Charles POV
Papunta na kami sa lumang building .Kasama ko si Abby sa kotse .Kanina pa sya parang kinakabahan .
"Hey Relax lang .Maililigtas natin sila Tricia ." sabi ko
Nginitian ko sya .
"Sana nga " malungkot na sabi nya .
Ilang minuto na walang nag sasalita sa byahe .
"Alam mo Charles sobra kong pinag sisisihan yung nagawa ko dati kay Tricia ." sabi nya habang nakatingin sa bintana ng kotse.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pag dadrive .
"Sobrang sakit lang sa isang bata katulad ko noon na hindi na aappreciate ng parents mo yung mga efforts mo .Ginagawa ko lahat para maging proud sila sakin pero lagi na lang si Tricia ang magaling at napapansin nila.Sa sobrang inis ko dati hindi ko namamalayan na nilalamon na ko ng insecurities ko ." Dag dag nya pa .
Nakinig lang ako sa kanya .Dati galit ako sa kanya pero ngayon unti unti ko syang naiintindihan .
"Matapos malaman ng parents ko yung nagawa ko kay Tricia bigla nila akong iniwan .Tanging mga katulong lang namin ang kasama ko sa bahay .Nag bibigay naman sila ng sustento buwan buwan pero hindi sapat ang sustento lang sa isang bata .Naiinggit ako dati kasi kapag may mga activity at meeting sa school laging sila Yaya lang kasama ko .Kahit kailan hindi ko naramdaman kayla mama at papa na proud sila sakin .Mas lalo silang nagalit sakin , to the point na halos itakwil na nila ako ." sabi nya
Pag harap ko sa kanya nakita ko syang naiyak .Hininto ko ang kotse ko at niyakap sya .
"Shhhh maayos din ang lahat .Tutulungan ka namin nila Tricia para mag kaayos kayo ng parents nyo ." sabi ko
Akala ko sobrang tapang nya pero hindi pala .Nakakatawa isipin pero parehas sila ni Tricia .Parehas na parehas ang ugali nila .
"Thank you " bulong nya sakin .
Napangiti naman ako .
"Tara na " sabi nya.
Nag drive na ulit ako .
Timothy's POV
Nandito na kaming lahat sa tapat ng sinasabing building ni Mystic Angel .
Miya mya may lumabas na mga lalaking nakaitim .
"Kanina pa kayo hinahanap ni Madam " sabi nung isang lalaki .
Sinuntok ko sya .
"Ang dami mo pang satsat nasaan ang hinayupak na Amo mo ha !" sigaw ko
Dapat manunutok din sya pero pinigilan sya ng mga kasama nya .
"Pumasok na lang kayo ." sabi nung isa pa nyang kasama .
Pag pasok namin sa building agad na tumambad samin ang 4 na babaeng basang basa at puro sugat ang mukha .
"Putang *na anong ginawa nyo sa kapatid ko .Lumabas ka dyan Mystic Angel." sigaw ko
Biglang may nag salita .
"Hintayin nating magising ang mga prinsesa bago natin simulan ang palabas ." salita ng isang babae .
Lumingon lingon kami para makita kung sino ang nag sasalita pero hindi namin sya nakita .
*After 30 minutes *
Tricia's POV
Ouch ang sakit ng ulo ko .Unti unti kong iminulat ang mata ko at nakita ko si Kuya .Nakita ko din sila C.A na puro pasa at sugat ang mukha .
"Ku--- Kuya " hinanghina kong sabi .
BINABASA MO ANG
Campus Bad Boys And Bad Girls (CBBABG)
RomanceTitle :Campus Bad Boys and Bad Girls Genre: Teen fic , mystery , action,humor BOOK COVER CREDIT : @caendylites- Two bad groups collide. What relationship could they build? Love ? Friendship? or War and Trouble They kill someone, they hurt p...