mo yun? "

Hindi pa rin ako sumagot.

Naiinis ako sa kanya.

" Hers... wag naman tayo ganto oh? " nagmamakaawa niyang boses.

Ayokong magsalita.

" Sorry. Sorry kung ano mang ginawa ko. Ano bang nagawa ko? "

" Di mo alam? " tinaasan ko siya ng isang kilay at seryosong tumingin sa kanya. Mata sa mata na hindi niya kinaya at napa-iling.

" I dont. Sorry. " malungkot niyang sagot.

" How can't you know? Like being so alone then with someone. Wow. Just wow Mr. Romualdo. " Umiral ang pagka-brat ko.

" huh? Kelan? " nagtataka ba talaga siya? O nagtatakip butas?!

" Talk to me if you already know the answer by yourself. " atsaka ako napatayo sa upuan ko tsaka naglakad-lakad sa corridor.

20 minutes pa naman before class hours.

'Nagkaayos na kami ni Victoria " ~Joseph
'Kasama ko si Sephia'
~Diether

WOW HOOOO!! YES! HOOO!

Napa- face palm ako sa kagagahan ko.

Ano yan Hersheys?

Ano yang nararamdaman mo?!

Nababaliw ka na bang babae ka?

Ano? Ikaw yung magsasabuhay ng kantang 'SANA DALAWA ANG PUSO KO' ? Nahihibang ka na.

Ugh! Nakaka-bwisit!

Sana wala na lang akong puso!

Bakit nasasaktan ako parehas dahil sa dalawang lalaki?

Bakit parang nagseselos ako?

Bakit ganto?!

ToT

Im Feeling Confused.

______________________________

Let time seek for the answer.

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon