Tricia's POV
*Splash*
"Wahhhhhh kuya naman bakit ka nangbabasa dyan huh ." sigaw ko
Napabangon tuloy ako ng wala sa oras .
"Namiss ko lang ang gisingin ka ng ganito eh tsaka anung oras na aba may pasok pa tayo ." sabi nya
Tama kayo ng dinig buhay si Kuya .Actually halos 1 month na din ang nakalipas simula nung nabaril si Kuya .Halos 4 days siyang tulog nun haha .Buti nga daw hindi masyado napuruhan ang paa ni Kuya dahil kung napuruhan yun baka di sya nakakatayo ngayon .
"Hoy ! Tulala ka na naman dyan .Nga pala yung manliligaw mo nasa baba iniintay ka ." Sabi ni Kuya tsaka sya lumabas ng kwarto ko .
Hay nambubulabog na naman si Charles .
*Ligo ligo *
*Bihis bihis*Pagkatapos kong mag ayos eh bumaba na ako .Bakit parang ang ingay .
"Good Morning Be !" sigaw nila C.A at Ysa.
Napatakip ako ng tenga tssk kaya naman pala maingay eh gawa nila.
"Tara na .Ang tagal mong magayos kanina pa kami nag aantay dito " biglang higit ni Abby sakin .
"Teka nga sino ba may sabing pumunta kayo ng maaga dito at mambulabog ." sabi ko
"Dami pang arte tssk ikaw na nga sinusundo ikaw pa galit" sabi nya
"Ayyy nako ang aga aga nag babangayan agad kayong dalawa .Daig nyo pa aso' t pusa !" biglang sigaw ni Lyn
Hay salamat binitawan din ako ni Abby .Ang sakit ng pagkakahigit nya sakin .
Biglang may umakbay sakin at pagtingin ko bumugad sakin si Charles na naka pout .
"Anyare sa mukha mo ." sabi ko
"Kasi imbis na masolo kita papuntang school eh sumama pa tong mga ----"
"Eh kung sapukin kaya kita dyan Charlie ha .May pa solo solo ka pang nalalaman " biglang sulpot na naman ni Abby .
"Tsssk panira ka talagang babae ka .Tsaka Charles ang pangalan ko hindi Charlie tssk " sabi ni Charles
" Lovebirds " rinig kong sabi ni Kuya kayla Mich at Kie .
Aba nandito din pala tong dalawang to .
Lumigon lingon ako parang kulang .
"Aba lintek ng kinatagal nyo .Kanina pa kami nag aantay dito sa labas .Baka malate na tayo " sabay na sabi ni Kyle at Kevin .
Kaya pala wala sila sa loob eh naandito pala sa labas .
"Eh kung umuuna na kayo .Hindi yung ang dami nyong sinasabi " sabi ni C.A.
"Ano mag babangayan na lang ba kayo dyan ha . " sabi Rence.
"Eto na nga sasakay na . Ang init ng ulo mo Dude daig mo pa ang babaeng may buwanang dalaw tssk " sabi ni kuya
Nag sisakayan na sila .Sila C.A., Kyle at Ysa ay mag kakasama sa kotse ni Kevin . Sila Kuya , Abby ay dun nakasakay sa kotse ni Rence .Magkasama naman yung love birds (Mich at Kie). Syempre ako nakasakay sa kotse ni Charles.
Ngayon ulit kami papasok lahat.Parang first day ulit eh no .Ayos na kaming lahat napatawad na din nila si Abby .Si Bevs ayun nakakulong hindi ko talaga maisip na nagawa nya yun .
*After 30 minutes *
"Nandito na sila !" rinig kong sigaw ng isang estudyante pagkadating namin.
BINABASA MO ANG
Campus Bad Boys And Bad Girls (CBBABG)
RomanceTitle :Campus Bad Boys and Bad Girls Genre: Teen fic , mystery , action,humor BOOK COVER CREDIT : @caendylites- Two bad groups collide. What relationship could they build? Love ? Friendship? or War and Trouble They kill someone, they hurt p...