Chapter 10: Swimming

45 11 0
                                    

Ashlyn's POV

***

Gigising na sana ako nang biglang...

"Kuya Ethan picturan mo nalang si ate Ashlyn, baka matunaw siya niyan", sabi ni Vanessa. Picturan? Bakit naman?

"Oo nga kuya", at sumang-ayon naman si Kate. Is he staring at me?

"Pagpasensyahan mo na, bata eh", singit ko sa kanila. Halata sa mukha ni Ethan na nagulat siya. Kahit ako nga rin nagulat sa sinabi ko eh.

Nagkatinginan sila Vanessa at Kate at tyaka tumawa. Nakisabay narin kami ni Ethan, maya maya lang...

"Wow, nagkakatuwaan kayo di man lang kayo nag-aya", bungad ni Raven at nakihalubilo sa dalawang bata.

"Looks like you're having fun", sabi naman ni Elaine.

"Ate Elaine! Ate Ashlyn's melting", parinig ni Kate.

So far, hindi na ako naaapektohan sa mga ganitong sitwasyon. Siguro nakatulong na'rin yung unti unting paglimot ko sa nakaraan. I'm nearly forgetting the past.

"Makatitig kasi yung isa wagas", sang-ayon naman ni Jhasper.

"Sabi kasi kuya eh picturan mo nalang, ayaw mo naman!", dagdag naman ni Vanessa.

"Ewan ko sa inyo!", sigaw ni Ethan at nagdabog pababa.

"Guys bihis lang ako, maghanda na rin kayo", sabi ko naman sa kanila at pumunta na sa kwarto.

Paglabas ko, wow, prepared talaga sila. Si Kate pinahiraman nalang ni Vanessa ng damit.

"Hindi naman halatang hindi kayo prepared noh?", sarkastiko kong sabi.

"At hindi rin naman halata na ang tagal mo magbihis", sumbat naman ni Jhasper. Aba! Grabe siya ah!

"Guys! Can you quit it? Kating kati na ako, gusto ko na mag-swimming!", reklamo naman ni Raven.

"Okay, tara na?", aya ko sa kanila. At agad naman silang pumunta sa may pool area.

Kaming magkakabarkada, hindi katulad ng iba kung mag-hang-out. Kung yung ibang girls ay two piece, kami sleeve less and shorts. Sa boys naman, nag-agree sila na mag t-shirt at swim shorts (kahit gusto nilang mag top less).

"C'mon. Don't tell me hindi niyo alam lumangoy! Nakaka-turn-of kaya!", asar ko sa kanila. Ayaw nilang pumunta sa pool eh.

"Hoy hindi ah!", halatang naasar si Jhasper kaya nag-dive nalang siya sa pool.

"Well, parang siya lang ang deserve ng puri ah", asar din ni Elaine kaya nag-dive na din si Ethan.

"Seriously?! Raven?! Hindi mo talaga alam!", gulat na tanong ni Brittney at tumango nalang si Raven.

"Can somebody teach me then?", tanong ni Raven.

"Ashlyn turuan mo na", suggest ni Elaine.

"You're the swimming MVP right? Go on!", pagsakay naman ni Brittney sa trip nila.

"Raven the little kid! Haha!", joke naman ni Cheska.

"Fine!", sabay naming sigaw ni Raven.

Pumunta ako sa side ni Raven at can you believe it? Magpapabantay pa talaga siya hanggang makapunta siya sa pool! OA much!

"Uy! Wag kang OA! 5 feet palang diyan! Dito tol! 7!", asar ni Jhasper sa kanya. Halos lahat sila nagtatawanan pwera lang kay Ethan. Busy siguro sa practice sa paa niya. Hehe, joke lang.

I started to teach Raven how to swim. Parang parent lang na tinuturuan ang anak kung pa'no lumangoy. Good thing he's a fast learner.

"Thanks Ashlyn", sabi niya sa akin nung umahon na kami and he gave me a hug.

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon