Chapter 21: The Loverboy I fell in Love with (By Chance)

34 8 0
                                    


Ashlyn's POV

***

Waah! Ito na ba yun? Magtatapat na ba siya?! Wait Ashlyn, kalma lang. Malay mo naman itatanong lang yung assignment. Ano ka ba Ashlyn?! Muntikan ka na ngang mamatay kanina, nakakapag-isip ka pa ng ganyan?!

Pero di ko rin naman mapigilang mag-assume. Aaminin ko, totoo yung sinabi ko kay Ethan na hindi pa ako nakaka-move on sa kanya.

Move on? Hindi pa. Recover? Hindi pa. Healed? Obviously, hindi pa. Mahal pa? Ah......ewan! Ganyan ka-komplikado at kagulo ang nangyayari sa'kin ngayon.

"Ano nga?", tanong ko ulit sa kanya. Ang tagal eh! Haha...sabihin niyo ng assuming pero sino naman sa hindi diba?

Isipin mo na ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon. Yung ex mo na bestfriend mo babalik, diba mag-aasume ka din?

"Nevermind....", what? Shet naman Ethan oh! Yan lang ang sasabihin mo? Leche! Napaasa ako dun ah!

"Ang tagal mong mag-isip tapos yang lang sasabihin mo?!", sigaw ko sa kanya. Lahat ng mga kaklase namin nakatingin na sa'min.

"Ashlyn hinay hinay lang naman...", sabi sa'kin ni Eigenx at nag-peace sign lang ako sa kanila.

Tinignan ko si Ethan na nagpipigil ng tawa. Inirapan ko lang siya at linabas ko ang phone ko at nagsuot ng earphones.

"Huy, ito naman di mabiro. Ashlyn! Joke lang yun...", rinig kong sabi niya pero di ko siya pinansin.

"Ashlyn. Courtney. Willows! Pumansin ka ngayon din!", whole name ko pa talaga?! Pwe! Dedma lang.

"Ah, ayaw mo ah....", sabi niya at tinanggal niya yung earphone ko sa phone ko. Bwisit naman eh! Padabog kong tinanggal yung earphones ko sa tenga ko.

"Ano ba?!", inis kong sabi.

"I just want to get your attention", he said.

"Now you have it! Now give me my phone!", sigaw ko sa kanya. Kung kanina napansin pa yun ng mga kaklase ko, ngayon hindi na. May kanya kanya na silang mundo eh.

"Not until we're okay...", so napansin din pala niya na hindi kami okay...good for him.

"Look, ayokong may pagkakataon na nag-aaway tayo at hindi tayo magkaayos. Hindi kasi natin alam kung anong mangyayari. Baka mamaya may lihim pa tayo tapos magsisisi tayo kasi hindi natin nasabi. Tyaka lang tayo matatauhan kung muntikan o tuluyang mawawala ang mga mahal natin sa buhay. Gaya ng kanina, I thought I was gonna lose you again. Hindi ko yun matitiis. Dahil alam ko na ikaw lang ang makakasagot ng tanong na laging bumabagabag sa isip ko...", kalmado niyang sabi. Nabawasan ang inis ko sa kanya. Ang haba ng sinabi ah...

When Past takes over PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon