Chapter 59: Stampede

405 14 0
                                    


" Anong nangyayari?! " gulat kong tanong.

Nagtatakbuhan ang karamihan ng estudyante papunta sa labas ng gate.

Sumakto pang uwian ng mga pang-umaga at pasukan ng panghapon kaya madami ang mga taong nakikiosyoso sa malalakas na sigawan at pagkalabog.

Naghihiyawan ang madami.

" S-sila Kristoff! May mga lalaking umabang sa kanila! May away dun! " hinihingal na sagot ng isa sa mga kaklase namin.

Diyos ko, wag naman sanang...

Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Pinipigilan ko ang sarili ko, pero napatakbo pa rin ako labas para tignan ang nangyayari.

Sobrang dami ng tao.

Nagtutulakan, naghihiyawan.

" padaan po.. excuse me.. "

Idagdag pa ang mga taong napadaan sa kalsada sa tapat ng school at mga nakatirang home owners malapit doon.

Maya-maya'y maririnig ang 'wang-wang' ng mga tanod. Na lalong nakagulo dahil natataranta ang mga tao.

" JOSEPH!!! " napalingon ako agad sa kung saan ko yun naririnig.

May babaeng sumigaw noon at kitang-kita sa ekspresyon niya na nag-aalala.

Naitulak ko na ang mga taong nasa paligid ko. At ganon din sila sa akin. Wala akong paki-alam kung minumura na nila ako o matandaan nila ang mukha ko at isumbong sa guidance.

Hanggang sa makarating ako sa bandang gitna,

At napatingin sa mga inaawat na nag-aaway.

" BITAWAN NYO NGA AKO!! " galit na sabi ng lalaking nakatitig ng malilisik ang mata kay Kristoff na hawak din ng mga tanod.

" Tigilan mo na kami! Nananahimik na kami sa buhay namin! " sigaw ni Peter.

" Tama na yan, dalhin 'tong mga 'to sa barangay! at itong mga naka-uniporme, dalhin sa guidance! " sabi ng Chairman.

Kumilos namang agad ang mga tanod.

Hinanap ng mga mata ko si Joseph,

At nakita siyang nakahandusay sa kalsada. Hindi napansin ng mga tanod dahil sa dami ng tao at nasa gilid siya.

Tumakbo ang mga paa ko papunta sa kanya.

" J-joseph! Joseph! Gising! Joseph! " sigaw ng sigaw ang bibig ko.

Lahat ng parte ng katawan ko ay bigla na lang gumagana ng hindi naaayon sa sinasabi ng utak ko.

Para silang may sariling buhay.

" Tulungan niyo ko!!! " pagkasigaw ko noon ay may nagmalasakit naman at pinasok namin sa clinic si Joseph.

Nang nasa clinic na kami, ay chineck si Joseph at ginamot ang galos niya sa braso, siko at noo.

Nakakaawang tignan ang kalagayan niya.

At ngayon tinatanong ng utak ko ang puso ko,

Anong ginagawa ko dito?

Bakit ako nandito?

Bakit alalang-alala pa rin ako sa kanya?

Saktong palabas ako ng pinto ng clinic ay ang pagdating ni Kia at ng Mama nila na alalang-alala din at hindi na ako napansin.

Sumulyap ng isa pang beses ang mga mata ko at tuluyan na nga akong naglakad papalayo.

Dumiretso na ako sa room, kung saan almost 40 minutes late na ko dahil sa pag asikaso kay Joseph.

Light Feather (HAB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon