Chapter 7: Friends Again?

71 11 0
                                    

Ashlyn's POV

***

Ang sarap isipin na for once I became independent, for once I have proven myself, for once I stood on my own for myself.

Umalis si Elaine dahil may klase sila. Ako naman, bumalik sa rooftop. Ang hilig ko sa rooftop noh? Kulang nalang gawin kong private tong lugar na toh.

Wala na sila, si Ethan nalang ang andito. Tahimik lang kami hanggang sa magsalita si Ethan.

"We're proud of you, nakaya mo si Debby", paano niya nalaman yon? Nakita din ba niya?

"Pa'no mo nalaman?", hindi siya sumagot at linabas niya ang phone. Nakuhanan ng video yung scene kanina.

"Elaine sent that to me. Hindi ko alam kung pati kila Brittney"

"Well? Is that all you can say?", cold at mahina kong tanong. Naghihintay ako ng sorry niya. Sorry sa pagmamaliit sa'kin at sa ginawa niya dati.

"What else do you want me to say?", tanong niya. Seriously? Nothing? Bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Sorry! That's all I ever wanted from you. That's all I wanted to hear! You act as if nothing happened! As if you forgot. As if it was long gone", napaiyak na ako at napasigaw. Pero ba't ganon? Bakit parang wala siyang alam?

Nag-walk out ako at pumunta sa room. Pinunasan ko nalang ang mga luha ko para hindi sila makahalata. Pagpasok ko sa room...

"Ash, ba't di mo kasama si Ethan?", tanong ni Jhiellian.

"Kung gusto mo siya then go! Hanapin mo!", napasigaw nanaman ako at napaiyak.

"Sorry", yan nalang ang nasabi ko sa kanya. Dumeretsyo ako sa upuan ko at duon na nagmukmok.

"Nag-away kayo ni Jhiellian?", si Jayne pala.

"Nabigla lang ako kanina"

"Well, sa tingin ko mas nabigla siya...tignan mo"

Pagtingin ko sa direksyon ni Jhiellian, umiiyak din siya. Wrong move pala yung kanina. Linapitan ko siya upang mag-sorry.

"Huy, Jill, sorry kanina ah. Nagkasagutan lang kami kanina"

"Ok lang...basta ayusin niyo yan. You're both my friends. Sana bumalik kayo sa dati"

Nginitian ko lang siya at yinakap. Kahit ibang tao pala naaapektohan na.

Bumalik muna ako sa upuan ko upang magpalamig ng ulo, sinundan naman ako ni Eigenx.

"Ano? Okay ka na?", tanong niya.

"I'm not sure...", mahina kong sagot.

"Now that's really weird", anong ibig niyang sabihin?

"What is?"

"You're becoming honest na eh. Hindi mo na tinatago yung mga nararamdaman mo. Dati kasi puro ka denial. I'm thankful kasi confident ka nang sabihin yung nararamdaman mo"

"Ewan ko sa'yo!", sa sinabi kong yun, napatawa nalang siya.

***

Lunch time na...finally. Gutom na ako eh.

"Ash! Dito!", rinig kong sigaw ni Cheska. Kahit kailan talaga si Cheska, parang bata. Dumeretsyo ako sa table nila para maki-upo.

"Ashlyn? Bakit parang may sugat ka sa gilid ng noo mo?", tanong ni Cheska. Nakuha ko siguro 'to sa sabunot ni Debby kanina, maypagkahaba din kasi ang kuko niya eh.

"Ano lang toh, sa room,aksidente lang", palusot ko sa kanya.

"Mag-ingat ka nga! Ikaw naman Ethan, bantayan mo naman siya ok?" ~ Cheska

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon