Chapter 29: Surprise

23 7 7
                                    


Third Person's POV

***

It's almost lunch time, lumabas na din si Zayne ng campus nila. Meanwhile, nakahanda na sila Ayessa para sa surprise nila pero wala pa rin sila Ashlyn.

"Happy birthday to me...", sabi ni Zayne sa kanyang sarili habang naglalakad. Walking distance lang kasi and school nila sa apartment niya. Hindi niya masyadong ramdam na kaarawan niya ngayon. Wala din naman daw silang klase mamayang hapon kaya naisip niyang umuwi nalang. Kahit mga kaibigan niya parang walang nakaalala na kaarawan niya ngayon.

Pagpasok niya sa apartment niya, nagulat siya nang makitang nakaayos ito. Kaninang iniwan niya kasi ang apartment niya, magulo ito. Lalo siyang nagtaka nang may mga silya sa labas. Pagpunta niya sa likod...

"Surprise!!!", nagsilabasan ang mga kaibigan niya at siyempre, mga kamag-anak niya.

"Happy birthday dude!", bati ng isa niyang kaklase at tinapik siya sa balikat.

"Tanda mo na!", asar naman ng isa at nagtawanan lang sila. Pumunta si Zayne sa pwesto ng mga magulang niya.

"Happy birthday anak...", bati sa kanya ni Ayessa at ganun din si Collin.

"Si Ashlyn po?", tanong ni Zayne.

"Ah...may binili lang saglit", sabi naman ni Ayessa. Nakihalubilo muna si Zayne sa mga ka-barkada niya. Sila Ayessa naman, pumunta sa mga ka-batch niya noon. Nakita niya ang kumare niya na kadadating lang galing ibang bansa.

"Uy! Kumusta na? Ang tagal mong di nakauwi ah!" ~ Ayessa

"Oo nga eh, mga mag-14 years na din", sabi naman nung babae. Bigla namang dumating sila Ashlyn at Nathan. Lahat napatingin sa kanila pero bumalik din sa kanya kanya nilang ginagawa, pati si Ethan. Nagpaalam si Ethan kila Jhasper na may kukunin lang pero gusto lang talaga niyang umalis dun. Si Zayne naman, lumapit kila Ayessa at ganun din sila Ashlyn.

"O, sa'n kayo galing?", tanong ni Zayne.

"May pinuntahan lang kuya. Happy birthday nga pala", sabi ni Ashlyn.

"Happy birthday nga po pala", bati naman ni Nathan. Kahit hiwalay na sila ni ate Lanny, nginitian pa rin niya si Nathan.

"Thank you. Para sa'n yan?", tanong ni Zayne sabay turo sa sa box na hawak nila.

"Ah, pinapabigay po ni ate Lanny yan. Peace offering raw po. Ako na rin po nag-bake", sagot ni Nathan. Pinilit ngumiti ni Zayne kahit sa nasasakatan ang kalooban niya.

"Don't worry kuya, masarap yan. Promise", sabi naman ni Ashlyn. Napangiti naman si Zayne at inabot yung cake.

"Ba't dalawa?", tanong nito.

"Yung isa kasi kuya, si Nathan ang nag-bake. Yung isa naman, dalawa kami", paliwanag si Ashlyn.

"'Yan na ba si Ashton at Ashlyn? Grabe, anlaki niyo na ah...", biglang tanong ng kumare nu Ayessa. Siguro hindi rin alam ng babae yung nangyari sa tagal niyang wala dito sa Pilipinas.

"Ashton?", tanong ni Ashlyn. Nagkatinginan sila Zayne at Ayessa saglit.

"Ah...kain muna tayo?", aya ni Ayessa sa kaibigan. Si Ashlyn naman, nagtataka pa rin sa narinig.

"Kuya, sino yung Ashton?", tanong ni Ashlyn sa kapatid.

"Ah...wala yun. Gutom na ba kayo? Kain muna kayo", palusot naman ni Zayne. Nagkatinginan saglit sila Ashlyn at Nathan bago sumunod.

***

Ashlyn's POV

***

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon