Tricia's POV
Kanina pa ako tulala dito sa kwarto ko .Iniisip ko kasi yung sinabi ni kuya .
*Flashback*
" Sige iiyak mo lang yan ." sabi ni kuya Timothy
Ilang minuto akong niyakap ni Kuya hanggang sa kumalma ako . .Wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko .Pagod na mata ko kakaiyak , pagod na din ako .
"Anung nangyari ?" Halata ko sa boses ni kuya na nagaalala sya .
Kinwento ko lahat sa kanya ang mga nangyari kanina .
"Pakinggan mo muna sila Trish ."-yan ang unang nasabi ni kuya
"Pe--- pero kuya---"
"Tama si Ysa , di sila pupunta ni Rence dito kung di mahalaga yung sasabihin nila tsaka napaisip ako bakit naman ni Rence isasama dito si Abby ng walang dahilan di ba .Wala akong kinakampihan sa inyo pero baka kasi mimiya magsisi ka dahil di mo sila pinakinggan man lang ." sabi ni kuya .
*end of flashback*
Tama siguro sila Ysa at Kuya pero natatakot ako sa mga pwedeng mangyari .Natatakot ako kasi sya si Abby .Si Abby na may gawa kaya muntikan akong mamatay ,sya din ang dahilan kaya ako ganto ngayon .Kaya ako bad girl dahil gawa nya .Di ko na alam gagawin ko .
Napahiga na lang ako sa kama ko .
"Hay ! Ayoko na !" Sigaw ko
Sa sobrang kapaguran ko ay napapikit na lang ako .
3RD PERSON'S POV
Walang ibang nararamdaman ngayon si Tricia kundi ang takot sa maaring mangyari .Takot na baka maulit ulit ang dati , takot na traydorin na naman sya , takot na magtiwala ulit .Yan ang mahirap sa dalaga lagi syang takot , lagi syang nag ooverthink , lagi nyang pinangungunahan ang lahat .
Hindi nya maintindihan ang sarili nya kung bakit sya laging takot .Siguro dahil parin sa nangyari sa kanila ni Abby .
"Ahhhh !! " sigaw ng dalaga .Sobra na syang naguguluhan sa mga nangyayari.
Rence POV
Hindi talaga ako makapaniwala na sya si Mystic Angel . Sigurado akong hindi makikinig o maniniwala samin si Tricia kaya ako ang gagawa ng paraan para maniwala sya samin .
TRICIA'S POV
Sana bukas pagising ko ayos na ang lahat i mean sana malinaw na sakin ang lahat .Halos 2 weeks pa lang kami sa school pero ang dami na agad nangyayari .Sana panaginip lang lahat to . Sana panaginip lahat pero mukhang hindi at kahit sabihin o pangarapin ko na panaginip lang to alam ko na eto ang totoo .
-Kinabukasan -
Tricia's POV
Nagising ako dahil naramdaman kong may natutulog sa tabi ko . What The !!? Bakit nandito si Rence .
A-- anong ginagawa nya dito ?
Naramdaman siguro ni Rence na gising na ko kaya nagising sya .
"Good morning " sabi nya habng kinukusot ang mata .
BINABASA MO ANG
Campus Bad Boys And Bad Girls (CBBABG)
RomansTitle :Campus Bad Boys and Bad Girls Genre: Teen fic , mystery , action,humor BOOK COVER CREDIT : @caendylites- Two bad groups collide. What relationship could they build? Love ? Friendship? or War and Trouble They kill someone, they hurt p...