CBBABG 24 (❤❤)

245 15 1
                                    

Tricia's POV

Nakauwi na ako dito sa bahay at di ko alam sasabihin ko kay Rence..

"Ahm Rence sge payag na ako na ---"

aish ang panget naman ...

"Uy tabatchoy sige na nga payag ---"

ay panget din anu ba yan tsk. Ako na nga ang nangaway ako pa mananabi ng tabatchoy....

aish napabagsak tuloy ako sa kama . di ko alam sasabihin ko ..

"Wahhh !!!!!!!" sigaw ko di ko alam gagawin ko putcha

"Anu bang sasabihin ko !" sigaw ko ulit

*TOK TOK *

"Tricia Bakit ka ba sumisiigaw ka may problema ba!?" pasigaw na tanong ni Kuya

"Hey papasok ako ha " bakas ang pagka alala sa boses ni Kuya .

"Sige kuya " pagkasabi ko nun pumasok na sya ..

Nagulat ako nung niyakap nya ako . Naiiyak ako ...

"Ku--" di ko na natapos kasi biglang nagsalita si Kuya

"Shh please just hug me and cry if you want to cry . Wag mong sarilinin problema mo .Alam ko ang nangyari tinawagan ako ni Mich . Sige lang nandito lang ang Kuya mo ." sabi nya

Nagaalala si Kuya . Ang swerte ko sa Kuya ko kahit na medyo may pagka bully sya haha . Naramdaman kong may tubig na pumatak sa balikat ko teka naiyak si Kuya . Minsan lang to umiyak.

"Kuya di ko alam sasabihin kay Rence . Masyado akong naging unfair. Tama sya bakit ba ayaw ko magtiwala sa kanya samantalang si Charles pinagkatiwalaan ko ." sabi ko.

"Sabihin mo lang ang laman ng puso mo . I mean di mo naman kailangan sauluhin sasabihin mo eh basta sabihin mo lang ng galing sa puso mo . Anu naman kung baduy yung masabi mo ? Mamamatay ka ba pag baduy yun diba hindi . Tsaka maybe tama nga si Rence . Alam mo walang masama sa pagtitiwala eh dapat lang pumili ka ng taong alam mo na mapagkakatiwalaan mo tsaka pag di kaba nagtiwala sa iba eh mababalik ba yung nangyari sayo di ba hindi . Basta kung anung maging desisyon mo susuportahan kita ha ." sabi ni Kuya

Tama si Kuya , at tama din si Rence .

"Thanks kuya " sabi ko

"Sige na puntahan mo na si Rence sa kwarto nya . Alam mo bang uminum yan dito sa mini bar natin sa bahay at gusto pa ngang pumunta talaga sa totoong bar eh pero di naman sya lasing eh sige na ." Sabi nya at bumitaw sakin . Umiyak talaga sya halata sa mata nya pero di nya lang pinapakita samin .

"THANKS KUYA !! sige puntahan ko muna sya " sabi ko

Tapos lumabas na kami sa kwarto at ako ay papunta sa kwarto ni Rence . Wahh kinakabahan ako . Nakainom pa sya ha anu ba yan wag na lang kaya . Nandito na ako sa tapat ng kwarto ni Rence . Wag na lang ah pabalik na sana ako pero nagulat ako dahil nakasalubong ko si Rence na papasok sa kwarto nya na may dalang malaking tubig .

"Bakit ka nandito ?" tanung ni Rence na walang pinapakitang kahit anung emosyon.

"Ah Eh anu kasi eh napa-- ahm ---" di ko natapos ang sasabihin ko dahil hinigit nya ako papasok sa kwarto nya.

Isinandal nya ako sa pader at ang dalawa nyang kamay ay nasa gilid ko . Hay anu ba yan kinakabahan ako .

"Anung ginagawa mo dito Tricia ?!" mahina pero may halong parang galit at lungkot sa pagsasalita nya .
Sinu nga bang di magagalit diba hay nakakatakot syang tignan ibang iba yung Rence na nasa harapan ko ngayon di katulad nung Rence na kasama ko sa Park kanina . Ganun ba kalaki ng ginawa ko hay syempre nga naman naging unfair ako.

Campus Bad Boys And Bad Girls (CBBABG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon