Chapter 46

127 7 10
                                    

Tricia's POV
Dali dali akong naligo at nag bihis.  Im just wearing maroon off shoulder dress.

Pag baba ko , nakita ko na agad si Charles na nakaupo at nag hihintay sakin.  Napansin ko ding may dala syang sunflower.  My favorite flower.

"Psssst"  tawag ko kay Charles agad naman syang napatayo at tumingin sakin habang nakangiti.  Ang gwapo talaga ng crush ko. Kaya madami ding nag kakagusto dito. He's just wearing a short na hanggang tuhod then simple white v-neck at nakasapatos.  Naka maroon shorts din sya. Napatawa naman ako.

"Mang gagaya to " sabi ko habang napapatawa.

"Away mo nun couple tayo " sabi nya ng nakangiti.

Kinilig naman ako.

"You're blushing " nakangiti nyang sabi.

Naiinis naman ako sa sarili ko . Di marunong magpigil at itago ang gantong bagay.

"Blush on yun  (tumalikod na ko sa kanya at akmang lalakad na) tara na Charles. Gutom na ko " sabi ko na lang

Habang palabas kami sa bahay bigla syang pumunta sa unahan ko at binigay ang tatlong piraso ng sunflower.

"Thank you" sabi ko

Sumakay na kami sa kotse nya.

*Mall*

Nasa mall na kami at dahil nga gutom na gutom ako sabi ko kumain muna kami.  Ayoko ng sa mga mahal na restaurant. Gusto ko mag McDo ngayon.

"Libre ko " sabi ni Charles

Tumawa na lang ako.  Mamumulubi ka sakin ngayon.

Charles' POV

Nandito na kami sa McDo. Grabe si Trish nga pala kasama ko ngayon at ang dami nya lang namang inorder. Umorder lang naman sya ng spaghetti with spicy chicken,  tas 2 extra rice, mushroom pepper steak wirh large fries and large pineapple juice, at red velvet float. Grabe tong babaeng to samantalang ako chicken with orange juice, at sundae lang order ko.

"Kaya mo bang ubusin yan?" Tanong ko

"Oo naman gutom talaga ako. " sabi nya habang nilalantakan yung chicken. Napatawa na lang ako. Lagi naman syang gutom eh. Wala ng bago dun.

Napansin kong nag titinginan samin yung mga nakain din. Grabe naman kasi sa ganyang katawant hindi mo maiisip na malakas sya kumain .

Tapos na ko kumain at pinanonood ko na lang sya kumain .

"Gusto mo ba?" Alok nya sakin

"Ayoko kulang pa nga ata yan sayo."  Natatawa kong sagot sa kanya

"Buti alam mo " natatswa nyang sabi

"Ang cute mo " sabi ko na lang .

Nakita ko na naman syang nag blush. 

*after 1 hour*

Natapos din syang kumain.  Nanood na lang kami ng sine. 

Tricia's POV

Nandito kami ngayon sa sinehan.  Nanonood kami ng How's of Us. Grabe lang ang galing umarte ng dalawang bida . Si George yung babae at si Primo naman yung kapartner nya.  Di ko alam true name nila pero nakakarinig naman ako ng mga balita sa kanila.  And sobrang ganda lang ng pag arte nila . The way they portray their characters , it feels like totoong totoo yung every scene. 

*after few hours*

Palabas na kami ng sinehan dahil tapos na naman yung pinanood namin. When someone caught my eyes. Si Rence kasama si C.A. .

"Trish ok ka lang?" Sabi ni Charles

"Hmm yah ok lang." Sabi ko

Pero parang ang sakit dito sa bandang dibdib ko. Ang sakit lang . Ewan ko kung bakit pero nung makita ko sila biglang nag iba mood ko. Ni hindi ko maialis ang tingin ko sa kanila. Nag haharutan sila,  nag tatawanan, ang sweet lang. Ano bang nang yayari sakin.  Masakit sobra parang sumisikip at kumikirot dibdib ko.  Hindi ko maintindihan.

Charles' POV

Napatingin ako kay Tricia para syang maiiyak. Namumutla sya, napatingin tuloy ako sa tinitignan nya .

"Uy Rence at C.A. !" tawag ko sa kanilang dalawa

Napalingon naman sila at napatingin sa dereksyon namin.

"Uy Charles,  kayo ha may date din kayo ni Trish. "  nang aasar na sabi ni C.A. habang papalapit samin. 

Tricia's POV

Habang papalapit sila mas lalong sumisikip dibdib ko. Naiiyak ako, ramdam kong nasasaktan ako sa di malamant dahilan. Napatingin ako sa kamay nila. Holding hands pa. Tama na! Ano ba kasi to?. Bat ganto nararamdaman ko?. Naramdaman ko na lang na nakaakbay sakin si Charles.

"Bakit di ka pumasok kanina Trish?" Tanong ni C.A.

"Masama lant pakiramdam ko C.A. " nakita ko namang napatingin sakin si Rence. I can see na nag aalala sya. No! Bat naman sya mag aalala diba? Natutuwa pa nga siguro yan dahil mag girlfriend na sya.

"Ah by the way guys uuna na kami ni Trish. Kanina pa kasi kami dito. Gusto nya na din mag pahinga . " sabi ni Charles

"Let's  go. " bulong sakin ni Charles at hinawakan ang kamay ko.

"Uuwi na tayo?"  Tanong ko habang nag lalakad kami palayo kayla Rence. Gusto kong higitin si Rence. Ewan ko ba geez di ko na alam gagawin ko.

"Hmm yeah tsaka mukhang masama nga pakiramdam mo. Ihahatid na kita. " nakangiting sabi ni Charles.

*Parking Lot*

Nakasakay na kami sa kotse ni Charles. Wala lutang na naman ako. Naramdaman ko na lang na siniseat belt-an ako ni Charles ng biglang may pumreno dahilan ng pag kagulat naming dalawa at dahil dun naout of balance sakin si Charles. Nakadampi ang labi nya sa labi ko.

*1 second*
*2 seconds*
*3 seconds*

*4 , 5 seconds*

Na nasa ganung sitwasyong kami ng maramdaman kong he's already kissing me. I didn't response. Nagulat na naman ako but nag flashback ang scene kanina.  Yung magkasama si Rence at C.A. . Hindi ko alam pero biglang nagresponse ako kay Charles. And what the he*k si Charles tong ka kiss ko but mukha ni Rence nakikita ko. Pagtapos ng ilang minuto lumayo na si Charles then he kiss me on my forehead saying "I love you"

Ang sweet na senaryo pero si Rence pa din naiisip ko.

A/N:

So what's up guys. Salamat ng maraming marami sa pag aantay ng UD ko. Salamat sa support.  Last na nag UD ako sabi ko hindi ko na sya ipag papatuloy diba? Pero ayun dahil sa mga patuloy na sumusuporta at nag aantay ng Update ng storyang to itutuloy ko sya. Pipilitin kong mag UD. This month na ang start na pagiging active ko ulit sa wattpad at dahil dun mapapadalas ang UD ko (i hope soooo ) pero gagawin ko lahat para makapag UD.  Siguro kung di man araw araw atleast once or twice a week.  Basta matapos ko to kasi ang dami ng ideas na napasok sa utak ko. Ayun di agad ako nag UD kasi nag basa ulit ako ng mga stories para bumalik man lang ako. Para sa more inspirations diba and nakatulong naman na nag basa ulit ako ng mga stories kasi unti unti madaming ideas na napasok sa utak ko. Ayun guys intay lang matatapos ko din to. May draft na ko ng story nung iba.  Basta tatapusin ko muna to.  More twist sa story na to 💗.

Spread the love ♥♡
GOD BLESS US ALL!  ♡
-Simplytrish24

Campus Bad Boys And Bad Girls (CBBABG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon