Chapter 25: Plan

36 6 0
                                    

Third Person's POV

***

Nagpaalam si Nathan na may pupuntahan siya. Umuwi siya saglit para makapagbihis bago bumili ng grocery. Mas gusto na daw kasi niya na siya na ang bumibili ng mga grocery para naman daw may maitulong siya at para mas sigurado.

Kinuha niya ang pambili sa kanilang head-maid, pero siyempre nagdala siya ng sarili niyang pera bago umalis. Sa savemore na siya dumeretsyo dahil mas malapit sa kanila. Kumuha siya ng cart at nag-umpisa nang mag-ikot.

Natapos na niya ang listahan ngunit naisip niyang bumili ng pansarili niya kaya nag-ikot muna siya. Hanggang may tumawag sa kanya.

"Hello? Sino 'to?", aniya.

["Hello? Lance! Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin sine-save yung number ko? Hay..."], kilalang kilala niya ang boses na yun.

"Ate, no need. I know your voice naman...", he replied.

["Whatever Lance..."]

"Ba't ka pala napatawag ate?"

["Pwede ka bang pumunta dito bukas? Sabado naman diba?"]

"Para sa'n ate?"

["It's Zayne's birthday tomorrow..."]

"O, ba't kailangan pa'ko dun? Edi mag-date nalang kayo. Ah, alam ko na, magbe-bake ako ng cake. Chocolate ba?", tanong ng binata.

["That's the thing Lance, we broke up..."], hindi makapaniwala ang binata sa sinabi ng kanyang kapatid.

"Bakit naman?"

["We had to. Para rin naman sa kanya yun eh. At para na rin sa'kin. Para hindi na masakit pag nalaman niya yung totoo..."], nalilito na si Lance. Mahal na mahal niya ang ate niya dahil madalas sila ang magkasama pag nasa trabaho ang mga magulang nila.

"Totoo tungkol sa?", tanong pa niya.

["Sa'yo--"]

"Ano? Ba't ako?!", then there was a moment of silence...

["Ano ka ba! Diba sabi mo kanina gagawa ka ng cake? Ang sasabihin ko sana...sa'yo pambili ng ingredients! Hindi mo pa ako pinapatapos eh..."]

"Psh. Peace offering? Ganun?"

["Um, oo parang ganun na nga. Sige I have to go. Bye"], sabi ni Lanny at pinatay ang tawag. Sinunod naman ni Nathan ang sinabi ng kapatid.

Habang naglalakad sa isang food section, hindi napansin ni Nathan na may nabangga pala siyang bata.

"Sorry sorry, okay ka lang?", sabi ni Nathan habang tinutulungan ang batang tumayo. Ngumiti naman ang batang babae bago sumagot.

"Okay lang po ako kuya...", sagot ng bata.

"Sigurado ka ba? Baka may masakit sa'yo?", tanong ulit ni Nathan at tumawa naman ang bata.

"Kuya okay lang po talaga. Ang kulit niyo po, parang yung ate ko...", sabi nung bata at pinag-aralan ng mabuti ang mukha ng binata.

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon