Chapter 11: Truth or Dare

44 9 0
                                    

Ashlyn's POV

***

"Ahh! Sh*t. Aray!", t*ng* ko naman! Medyo malaki din yung sugat. Akala ko yung sponge yung pinagsasabon ko, kamay ko na pala.

"Ash! Yan ka nanaman eh!", sermon sa'kin ni Ethan.

"O ngayon ano mas masakit? Stupid? O kamay mo?", dagdag pa niya.

"Wag ka nang magbiro! Ang sakit kaya!", nasaktan na nga magbibiro pa!

"Asan ba first aid kit niyo?", tanong niya.

"Cabinet, second shelf", sagot ko. Nung nakuha na niya, una niyang linabas ang alcohol.

"Woah, masakit yan. Pwede pass muna sa alcohol?", tanong ko sa kanya.

"Hugasan mo muna ng tubig yan", utos niya. No choice ako eh, papa niya doctor, mas alam niya. Pagkatapos kong hugasan yung kamay ko, dumating si ate Tess.

"Anong nangyari?!", nag-aalalang tanong niya.

"Naghuhugas po kasi siya ng kutsilyo tapos nasugat po siya. Pero okay lang po, ako nalang gagamot", paliwanag ni Ethan.

"O sige, ako nalang magtatapos dun", sagot ni Ate Tess at pumunta na sa kusina. Kami naman pumunta na kami sa may sala malapit sa pool. Linagyan niya ng alcohol yung cotton. Bingi ba siya?

"Bingi ka ba? Ayoko sabi sa alcohol eh!", sigaw ko sa .

"Gusto mo ma-infect?", seryoso niyang tanong.

"Sige na nga", no choice ako eh. Pagdikit ng cotton...

"Aray!...", ang hirap pala pigilan yung sakit.

"Okay, sorry sorry", sabi ni Ethan at pinuyutan yung sugat ko. This feeling is weird. Everything was slowing down. Bakas din sa mukha ni Ethan na nag-aalala siya. For short, mukha lang ni Ethan ang nakikita ko.

"Okay na?", tanong niya pa. Tumango lang ako at linagyan na niya ng betadine yung sugat ko tapos linagyan ng tatlong band aid.

"What's going on here?", tanong ni Brittney.

"Ashlyn anong nangyari sa'yo?", tanong din ni mama na kabababa lang.

"Careless lang kaya nasugat", paliwanag ko naman.

"But she's okay now", dagdag naman ni Ethan.

"Thank you Ethan", pasalamat ni mama kay Ethan at kinindatan pa ako ni mama. Si mama talaga oh.

"Hero of the day!", asar naman ni Jhasper sa kanya at nagtawanan naman sila. Anong nakakatawa dun?

"Tara na ulit sa labas, truth or dare!", aya ni Elaine kaya lumabas na din kami.

"Okay guys, first spin", umpisa ni Cheska at pinaikot ang bote sa gitna. Nakaturo iyon kay Elaine.

"Truth or dare?", tanong ko sa kanya.

"Truth", sagot naman niya.

"What will you do when your past moves to your present?", tanong ko.

"Di ba dapat sa'yo yang tanong na yan?", sagot pa niya. Lahat sila nakatingin na sa'kin. Wrong question.

"Just answer it", sabi ko naman.

"Okay. Kung sakaling naaalala niya, pag-eexplainin ko siya. Kung kinalimutan na niya, just go with the flow nalang", natamaan ata ako dun ah.

"Okay, next", sabi naman ni Jhasper at tumapat naman ang bote kay Cheska.

"Truth or dare?", tanong ni Raven.

"Truth"

"Compare yourself to any object", tanong ni Brittney.

"Uhhmm, siguro, puno. Kasi kahit gaano na kataas, yumuyuko parin siya kung kinakailangan", siya talaga ang pinakamabait.

"Next!", sigaw naman ni Cheska, akala ko mabait. Inikot nila ang bote at tumapat ito kay Ethan.

"Truth or dare bro", tanong ni Jhasper.

"Dare", wow, kakaiba ah. Tumingin sila ng nakakaloko sa'kin. Oh no, I'm in trouble.

"I-hug mo si Ashlyn sa likod then kiss her on the cheek", sabi naman ni Elaine. What?!

"Pag di mo to nagawa Ethan, you're out", threat nila Cheska kay Ethan.

Katabi ko lang si Ethan kaya nagpalikod siya and hugged me from behind then kissed me on the cheek...

Click!...

They took a pic?! Seriously?!

"Nice shot", comment ni Brittney habang nakatingin sa phone ni Elaine. Umirap nalang ako sa kanila.

"Pwede next spin na din?", sabi ni Ethan at pinaikot niya yung bote. Sa'kin naman tumapat.

"Truth or dare?", tanong ni Brittney.

"Dare, nakakainis kasi mga tanong niyo eh", sagot ko naman.

"Do what Ethan did", sagot naman ni Cheska. Nanaman!

"Or suffer the consequences", threat din ni Brittney.

"Fine", so i hugged Ethan from behind then I kissed him on the cheek. Binilisan ko nalang kasi baka kuhanan pa nila ng pic. Pero nakuhanan parin pala.

"Quit it!", sigaw ko sa kanila pero tinawanan pa nila ako. Psh...whatever.

"Swimming na tayo?", aya ni Raven.

"Mag-galing-galingan ka pa ha? Nandamay ka pa", sabi naman sa kanya ni Ethan.

"Okay na? Kasi ako gusto ko na din mag-swimming", sabi ko at nag-dive na ako sa pool, 7 feet to be exact. Pag-ahon ko, tumalon na din sila. Natauhan na din siguro si Raven kaya dun nalang siya sa 5 feet. Kasama naman niya si Cheska eh.

"Who's up for a race?", aya ni Jhasper.

"Game!", sabay naming sigaw ni Elaine.

"Two swimmers? Ethan tulong naman oh!", reklamo ni Jhasper.

"Fine! Mag-aaya kasi di rin naman pala kaya", sagot naman ni Ethan. Si Brittney ang nagbilang...

"Ready! Set! Go!", sigaw ni Brittney. At the end of the race...siyempre ako nanalo. Second si Elaine, then si Ethan, then si Jhasper.

"Who run the world?!", sigaw ko.

"Girls!!", sigaw naman nila Elaine, Brittney at Cheska.

"Parang nagkakatuwaan kayo ah. Kumusta na pala sugat mo Ashlyn?", bungad ni mama.

"May sugat si ate?", tanong ni Vanessa.

"Eh...oo eh. Pero ginamot na rin ni Ethan", sagot naman ni mama.

"Kuya kailan ka pa naging si Superman? Ang hilig mo mag-save eh", sabi naman ni Kate. Lahat kami natawa sa sinabi ni Kate. Si Ethan? Superman?

"O kayong dalawang bata umahon na kayo. Hayaan niyo muna yang mga ate at kuya niyo diyan", sabi suggest ni mama kila Nessa.

"Okay tita, pwede papuntahin ko si Nessa sa bahay?" ~ Kate

"Okay sige, Nessa behave ah?", sagot naman ni mama at hinatid na niya yung dalawang bata.

"Ang cute nilang tignan noh? Sayang kulang sila", sabi naman ni Brittney. Lahat kasi kami, may nakababatang kapatid. At tulad namin, magkakabarkada din sila...dati. Pero ever since nag-high school kami, nagkaroon na rin sila ng kanya kanyang grupo.


"Magre-reunion din yang mga yan! Tayo nga malapit na, si Maxine nalang ang kulang", sabi ni Elaine.

Maghapon kaming nagkulitan at mga 4 na nung umuwi sila. Hay, pasukan nanaman bukas. Nang nakauwi na sila mama, naghapunan na kami at deretsyo tulog na ako. Titiisin ko nalang yung sakit ng damdamin, parang sa sugat ko lang.

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon