Chapter 27: Deserving

26 6 1
                                    


Ashlyn's POV

***

Finally! After 100 years.....char lang. After 1 hour and several minutes, tapos na din kami mag-bake. Linagay na namin yung cake sa isang box bago linagay sa ref. Yung mga cupcakes naman, yung iba linagay din namin sa box tapos yung iba pang-midnight snack daw nila.

"Ang sarap ng cupcakes Nathan. You're really a good baker", puri ni Brittney sa kanya.

"Thanks for the compliment...", sagot naman ni Nathan.

"Anong compliment ka diyan? Totoo kaya! Hindi lahat ng tao kayang gumawa ng perfect na cupcake", sabi ko naman. Totoo naman kasi, napakasarap ng cupcakes na ginawa niya. Nakita ko siyang ngumiti. Ang gwapo niya talaga!

"O, ang sarap ng kain niyo ah. Pwede bang makahingi?", biglang dating nila papa at mama kasama ni Nessa.

"Sige po sir", sagot naman ni Nathan. Ano daw? Sir? Kumuha nalang ako ng juice. Busy akong kumakain eh!

"Ano ka ba ijo, tito nalang. Kaibigan ka naman ng anak ko eh...", ngumiti ng nakakaloko si papa bago ituloy yung sinasabi niya..."O baka naman, nanliligaw ka sa kanya?", nasamid ako bigla. Masyado naman kasi silang straight to the point eh.

"Pa! Hanggang dito ba naman? Diba nasabi ko na sa inyo?", sabi ko nalang. Napatawa naman si Nessa at si mama.

"Hay nako ate. Bago ka kumontra, bigyan mo naman ako ng cupcakes!", sabi ni Nessa. Tumawa naman kaming lahat.

"Anong gusto mong flavor?", tanong ni Nathan kay Nessa.

"Mmm...chocolate po!", sabi naman ni Nessa. Kumuha naman si Nathan ng cupcakes sa mesa at binigay 'to kay Nessa.

"O ayan, mag-toothbrush ka pagkatapos ha?", sabi ni Nathan. Bigla naman yinakap ni Nessa si Nathan.

"Opo. Thank you po!", pasalamat ni Nessa sa kanya bago kumalas.

"Gusto niyo rin po ba?", tanong ni Nathan kila mama.

"Meron pa ba? Baka kasi naubos na ni Jhasper lahat eh", sabi ni mama at nagpanggap naman si Jhasper na kunwari nabulunan.

"Grabe ka naman sa'kin tita. Baka nga mas-hot pa'ko kay Raven eh", sabi ni Jhasper. Ngayon, si Cheska naman ang nabulunan.

"Wala bang kokontra sa inyo?", tanong ni Cheska.

"Wag ka na kasing kumontra Cheska", sabi naman ni Jhasper. Umirap lang si Cheska at kumain ulit. 'Di nila napansin na kumuha si Nathan ng cupcakes at binagay niya kila mama.

"Sigurado ka bang masarap 'to?", tanong ni papa.

"Tito, sooobrang sarap po. Promise", sabi naman ni Brittney. Sabay naman na tinikman ni mama at papa yung cupcakes. Halata ko kay Nathan na kinakabahan siya sa magiging comment nila mama.

"Wow, this is really good", komento ni mama.

"They're right. Magdadala ka ba bukas?", sabi naman ni papa. Tumango lang si Nathan.

"Asan nga pala si Elaine at Ethan?", tanong ni papa. Wala namang umimik.

"They're busy po tito", palusot nalang ni Raven at tumango naman si papa.

"Kuya, kung manliligaw ka kay ate, pasado ka na sa'kin!", sabi naman ni Nessa.

"O, anong sabi ni kuya Nathan kanina? Diba mag-toothbrush?", sabi naman ni Nathan kay Nessa.

"Ano ka ba? Wag mong kausapin ng ganyan yan. Hindi na yan bata!", suway ko sa kanya. Binelatan lang ako ni Nessa bago umalis. Sumunod naman sila mama.

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon