Chapter 2: Flashback

138 14 1
                                    

Ashlyn's POV

***

".....Are you ready now that the past moved to the present?"

Napaisip ako. Handa na nga ba akong harapin siya ulit? Handa na ba akong bumitaw sa nakaraan?

"Don't worry, I got your back" pahabol naman ni Elaine.

"Kaya ko toh...kakayanin ko toh" paalala ko sa kanya.

"Tara na sa Quad, baka hinahanap na nila tayo" ~ Elaine

Pagdating namin sa quadrangle, bumungad agad sa amin si Cheska.

"Saan kayo pumunta? At Ashlyn! Anong bang meron sa inyo ni Ethan?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi mo alam?!" nagtatakang tanong ni Brittney sa kanya.

"Hindi eh, kaya nga ako nagtanong diba?" pilosopong sagot ni Cheska sa kanya.

"Three years ago na yun. Mula ng huling monthsary at bago siya umalis, hindi mo na kailangang malaman" singit ko naman.

Flashback....

Three years ago...

***

Special ang araw na toh. Ito ang pangatlong buwan mula nong sagutin ko siya.

Akala ko magsisisi ako sa desisyon ko pero hindi eh. Bata na kung bata pero ganun na eh.

Papunta kami ngayon sa Star Academy, kasama ko sila Maxine at Elaine. Ewan ko ba! Sabado na sabado aayain nila ako sa school.

"Himala pinayagan ka Maxine" aniya ni Elaine.

"I just made up excuses.." paliwanag naman ni Maxine.

"Ano namang ginawa mong palusot?" tanong ko kay Maxine.

"Edi dating gawi, project!" sagot niya.

Expert talaga siya sa palusot kaya ako naman, learned from the best. Nakasanayan na namin ang gumala simula nung mag-grade 4 kami. Kaya nakasanayan na rin namin ang magpalusot.

Pagdating namin sa Star Academy, dumeretsyo kami sa volleyball court. Laging may bola doon kaya naglaro muna kami.

Mag-isa ko laban sa kanilang dalawa. Asan ang patas dun?!

2-5 na ang score, 2 ako 5 sila. Grabe ang sakit na ng kamay ko pero dahil enjoy, tuloy ang laro.

Ganda ng teamwork nila ako naman solo play. Pag-spike ni Maxine, ulo ko ang natamaan.

Nakaramdam ako ng hilo, hindi rin kasi ako nag-umagahan. Bigla nalang akong nawalan ng malay.

Pagkagising ko, nandun parin kami sa court at andun na yung tatlong ugok. Si Raven, si Jhasper, at si Ethan.

"Ok ka lang?" bungad sa'kin ni Raven.

Hindi ako makasagot. Sobra akong nanghina. Yung para bang umiikot ang mga nakikita ko.

"Hindi ka nanaman nag-breakfast noh" sermon sa'kin ni Ethan, boyfriend ko.

"Kilala mo naman si Ash eh, ano pa bang bago?" singit ni Jhasper.

"Can everybody stop? Nahimatay na nga yung tao magbibiruan pa kayo. And for the record, don't call her 'Ash' dahil hindi siya abo" cold na sabi ni Ethan.

"Ayiee! Concerned much!" kilig na sabi ni Elaine.

"Ethan it's ok, 'Ash' is fine. They're my friends, they're our friends, they can call me whatever they like" depensa ko sa kanya.

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon